CHAPTER 17

1.2K 36 0
                                    

Angela

"Bilisan mo naman diyan Angela! Ang bagal-bagal mong maglakad. Kailangan na nating bumili ng night gown mo para sa pageant!"

Napahawak ako sa aking sentido sa lakas ng boses ni Celine. Baka inaakala niyang nasa kabilang kanto ang kanyang kausap, eh nandito naman ako sa kanyang tabi at kanina pa ako hinihila.

Tapos na kaming kumain at nagpa extended lang kami ng break para mamili ng susuotin ko sa nakalapit na pageant. Pumayag naman si manager at binigyan kami ng 30 minutes para mamili.

Tatlong araw nalang at fiesta na sa baranggay namin. Sobrang hype naman nitong kasama ko na para bang mauubusan kami ng damit sa pamilihan. Isa pa, may dress naman ako duon sa bahay nung gabing tumakas ako. Yun kasi ang nasuot oo hanggang sa makarating kela Celine.

"Kumalma ka nga. 30 minutes naman ang binigay sa atin ni manager na oras. Hindi naman tayo mauubusan ng damit." Ani ko bago nginitian ang isang sales lady na nakasalubong namin.

"Kahit na! Kailangan nating mamili ng maganda para walang masabi yung Angelic na yun. Kala niya siya lang ang maganda sa lugar natin. Che!"

Tanging buntong hininga nalang ang ginawa ko nang tuluyan na niya akong mahila sa night gowns aisle. Simple lang naman ang pageant kagaya ng nakagawian ko at kabisado ko na ang ganito. Tanging question and answer portion lang at pagrampa sa stage ang gagawin namin kaya ayos na ayos yun sa akin.

"Isa lang ang bibilhin natin dahil may dress naman ako duon sa bahay. Kung pwede nga yun nalang ang susuotin ko sa pageant." Sabi ko sa kanya habang namimili ng magandang night gowns.

"Oo na. Basta piliin mo yung maganda at bagay sayo. Alam ko namang may taste sa mga damit dahil lumaki kang mayaman."

Hindi ko nalang sinagot ang kanyang sinabi at masusing namili ng mga damit. A blue green dress caught my attention. Sa leeg ang tali nito kaya naman back less ang likod. Simple din ang kanyang design at tanging maliliit na diamonds lang ang nakapalibot sa dress. Sa tingin ko ang haba nito ay hanggang ibaba ng tuhod ko.

Kinuha ko ito saka hinarap si Celine na nakaupo sa harap ng fitting room.

"Ito na ang napili ko. Susukatin ko muna."

"Okay." Sagot niya na hindi tumitingin sa akin dahil nakapako ang kanyang tingin sa magazine na kanyang binabasa.

Napailing na lamang ako at pumasok sa fitting room. Ini-lock ko ng maayos ang pinto bago isinabit muna ang damit na nakahanger. I take off my clothes leaving only my undergarments. Saka ko isinuot ang dress at inaayos ito habang nakaharap sa salamin.

I smiled firmly and look at my self in the mirror. Hapit na hapit na katawan ko ang damit at tamang-tama lang sa akin. No need to wear elegance dresses. Kung tutuusin simple lang ito at nasa akin na kung paano ko ito dadalhin.

I look at my back and smiled. It looks sexy and my soft skin was now expose. Napangiti ako at inayos muna ang aking buhok bago lumabas ng fitting room.

"Ayos na itong suo—"

Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mata nang makita ko kung sino ang prenteng nakaupo sa upuan na inuupuan lamang kanina ni Celine.

It's none other than Rix Navarro who's now looking at me intently.

"Wow. You look fabulous in that dress."

Napakurap-kurap nang nakompirma kong siya nga ang nasa harapan ko ngayon. Pinanlakihan ko siya ng mata bago nagpalinga-linga sa paligid kung meron bang iba tao. But gladly, wala naman maliban sa aming dalawa.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now