MPC - 14

9K 148 13
                                    

Chapter 14

Kaycee

"Ang lapad ng ngiti mo! May binabalak ka ba?" tanong ko kay Niel.

Nasa cafeteria kami ngayon at magkaharap. Christmas eve na mamayang gabi. Tinitignan niya ako ng parang kakainin niya ako ng buhay. Baka kung anong kalokohan ang nasa isapan niya o baka naman, OH NO! Baka hinuhubaran na niya ako sa isapan niya.

AH! Ano bang 'tong pinagsasabi ko!

"Nakadrugs ka ba?"

"Baka gusto mong mabiyak ang bungo mo ng wala sa oras!"

"Pwede ba pasko na mamayang gabi ganyan parin kayo? Pag natapos 'tong ginagawa ko pag-untugin ko talaga kayo."

"Ikaw kasi Niel!"

"Anong ako ikaw ang nagsimula!"

"Ikaw kaya ang pangit pangit mo parang man rerape!"

"As if naman ire-rape kita!"

"Ang pangit mo!"

"Mas pangit ka Kaycee!"

"Sirain ko tong bracelet mo!"

"Tapon ko 'tong keychain mo!"

"Titigil ba kayo o hindi?!"

Umuwi na kami sa bahay at nagsimula ng magluto para sa pagcelebrate namin ng pasko mamayang gabi. Hanggang ngayon ay ayaw ko parin 'yong pag-aarte namin mamaya na mag-asawa. Nasusuka ako, sobra! Alang alang kay Carmy ay gagawin ko. Masiyadong masakit ang magcelebrate ng wala ang magulang at ayaw kong maramdaman niya iyon.

"Charm anong gagawin mo kapag darating ang parents mo mamayang gabi?"

"I'll hug them," nakangiting sabi ni Carmy pero halata parin sa mga mata niya ang kalungkutan.

Napatingin ako kay Niel at binigyan ako ng Simulan-na-natin look. "Tinitingin mo diyan!" pinandilatan ko siya.

"Can we talk," sabi niya at hinila ako papunta sa tambayan niya at naging tambayan ko narin; ang garden.

"Ano gagawin ba natin o hindi?" tanong niya sa akin.

"Huwag nalang ang corny naman kasi! Tawagan nalang natin si tito at tita na tawagan siya mamayang gabi!"

"Insensitive!"

Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. "Insensitive?" pangawalang beses na akong nasabihan ng ganoon.

"Okay fine. Ma ang tawag ni tit okay tita at Da ang tawag ni tita kay tito."

"Okay I'll call you Ma, call me Da."

"Yucks!"

"Yucks too, pero para naman sa pinsan mo."

"Fine! Whatever!"

Itinuro k okay Niel kung paano gumalaw si tito at madali lang naman niyang nagagawa dahil artista siya, sanay siya sa artehan. Pero paano naman ako? Good thing matagal kong nakasama si tita dito sa bahay nila at nakikita ko kung paano siya gumalaw.

"Madali lang naman pala, be sure na mararamdaman niyang nandito ang parents niya mamayang gabi."

"Bakit ma ba ito ginagawa para sa kanya?" naglakas na akong tanungin sa kanya ang tanong na gusto kong tanungin.

"I want her to be happy. Hindi bagay sa kanya ang nakasimangot," simpleng sagot niya.

"You like her?" stupid question, bakit ko ba tinanong iyon?

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Where stories live. Discover now