Angela
"Magandang umaga sa napakaganda kong Nanay!"
Malaki ang ngiti sa aking labi nang bumaba ako sa hagdan at naabutan si Nanay na naghahain ng almusal sa lamesa. Nakaupo na si Tatay sa lamesa at ang dalawa kong kuya na nag-aagawan ng tinapay. Panay pa ang kahol ni Rix dahil nanghihingi ng pagkain sa kanyang amo. Yes, 'Rix' ang pangalan ng aso namin. Sosyal noh?
"Halika't kumain kana dito anak. Maubusan ka pa ng tinapay ng mga Kuya mo."
"Gumising ka kasi ng maaga bunso. Alam mo naman itong si Kuya Phill, matakaw."
Nakatanggap ng batok si Kuya Loren dahil sa kanyang sinabi. "Kung maka sabi ng matakaw akala mo naman hindi din matakaw. Ikaw kaya ang umubos ng tinapay!"
"Ano ba kayong dalawa. Hindi ba't sinabi ko sa inyo na wag kayong mag-away sa harap ni bunso at sa pagkain? Tumigil na kayong dalawa. Hala Angela, kumuha kana ng tinapay."
I stucked out my tongue to my Kuya's before grab a tinapay. Si Kuya Phillip ang pinakamatanda sa amin or in short si Kuya Phill, na siya ring amo ng aso namin. Pangalawa naman si Kuya Loren na nangunguna sa pagiging matakaw.
My Nanay Prisita at Tatay Wilson. This is what I want. This is the family I want. Maingay sa hapagkainan at hindi nauubusan ng usapan.
"Aba'y balak mo bang pumasok ngayon sa trabaho hija?"
Nginuya ko muna ang kinakain ko bago ko siya sagutin. "Opo Nay. Hindi din naman po ako kailangang umabsent dahil alam kong magagalit siya. Tsaka, miss ko na din sila eh."
"Mabuti kung ganun. Ipapahatid nalang kita kay Kuya Phillip mo dahil duon din naman ang punta niya ngayon." Singit ni Tatay sa usapan.
"Akala ko rest day mo ngayon Kuya?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Hindi makakapagsinungaling sa akin si Kuya dahil alam ko ang kanyang schedule sa trabaho. Kung bakit ko alam, well, I have my own ways.
Napakamot ng batok si Kuya. "Pina-move ko nalang yung day off ko ngayon at pinagpabukas. Eh kasi itong magaling kong kapatid, nag-aya na gumala. Bukas kasi ang day off niya kaya ako nalang ang nag adjust."
Napatango ako. Close na close talaga silang dalawa kahit panay ang asaran at awayan. Hindi din naman kasi namin sila sinisita dahil alam naming may limitasyon sila.
"Ewan ko talaga sa inyong dalawa. Palagi nalang kayong gumagala tuwing rest day imbes na magpahinga dito sa bahay." Iling-iling naman na singit ni Nanay sa amin.
"Hayaan niyo na Nay. Atleast may quality time na din kayo ni Tatay." Tukso naman ni Kuya Loren kasabay ng pagtawanan namin dahil namula si Nanay.
Kahit nandito ako ngayon, kailangan ko paring magtrabaho dahil inaasahan ako ni Daddy sa kompanya. Yes, this family isn't my real family.
Dating kasambahay si Nanay sa bahay namin hanggang sa nag resign siya dala na din ng pagkatanda. The reason why I'm here? Because I want to live like them. Normally.
Nagmula ako sa mayamang pamilya pero mas ginuso kong dito tumira dahil ito ang gusto ko. Pinayagan ako nila Dad at Mom sa isang kondisyon. Ako ang mamamahala ng kompanya kahit sa iba na ako nakatira. Ang tanong, makakaya ko bang tanggapin? Hindi ko pa nga ito hawak pero nagdadalawang isip na akong kunin.
Napabuntong hininga ako at tinapos nalang ang almusal. Tinulungan ko muna si Nanay na ligpitin ang pinagkainan namin bago ako umakyat sa kuwarto at naligo para pumunta sa trabaho.
"Bunso tara na!"
Mula sa baba ay narinig ko ang sigaw ni Kuya Phill. Binilisan ko ang pagsuklay ng aking buhok at nang makontento ako sa aking ayos ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas.
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...