CHAPTER 24

1.2K 43 1
                                    

Angela

"Tangina?!"

Kahit gusto kong suwayin si Celine ay hindi ko magawa dahil pagod ako. Maski gumalaw ay napapagod ako. Siguro ganito talaga ang epekto ng mga taong nasasaktan. O ako nga lang ba? Kasi yung ibang mga taong nasasaktan, matapang parin. Habang ako, kaunti nalang susuko na.

I tell her everything. Lahat ng nangyari kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Kung bakit ako nasasaktan at nagkukulong nalang sa kuwarto. It's been a week but the pain in my heart is still fresh. Nandito parin yung sakit at hindi ko alam kung bakit ayaw ako nitong iwan kahit panandalian lang.

Napapagod na akong umiyak dito araw-araw. Hindi, mali pala. Napapagod na akong umiyak dito oras-oras. Nakakapagtaka nga kung bakit hindi pa ako nauubusan ng luha. Nakakapagtaka kung bakit hindi pa dugo ang niluluha ko.

Sinubukan akong kausapin ni Celine kung ano bang nangyari sa akin pero hindi pa ako handang magkwento sa kanya. But now, I already told her about what happened. Akala ko ba kapag nailabas ko na ang bigat sa dibdib ko ay gagaan ito? Bakit parang hindi naman? Bakit parang mas bumigat pa?

"Putangina talaga niya! Sabi ko naman sayo layuan mo na siya, eh! Kaso ang gago na yun lapit ng lapit sayo! Tapos eto?! Walanghiya talaga ang lalaking yun!"

Gusto ko siyang awatin pero hindi ko magawa. Tiningnan ko lang siyang magpabalik-balik ng lakad habang nakaupo ako sa kama.

"Wag ka ngang sumigaw. Baka marinig pa tayo ng kapitbahay natin." Pagod ang boses kong sabi.

Mabuti pa nga at nakapagsalita pa ako. Akala ko dahil sa katuyuan ng bibig ko ay pipi na ako.

Nanlilisik ang matang tiningnan niya ako. "Paano ako sisigaw kung nakikita kong ganito ka ngayon?! Paanong hindi kung malaman kong dahil sa kanya kaya ka naging ganito?! Tangina niya! Tama nga ang hinala ko na hindi na siya magbabago!"

Gusto ko nalang na humiga sa kama ko at magtalukbong ng kumot ng mga oras na yun. Pero ayoko namang mas lalong magalit si Celine at baka kung ano pa ang gawin niya.

I let a deep sigh. "Hindi mo ba ako pagtatawanan?" Gamit ang mahinang boses ay tanong ko sa kanya dahilan kung bakit siya napatigil sa pagbabalik ng lakad.

Kumunot ang kanyang noo nang mapatingin siya sa akin. "Bakit naman kita tatawanan kung nasasaktan kana?"

I tiredly smile at her. "That's the point. Diba sabi mo noon tatawanan mo ako kung uuwi ako ditong luhaan at nasasaktan? You can laugh now. I don't mind."

Kumibot-kibot ang labi ko kasunod ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Tangina. Kailan pa ba mapapagod ang mata ko sa kakaluha? Kailan ba mawawala itong sakit na nararamdaman ko ngayon? Kailan ko makakalimutan ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon?

Narinig ko siyang bumuntong hininga at umupo sa tabi ko. She pulled me towards her and she just let me cry on her shoulder.

"Sa susunod nalang kita tatawanan kung hindi kana nasasaktan. Alam mo namang minsang mapang-asar ako pero hindi ko naman gustong nasasaktan ang importanteng tao sa buhay ko. Iluha mo lang yan. Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Nandito lang ako para damayan ka."

As what she said, I just let my self broke down again and cry on her shoulder. Hindi siya umalis sa tabi ko. Hinahaplos niya lang ang buhok ko habang lumuluha ako sa kanyang balikat hanggang sa mapagod ako.

Ilang ulit ko na ba itong ginagawa? Isang linggo? Umiiyak hanggang sa mapagod at hindi ko na kaya. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ito sa akin? Akala ko magiging masaya lang ako kapag kasama siya. Hindi pala. Siya din ang dahilan kung bakit nakaranas ako ng matinding sakit ngayon. Siya ang nagwasak sa akin. Siya ang nagpira-piraso sa akin.

Black Mafia 9: Rix NavarroOù les histoires vivent. Découvrez maintenant