MPC - 18

8.9K 149 5
                                    

Chapter 18

Kaycee

Pagkatapos ng hapunan ay pumasok na ako sa kwarto. Hindi maalis sa isipan ko ang 'Love Therapy' na sinabi ni Cedric. Sabi niya wala lang daw iyon at pumasok lang daw bigla sa ulo niya pero bakit parang ang lakas ng epekto sa akin. Ano ba kasi iyon?

Kinuha ko ang laptop ko at tinype ito sa google.

"Solving emotional problem?" napakunot noo ako sa nabasa ko.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa guest room kung saan nandoon si Cedric. Walang katok-katok ay pinasok ko ito at nakaupo naman siya sa kama.

"Solving emotional problem hah!" sarkastiko kong sabi at napangiti naman siya.

"Galing ng google!"

"Baka gusto mong maknock-out ulit?"

"Sungit!"

"Presko!"

"Oo Kaycee presko ako at ikaw naman hot."

Binato ko siya ng unan. "Hot ka diyan!"

"Oo naman hot ka, sunog ka eh!"

Tinignan ko siya ng masama. "Woah!" itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko na. "Joke lang!"

"Ano ba kasi iyong Love therapy?" pagbabalik ko ng topic.

"Alam mo bang curiosity kills the cat?"

"Alam ko bakit?"

"Curious ka kasi baka mamaya-"

"Ako ang papatay sa iyo Ced!"

Umayos siya ng upo habang ako naka indian seat sa ibabaw ng kama.

"Iyon ang sinabi sa akin ni mama nang maghiwalay kami ng girlfriend kong si Jenny."

"May heart to heart talk din pala kayo ni tita?"

"Oo naman di naman kasi kami katulad-" napatigil siya at tinignan ako.

Napangiti nalang ako. Alam ko naman ang gusto niyang sabihin.

"ituloy mo," sabi ko.

"Yung love therapy?"

"Hindi iyong sinasabi mong hindi katulad ko na walang bonding moments sa mama ko."

"wala akong sinabi!"

"Pero iyon ang gusto mong sabihin."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Kay-"

"Forget it! Huwag mo ng sabihin ang tungkol sa Love therapy na iyan kasi hindi na ako interesado. Sige matutulog na ako kailangan kong pumasok ng maaga para imeet ang mga officer ng SSC."

Hindi ko kinaya ang sinabi, I mean sasabihin sana ni Ced.

***

Naglalakad na ako papalapit sa kumpulan ng tao; sa may bulletin board. Napangiti ako ng Makita ko ang pangalan ni MJ doon pero mas napangiti ako ng makita ko ang mga kasama niya. Pumunta ako sa office ng Student council.

"Ma'am bakit hindi po ako na-inform sa magaganap sa prom?" tanong ko pero tinignan lang ako ni ma'am na para bang nagtataka siya sa sinabi ko.

"What are you talking about Kaycee. Nag-usap usap na tayo dito at pumayag ka na. anong nangyari sa iyo at nakalimutan mo?"

Ngumiti nalang ako. Siguro nga masiyado ko siyang iniisip kaya nakalimutan ko o kaya hindi pumasok sa isipan ko iyon ng sinabi nila.

"May problema ka ba?" tanong ni Michelle ang Vice President ng Student Council.

Napailing ako. "Wala baka wala lang ako sa kondisyon ng sinabi sa akin."

"Mula ng mawala si Niel dito mukhang nagbago ka!" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko nalang siya sinagot at umalis nalang ako baka kung saan pa mapunta ang usapan. Mas mabuti ng ako at si Carmy at Cedric ang nakakaalam ng pagtingin ko kay Niel.

Dadalo daw sila na parang normal na estudyante ng SGHS. Kakanta sila at sinabi rin nila na kakanta rin ako. Ang dami kong hindi alam dahil wala ako sa katinuan ng sinabihan ako. Mukhang kailangan kong uminom ng isang trak ng memory plus para maalala ko lahat ng iyon.

"Nakita mo na?" tanong ni Carmy sa akin at napatango ako . "Anong gagawin mo?"

"Sabi nila kakanta daw ako."

"Hindi iyon! Anong gagawin mo kung kausapin ka niya?"

"Sasagot ako."

"Hindi mo ba-"

"Ito na naman ba tayo Carmy?" minabuti ko ng pigilan siya sa sasabihin niya. "Kung araw araw siya nalang ang bukang bibig mo paano ko siya makakalimutan?"

"Nag-aalala lang ako," sagot niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Alam ko Carmy."

Kumalas siya sa yakap at tinignan ako habang nakangiti. "Let's go somewhere!" sabi niya at hinila ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hinihila lang ako ni Carmy habang tumatakbo. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa marating naming ng isang bakanteng lote.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. Wala akong kaide-ideya kung anong gagawin naming dito. Naisip kong pupunta kami sa isang lugar pasyalan pero hindi sa isang lugar na tanging nakikita lang ay lupa at damo.

"Sumigaw ka," utos niya sa akin.

"Ha?! Bakit?!"

"Isigaw mo ang lahat ng galit, lungkot na nararamdaman mo. Pangako Kaycee gagaan ang pakiramdam mo."

"I-" nag alangan pa akong sumigaw pero tumango si Carmy sa akin kaya napangiti ako. "I hate myself!" buong lakas kong sigaw. "Naiinis akong nagmahal ako sa maling tao!" tuloy ko. Pinipigilan ko ang paglabas ng luha mula sa mga mata ko pero hindi ko ito kaya. "Kakalimutan kita!" sigaw ko ulit habang umiiyak.

Napaluhod ako sa lupa habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Nakakainis lang ang sitwasyon ko, palagi nalang akong umiiyak. Bakit ang ibang tao masaya habang ako hindi.

"It's okay," bulong ni Carmy at niyakap ako. "Promise me Kaycee, ito na ang huling araw na iiyak ka para sa kanya," sabi niya at tumango ako.

***

Kumunot ang noo ko. "Ano na naman bang kailangan mo?" tanong ko kasi bigla nalang pumasok si Ced sa kwarto ko.

"Magnanakaw ng underware mo!"

Binato ko siya ng unan. "Gago!"

"Joke lang! alam ko namang mabaho iyon, haha!"

"Kung pupunta ka dito para asa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap.

"I'll be missing you," bulong niya sa akin.

"Mamamatay ka na ba?" biro ko pero imbes na tumawa siya o kaya ay magalit sa akin ay bigla niyang hinigpitan ang yakap niya.

"Hindi mo kailangang kalimutan ang taong minamahal mo hangga't hindi niya sinasabing hindi ka niya mahal."

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt