MPC - 29

9.7K 171 12
                                    

Chapter 29

Kaycee

"By the way. Mahal din kita."

"By the way. Mahal din kita."

"By the way. Mahal din kita."

"AH!" napasigaw ako sabay gulo gulo ng buhok ko.

Paulit ulit na umiikot sa ulo ko ang huli niyang sinabi sa akin.

"By the way. Mahal din kita."

"Tama na, please!"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Kaycee okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni MJ.

Ngumiti ako. "Oo."

"Magbihis ka na kasi papunta na tayo sa studio para i-film iyong talk show. Akala ko talaga si Lady ang makakasama ko. mabuti ng ikaw para dream come true na."

Ngumiti pa siya bago lumabas ulit ng kwarto ko.

Dream come true?

Pumunta kami ng studio at inayusan. Guest kami sa isang talk show as a representative ng company namin. May performance din kami ni MJ. Nakakagulat lang na ako ang kasama niya kasi ang pagkakaalam ko ay si Lady dapat iyon. Indeman na ba ang beauty ko? baka mas lalong magalit si Lady kapag nalaman niya ito.

"5 minutes," sabi ng crew sa amin.

"Good Afternoon everyone," bati ng host at nagpalakpakan naman ang mga tao. "We're lucky today because two of the most indemand teen artist in the country ang makakasama natin. Let's give it up for Kaycee and MJ."

Nakangiti kaming lumabas mula sa backstage at kumaway sa mga taong nanonood. Ang lakas ng palakpak nila sa amin at nag sisigawan pa sila.

"Good Afternoon Kaycee and MJ," bati sa amin ni Miss Sharon ang host ng talk show.

"Good Afternoon Miss Sha," nakangiti kong bati rin sa kanya.

"Maraming salamat sa pagpunta."

"It's always our pleasure ma'am," sagot ni MJ.

Ang dami niyang tanong at diretsong sagot lang kami ni MJ. Wala naman siyang mahalagang tanong maliban sa ilang detalye ng buhay naming. Nagtanong siya tungkol sa paglipat ni MJ sa company at ang biglaang pagpasok ko sa pag-aartista.

"Actually si Lady dapat ang kasama mo MJ, right? Kaso biglang tumawag sa akin si Miss Hanna na si Kaycee nalang daw."

"Ikinagulat rn po naming iyon."

"Ano namang masasabi niyo sa dalawa niyong kasamahan na ipinadala para maging representative ng pilipinas sa musical?"

Napanganga ako sa tanong niya. Una, hindi ko alam ang isasagot ko kasi wala akong alam sa musical na iyon. Pangalawa, hindi ko alam na umalis silang dalawa. Saan sila pumunta?

"I believe in their talent and I know na itatayo nila ang bandila ng pilipinas dahil sa galing nila sa pagkanta. Siguro mamimiss namin sila kasi mahaba haba rin ang isang buwan nilang pagkawala."

At mas lalo na akong napanganga sa isinagot ni MJ. One month?

Natapos ang guesting naman sa talk show na madaming naiwang tanong sa isipan ko. Dapat ako ang nasa upuan kanina ni Miss Sharon at nagtanong kung ano ba iyong musical at one month na sinasabi nila.

Ito na naman ba ako, nagiging luting dahil sa sinabi ni Niel sa akin kagabi. May mga sinabi na naman ba sila sa akin na hindi ko matandaan kasi iniisip ko lang ang sinabi sa ni Niel sa akin. Hindi ko maalala, saan ba sila pumunta?

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Where stories live. Discover now