CHAPTER 6

1.5K 45 0
                                    

Angela

"Ako na po ang maghuhugas ng plato Tita Liza. Magpahinga nalang po kayo." Pakiusap ko kay Tita nang pinapilitan niyang siya nalang ang maghuhugas.

"Sigurado ka ba hija? Wala ka bang trabaho ngayon?"

Umiling ako sa tanong niya. "Wala po Tita. Balak ko sanang mag grocery ngayon para pandagdag na din dito sa kailanganin sa bahay. Isasama ko nalang din po si Rix dahil baka busy po kayo dito."

"Hindi mo naman kailangan gawi yan hija pero salamat nalang. Gustuhin ko mang sumama sayo ay hindi ko magawa. Marami din kasi akong trabaho dito sa bahay."

Nakakaintinding tumango ako. "Okay lang po yun Tita. May nakita naman akong grocery store malapit dito kaya ayos lang kahit hindi niyo na po ako samahan."

"Salamat talaga sayo hija."

"Walang anuman po iyon."

Pagkatapos ng pag-uusap na yun ay umalis na din si Tita para siguro maligo. Habang ako hinugasan ang mga plato matapos kong linisin ang lamesa. Kaunti lang naman ito kaya matatapos naman siguro ako agad dito. Isa pa, may alam naman ako sa paghuhugas dahil palagi kong tinutulungan si Nanay noon sa bahay.

Si Celine nalang din daw ang bahala na magsabi kay manager na hindi muna ako makapagtrabaho ngayon dahil dito. Tatlong araw na ang nakakalipas at masasabi kong maayos naman ang pamumuhay ko dito bilang si Angela Cañedo.

Habang tumatagal mas nasasanay ako sa ingay dito sa kanilang baryo. May mangilan-ngilan na din akong nakilala na mga kaibigan na taga dito. Hindi naman talaga maiwasang may mga taong hindi ka magugustuhan. Pero ano ba ang pakealam ko sa kanila?

Tinapos ko nalang ang paghuhugas ko dahil kailangan kong maging maaga. Siguro sa ngayon nagbibihis na si Celine para makaalis. Gusto ko sanang sumabay sa kanya dahil madadaanan lang naman namin ang grocery store kapag pumupuntang port. Pero hindi ko nalang itinuloy dahil hindi pa nga ako nakakaligo.

"Una na ako Angela. Mag-iingat ka pag labas mo hah? Marami pa namang tambay dito. Sumigaw ka lang para makakuha ng atensyon kapag hinarang ka."

Kakatapos ko lang maghugas nang lumabas si Celine sa kanyang kwarto at pinagsabihan agad ako.

"Oo. Alam ko na yun."

"Panigurado namang bantay sarado ka kay Alejandro ngayon." Napahagikhik pa siya sa kanyang sinabi.

Inirapan ko nalang siya dahil sineseryoso naman niya ang ginagawa ni Alejandro. Palagi akong binabantayan ni Alejandro o Aldro for short kapag lumalabas ako ng bahay ng mag-isa. Naiintindihan ko naman yun dahil baka na-aalala siya lalo na't first time ko lang dito. Pero ang ibang mga tao dito iba ang kahulugan para sa kanila. Hinahayaan ko nalang. Alam ko naman ang katotohanan.

"Wag mo na nga gawing big deal yun. Magkaibigan kami ni Aldro at nag-aalala lang siya sa akin. Kayo talaga kung ano-ano ang iniisip."

"Hindi na ako magtataka kung aamin yang si Alejandro na may gusto siya sayo balang araw."

Napairap ulit ako. Ang kulit talaga nitong si Celine. "Magkaibigan nga lang kami. Kung ako sa kanya, si Angelic nalang ang pagtuunan niya ng pansin dahil patay na patay naman yun sa kanya."

Sumandal ako sa sink para ituon ang buong pansin sa kanya. Nakasandal naman siya sa kabila habang nakahalukipkip.

Ang Angelic na sinasabi ko ay ang babaeng patay na patay kay Alejandro. Tuwing lalabas ako ng bahay ay palagi ko siyang nakikita na nakasuot ng seksing damit. Yung damit na halos kita na pati kaluluwa. Alam ko naman ang dahilan niya lalo na't magkatabi lang ang bahay nila ni Aldro.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now