CHAPTER 18

1.2K 40 0
                                    

Angela

"May lakad ka ngayon?" Tanong ko kay Celine nang makita ko siyang bihis na bihis at handa ng umalis.

Nasa sala ako at nagwawalis. Malapit naman din akong matapos at mamaya ay maliligo na ako para sa lakad namin ni Rix. Alas nuebe pa naman niya ako susunduin dito kaya mahaba pa ang oras ko para maghanda. Wala kasi si Tita at Chelsea dito sa bahay dahil bumili sila ng mga rekado sa palengke para sa hahandain bukas.

Desperas kasi ngayon at bukas na ang fiesta. Hindi na magkanda ugaga ang mga tao para sa kanilang handaan. Naiwan lang ako dito sa bahay para maglinis at dahil may lakad din kami ni Rix.

"Oo. Mamaya pa ako uuwi at baka hindi na ako makapananghalian dito. Pakisabi nalang kay Nanay hah?" Sagot pa niya habang nagsusuot ng flats.

"Sige. Mag-ingat ka kung saan ka man pupunta." Paalala ko pa sa kanya.

"Yeah."

Nagmamadali siyang maglakad palabas pero hindi pa man siya tuluyang nakakalais ay sumigaw ako.

"Use protection!"

"Heh!"

Napahalakhak na lamang ako sa kanyang reaksyon habang napapailing. Tinapos ko nalang ang pagwawalis dito sa sala saka ako naglinis sa kusina.

Pasado alas otso na ng matapos ako ay siya ding pagdating nila Tita kasama si Chelsea dala ang kanilang pinamili. Tinulungan ko muna sila sa paglalagay bago ako naligo dahil malapit ng mag alas nuebe.

Simpleng red sleevless dress lang ang sinuot ko na pinaresan ko ng red flats. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok na bumagay naman sa suot ko.

Kaunting pulbo at lip tint lang ang nilagay ko sa aking mukha dahil ayokong mag make up masyado. Hindi kasi ako komportable at pakiramdam ko nangangati yung mukha ko.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay sakto namang nag vibrate ang phone ko na nakapatong sa kama. Kinuha ko ito bago tiningnan ang isang text na galing kay Rix.

From: Rix

Malapit na ako diyan. Naka-ayos kana ba?

Mabilis din naman akong nag reply sa text niya.

To: Rix

Mag-ingat sa pag drive mo. And yep, nakapag-ayos na ako.

Then I hit the send button. Hindi na ako nakatanggap ng mensahe niya dahil marahil nag da-drive siya. Kinuha ko nalang ang sling bag ko saka ko duon nilagay ang phone at wallet.

Lumabas na ako ng kuwarto at naabutan ko sa kusina si Tita na busy parin sa pag-aayos ng mga rekados na gagamitin bukas sa fiesta.

"Gusto niyo bang tulungan po muna kita Tita? Tutal, hindi pa naman dumadating yung sundo ko." Ani ko sa kanya nang makalapit ako.

Nginitian niya ako at umiling. "Ayos lang ako hija. Wag mo na akong alalahanin. Baka mamantsahan pa yang suot mong damit. Duon ka nalang sa sala at hintayin yung sundo mo."

Hindi na din ako nagpumilit sa sinabi ni Tita dahil alam kong hindi niya talaga ako hahayaan na tumulong sa kanya. Di bale, babawi nalang ako bukas dahil sa gabi pa naman gaganapin ang pageant.

Kinuha ko si baby Rix na natutulog sa ilalim ng lamesa sa sala na naging dahilan kung bakit siya nagising. Natulog lang naman ulit siya sa braso ko na mahina kong ikinatawa.

Ilang saglit pa ang nakakalipas ay nakarinig ako ng ugong ng isang sasakyan at sunod-sunod na pagbusina. Nagpaalam ulit ako kay Tita bago ako lumabas ng bahay.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now