CHAPTER 12

1.4K 49 0
                                    

Angela

"Kaya pala hindi ka sumama sa akin dahil mas gusto mong kasama si Rix, ganun ba? Inalok kita na pumunta sa party ni manager pero tinanggihan mo dahil tinanggap mo na ang alok ni Rix na samahan siya. Ang galing!"

Napanguso ako habang binubungangaan ni Celine. Nasa sala kami ngayon at kaming dalawa lang ang tao dito dahil maagang umalis sila Tita para mamalengke kasama si Chelsea.

Hindi ko naman kasi alam na sa party ni manager Ray kami pupunta ni Rix! Eh kung sana alam ko, may pagkakataon pa akong tumanggi sa kanya at mag explain kung bakit. Ewan ko nga sa kolokoy na yun. Hindi na naman ako kinakausap katulad ng dati. Kagaya ng sinabi niya sa akin kagabi.

"Tapos mag paakbay-akbay pa sayo ang Rix na yun! Naku Angela! Sinsabi ko sayo, sasaktan ka lang ng lalaking yun at tatawanan talaga kita kapag umiyak ka!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Celine. Nakapameywang pa siya habang pabalik-balik ang lakad. Para ko siyang Nanay na pinapagalitan ako dahil may ginawang hindi tama.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong dahilan pero hindi naman pwede! Lalo na ngayon na mukhang mas lumala ang kanyang hinala. Kung ako lang sana, matagal ko ng sinabi sa kanya ang totoong dahilan. Eh kaso, ayoko namang mag-alala siya sa akin. O baka nga magtampo siya sa akin. Hindi ko gustong mangyari yun.

"Kumalma ka nga muna. Paano ko sasabihin sayo ang side ko kung hindi mo ako hinahayaang magsalita?" Paalala ko sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang sentido at minasahe ito. "Paano ako kakalma kung nakita ko kayong magkaakbay na pumunta duon? Anong iisipin ko, Angela? Akala ko ba hindi mo nakalimutan yung nga paalala ko sayo noon?"

Napabuntong hininga ako. Alam ko kung bakit ganito kung makapag react si Celine dahil nag-aalala siya sa akin. Hindi man niya derektahang sabihin, ipinapakita naman niya.

Inabot ko ang kanyang kamay at pinaupo siya sa tabi ko. Seryoso ang kanyang mukha at wala akong mababakas na biro.

"Sorry na. Tsaka, hindi ko naman talaga kinakalimutan yung mga paalala mo sa akin. It's just that, mas nauna kasi akong inaya ni Rix at pumayag ako. Malay ko bang iisa lang pala ang pupuntahan natin? Kung alam ko lang sana, edeh pumayag at sumama nalang ako sayo." Mahinahon ang boses kong paliwanag sa kanya na may halong pagsisinungaling.

Kung talagang alam ko lang, kay Celine nalang ako sumama at pinalawanag kay Rix kung bakit. Maiintindihan naman siguro niya dahil iisa lang naman ang party na pupuntahan namin. Kaso nangyari na ang nangyari. Hindi ko na maibabalik ang dati.

"Mukhang wala na nga akong magagawa tungkol diyan Angela. Kahit ikaw pa ang kusang lumayo, lumalapit naman sayo si Rix. Etoh na nga ba ang sinasabi ko, minarkahan kana niya." Puna pa niya sa akin.

Mahinahon na ang kanyang boses ngayon pero seryoso parin ang kanyang mukha. Kung kaya ko lang talagang sabihin sa kanya na may kondisyon kami ni Rix ay matagal ko ng sinabi sa kanya. Kaso hindi eh. Hindi ko kaya.

"Ako na ang bahala sa sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko. And I always remind my self to remember your advice to me." I smiled softly to reassure her.

"Sinasabi ko sayo Angela, once na minarkahan kana niya, wala ka ng kawala." Seryoso at deretso niyang sabi sa akin.

Nakakaintinding tumango ako sa kanya. Hindi naman ako naniniwala na 'minarkahan' nga ako ni Rix dahil tungkol lamang ito sa kasunduan namin. Palagi kong pinapaalala sa sarili ko na isa lamang itong kasunduan. At bakit naman ako gagawin ni Rix na isa sa mga babae niya? It's clear like a sky that I am his slave.

"Kapag nahulog kana sa kanya, wala na akong magagawa para pigilan ka Angela."

Napasimangot ako sa kanyang sinabi kahit seryoso ang kanyang boses. "Bakit naman ganyan ang topic natin ngayon? At ako? Mahuhulog sa isang katulad niya? No way! Kahit gwapo at macho siya, hindi parin magbabago na laruan lang para sa kanya ang mga babae." I even rolled my eyes.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now