MPC - 01

23.6K 254 22
                                    

PUBLISHED under Life is Beautiful Printing Corporation-a sister company of Precious Pages Corporation.

Php 109.75

Available in all Precious Pages Outlet, National Bookstore, Pandayan Bookshop, Expression, Booksale and other leading bookstores NATIONWIDE.

----------------------------------------

Chapter 1

Kaycee

"Ah! I love you MJ, I love you!" malakas kong sigaw habang pinapanood ang one and only idol ko sa TV.

Ako nga pala si Kaycee Santiago Alonzo, hindi ako maganda pero hindi naman ako pangit. 15 years old na ako at fourth year high school na. Tahimik akong tao pag tulog pero sa panaginip ko sumisigaw ako, isinisigaw ko ang pangalan ng idol ko.

MJ Gomez ang pangalan ng idol ko. Isa siya sa pinakasikat na teen artist ngayon. Singer, dancer, actor at model siya. Bukod sa sobrang talented niya, sobrang bait niya rin sa mga fans niya kaya sobrang bilis niyang sumikat kasi mabilis siyang tinanggap ng mga tao. Mula ng magsimula siya sa Showbiz idol ko na talaga siya. Commercial, guesting, teleserye, concert at movie niya ay sinusubaybayan ko. May kasabihan nga "Kung nasaan ang taong mahal mo, puntahan mo, suportahan mo".

Wala akong pinapalampas na show na kung saan nandoon siya. Kahit minsan sobrang mahal pumupunta ako kasi naman mahal na mahal ko talaga ang idol ko at isa lang naman ang hiling ko. Ang minsay makasama siya.

"MJ!" sigaw ko ulit habang kinikilig dahil kinakanta niya ang latest single niya.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?

Kung ako ba siya, mamahalin mo?

Ano ba ang mayro'n siya na wala ako?

Kung ako ba siya, iibigin mo?

"Kaycee, tumahimik ka nga ang ingay ingay mo, kita mong nag-aaral ako dito tapos sigaw ka pa ng sigaw diyan. Sana mapipi yang idol mo o kaya mabugbog at pumangit. Kainis!" sigaw naman ng babae malapit sa akin. Siya ang pinsan ko, sweet 'yan kaso minsan masungit.

Nakatira lang ako sa bahay ng tita ko pero hindi ako ulilang lubos. Sabi ng tita ko patay na ang papa ko pero ang mama ko buhay pa pero hindi ko siya nakakasama. Nagtratrabaho siya malayo sa akin, minsan ko lang siyang makita ng personal pero palagi ko siyang nakikita. Ah! Magulo ba?

Tumahimik ako sandali at tinignan ang idol kong si MJ na kumakanta sa TV. 15 years old din siya. Oh 'diba! Bagay kami. Lahat ng product sa commercial niya nasa akin, maski gamit panglalaki binibili ko. Bag ko ang picture siya, pati ang notebooks, ballpen at pati lapis siya din. Ganoon ko siya kamahal, kaya kung may mas adik pa sa pinaka adik ako na siguro iyon.

Ang kwarto ko punong puno nh poster niya, ang cabinet ko punong puno ng t-shirt na siya ang print at ang pinaka-iingatan ko ay ang autograph niya ng minsa'y bumisita siya dito sa amin noong pyesta. Grabe! Halos makipagpatayan na ako noon makapagpa-authograph lang. Nakakainlove kasi siya!

"Kung mayroon lang malapit na metal hospital dito sa atin, itinakbo na kiya,"

"Pinsan naman mag-aral ka na nga lang diyan. Hindi na nga ako maingay eh nagsusungit ka pa rin," nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Tumahimik ka nga pero 'yang mukha mo naman nakaka distract. Nakatulala ka diyan at nakanganga ka pa konting konti nalang tutulo na laway mo,"

"Grabe ka, ang sama mo,"

"Ano kaya talaga kung mabugbog 'yang idol mo? Ano kayang maging itsura mo? If I know baka sumugod ka pa sa Manila para lang puntahan siya,"

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon