CHAPTER 25

1.3K 48 1
                                    

Angela

"You sure you really want this?"

Napatingin ako kay Dad na prenteng nakaupo sa swivel chair dito sa loob ng kanyang library. Katabi ko si Mom sa couch na nakaharap sa mesa ni Dad. Pinag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa turn over ng kompanya sa akin.

I already made my decision. Kahit naman ayawan ko ito ay ako parin naman ang magmamana ng kompanya ni Dad. Hindi ko naman pwedeng hayaan na malugmok ang kompanyang pinaghirapan ng mga magulang ko dahil saksi ako kung paano sila naghirap.

It's been a month nang makauwi ako dito sa bahay. Hinayaan muna ako ni Dad at Mom na magpahinga at sila muna ang namamahala sa kompanya. Hindi na din nila inalam kung bakit ako nagkaganun. I instantly shook my head. Ayoko ng isipin siya. Dahil sa'tuwing sumasagi siya sa isipan ko, sakit lang ang dulot niya sa puso ko.

I sigh and look at my Dad. "I already think about it Dad. Natatakot lang talaga ako ng panahon na yun na baka hindi ko maranasan yung pamumuhay na pinangarap ko nuong bata pa ako dahil sa pagtatrabaho. You already gave me time to enjoy it. And I think this is the time para bumawi naman ako sa inyo ni Mommy."

Sinulyapan ko si mommy at nginitian. Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo habang hinahaplos ang aking buhok.

"We're really sorry anak. Dahil sa pagpursige namin ng daddy mo na bigyan ka ng magandang buhay, hindi na namin naisip kung anong nararamdaman mo. Kung anong gusto mo. Akala namin sapat na yung binibigay naming materyal na bagay sayo. I promise you anak. We'll make it up to you."

Mabilis kong pinunasan ang luha na lumandas sa pisngi ni mommy. "Ayos lang po yun mom. Ang mahalaga, napagbigyan niyo ako kung ano yung gusto ko. I'm still thankful dahil kayo ang naging magulang ko. I'm thankful na binigyan niyo ako ng magandang buhay. Don't be sorry. Ako nga dapat ang mag sorry dahil mas inuna kong pahalagahan yung gusto ko kaysa kung ano yung pangarap niyo para sa akin."

I already told to them my reason why I escape. Hindi maawat si mommy nun kakaiyak. Maski si dad ay pinipigilan lang na umiyak sa harap ni mommy dahil gusto niyang maging matatag. Which is I know that he's not.

Now I realize too what I have done. What mistake I've done to all of them. Hindi ko naisip na gusto lang ni dad at mom na bigyan ako ng magandang buhay. Kung gaano karami ang sakrapisyo na ibinigay nila para sa akin na hindi ko man lang nakita.

Well, past is past. Siguro kailangan ko nalang na bumawi sa kanila. Bumawi sa lahat ng pagkukulang ko bilang anak nila.

"Okay. Enough of that drama. Pati ako naiiyak na sa inyong dalawa. We're here to talk about the turn over."

Pareho kaming nagkatawanan ni mom sa sinabi ni dad. He just don't want to cry in front of us. Gusto daw kasi niyang maging matatag sa paningin namin.

"Make the turn over fast, dad. Para ako na ang pumalit sa pwesto mo at magka quality time kayo ni mommy." Tukso ko pa sa kanilang dalawa dahilan para kurutin ako ni mommy sa tagiliran.

"Ikaw talagang bata ka." Pinandilatan pa niya ako ng mata.

"Okay. If this is what you want. Mamaya aasikasuhin ko agad ang turn over ng kompanya. Wala naman kaming maging problema ng mommy mo dahil alam naming kaya mo ito." He said while smiling at me.

"I won't disappoint the both of you this time, dad. I know where my place right now. My responsibility for being an heiress and for being a daughter to the both of you."

Yumakap si mommy sa tagiliran ko habang si dad naman ay lumapit sa gawi namin para yakapin kaming dalawa. I just let out a contented sigh. Bakit pa ba kasi ako lumayo kung gayun'g nandito yung pamilya ko? Bakit ko pa kasi mas ginustong mamauhay ng normal kung saan nasaktan lang ako? Bakit ko pa sila iniwan kung ang totoo ay gusto lang nilang maging masaya ako?

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now