CHAPTER 23

1.2K 40 1
                                    

Angela

"Oh, ayos ka lang ba? Bakit parang namumula ang mata mo?"

Nag-iwas ako ng tingin sa tanong ni Celine sa akin. Pabagsak akong naupo sa couch at napatitig sa kawalan. Sinabi kong ihatid niya ako agad dahil pagod ako. I'm tired physically and emotionally. Ayoko munang makita siya. Ayokong munang makasama siya dahil sumasakit na naman itong puso ko sa walang kwentang dahilan.

I smiled bitterly as a lone tear escape my eyes. Kailan ba mapapagod itong mata ko sa kakaiyak? Hindi pa ba ako nauubusan ng tubig sa katawan at lagi nalang akong lumuluha?

It hurt. It really hurts.

"Ui, ui. Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? May ginawa bang masama si Rix sayo?"

Napayakap na lamang ako kay Celine nang umupo siya sa tabi ko at duon ibinuhos ang luhang hindi ko mapigilan.

"Ang sakit. Sobrang sakit." Pumiyok ang boses ko nang sabihin ko yun.

Ang mga salitang yun lang ang kaya kong bitawan para malaman niyang nasasaktan ako ngayon. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang nangyari kanina na pinagsisihan ko. Pero hindi ako nagsisisi na ibinigay ko sa kanya ang sarili ko. Mas pinagsisihan kong naniwala ako sa ilusyon na ibinibigay niya.

"Shh. Wag ka ng umiyak. Marami akong tanong sayo pero kailangan ko namang umalis para magtrabaho. Basta mamaya pag-uwi ko, kakausapin kita at kailangan mong sabihin sa akin ang lahat, okay? Para madamayan naman kita sa sakit na nararamdaman mo ngayon." She said.

Mas lalo lamang akong napahagulhol sa kanyang sinabi. Sana kagaya ako ni Celine na matapang at kayang harapin ang lahat. Akala ko kaya ko na, pero hindi pa pala. Hindi ko kayang harapin ang katotohanan at tanggapin ito. Sobrang sakit lang.

Nanatili lamang akong umiyak sa mga bisig niya. Kung hindi ko lang naalala na kailangan na niyang magtrabaho ay hindi pa ako titigil.

"Basta mag-uusap tayo mamaya. Wag kang aalis dito sa bahay. Maliwanag?" Saad ni Celine nang makalabas siya galing sa kanyang kuwarto dahil nagpalit siya ng damit na nabasa ng luha ko.

Nanghihina akong tumango sa kanya bago ulit siya nagpaalam na aalis na. I stared at the blank selling as I felt my tears fell from my eyes. Marahas ko itong pinunasan pero naging sunod-sunod ang pag-agos nito.

Bakit ba kailangang ito ang pagdaanan ko? Am I a bad girl? I think I am. Masama akong babae dahil tinakasan ko ang pamilya ko.

My family

Suminghot ako at pinigilan ang aking luha. Marahas akong bumuntong hininga at tumayo. Walang saysay kung umiyak ako dito at balikan kung paano ako nawasak at nasaktan. Walang saysay kung magsasayang pa ako ng luha sa lalaking pinagmukha akong tanga at katatawanan.

Mabilis akong pumasok sa kuwarto para kumuha ng tuwalya saka ako naligo. I don't know why I can't feel the pain down there. Siguro immune na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Siguro dahil mas nangingibabaw ang sakit sa aking puso.

Stop it already!

I compose my self bago tinapos ang pagligo. Mabilis akong nagbihis ng komportableng damit sa kuwarto. Siniguro kong hindi mahahalata ang mga mata kong namumula. I put some lip gloss on my lips saka ako lumabas dala ang sling bag na may lamang cellphone at wallet ko.

"Oh, nandito kana pala hija. Papasok ka ba? Sana sumabay kana lang kay Celine." Salubong na tanong sa akin ni Tita nang makita ko siya sa sala.

I smiled bitterly. "Hindi po ako papasok ngayon Tita. Nakausap ko na si Celine kanina nang makauwi ako. Kailangan ko lang pong magpahangin."

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now