MPC - 09

9.2K 162 11
                                    

PUBLISHED under Life is Beautiful Printing Corporation-a sister company of Precious Pages Corporation.

Php 109.75

Available in all Precious Pages Outlet, National Bookstore, Pandayan Bookshop, Expression, Booksale and other leading bookstores NATIONWIDE.

----------------------------------------

Chapter 9

Kaycee

Lady.

Sino ba si Lady?

Iniwan ko si Niel kanina habang kausap 'yong Lady at mukhang nagkaroon sila ng fan meeting kasi hindi na pumasok si Niel sa klase.

"Nakabusangot ka? Badtrip?" tanong sa akin ni Carmy.

"Oo!"

"Kasi wala siya?"

"Hah?"

"Naks! Gumaganyan ka na pinsan. Hinahanap mo ang presensya niya! In love ka na ba?"

"ANO?! Anong in love ang sinasabi mo?! badtrip ako kasi..."

"Kasi..."

Itinaas ko ang kamay kong hawak hawak ang bag ko. "Walang magbubuhat!" lupet ng palusot ko. Pero bakit nga ba ako badtrip?

"Bakit si Niel ba ang binabanggit ko? Hindi ko naman alam na si Niel ang iniisip mo! Sige una na ako," nakangiti niyang sabi at tsaka umalis na.

Hindi na kami nagsasabay pumasok at umuwi dahil sobrang busy ng staff ng school magazine namin. Gusto kong sumali sa school magazine staff pero pinagbawalan ako dahil school student president na ako. Pero okay na ring hindi ako nakasali doon baka kasi ang palagi kong ibalita ay isa akong anak ng artista.

Papasok na ako sa bahay ng mapansin ko si Niel at iyong Lady sa may garden. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakikita at mukhang hindi pa nila napansing dumating ako.

"Kamusta ka na?" tanong ni Niel tsaka hinawakan ang kamay 'nong Lady.

"Maayos naman ako, ikaw?" sagot naman ni Lady.

"Okay lang nahihirapan pero kinakaya ko."

"What do you mean na mahirap?"

"Wala lang."

"Miss na kita Niel. Bumalik ka na kasi." Napatakip ako ng bunganga ng makitang niyakap 'nong Lady si Niel.

"I miss you too. Pero hindi pa ako pwedeng bumalik ng Manila."

"Pero bakit?" reklamo 'nong Lady tsaka kumawala sa yakap. "Nakakaselos kasi dalawang babae ang kasama mo dito baka naman mainlove ka sa isa sa kanila."

"Niel!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinawag ko na siya.

"Who the hell are you?" takang tanong 'nong Lady.

"I am supergirl! You! who are you?!"

"WHAT THE?"

"Pwede bang huwag kang magmura nasa-"

"Shut up bitch kung sino ka man anong karapatan mong sumabat o sumingit sa usapan namin!"

"Bitch? Ako bitch?! Shut up ka din at sino ka para tawagin ako ng ganoon dito sa pamamahay ko baka gusto mong kasuhan pa kita ng trespassing-

"STOP IT KAYCEE! Kung ayaw mong mag-usap kami ni Lady dito ay aalis nalang kami hindi iyong nagiging bastos ka at sumasabat sa usapan," galit na sabi ni Niel sa akin at napatahimik naman ako sa sinabi niya.

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon