CHAPTER 16

1.2K 41 0
                                    

Angela

"Ito na yung snorkeling gear natin. Just don't go far away para mahanap agad kita. Mas mabuti na din sigurong nakasunod ka nalang sa akin."

Pinapakinggan ko lang si Rix sa kanyang mga sinasabi tungkol sa pag snorkeling namin ngayon. As if naman hindi pa ako nakaranas nito. I want to swim right now! Gusto ko ng makakita ng magagandang kulay ng mga isda.

"I know Rix. Tsaka, alam ko naman kung paano lumangoy kaya no worries. Pero paano itong si baby Rix?" Nguso ko sa aso na mahimbing na natutulog sa mga bisig.

"Iwan mo nalang siya dito. I'm sure hindi naman yan maglilikot. Matutulog siguro, oo."

Nag dalawang isip pa ako kung susundin ko ba ang sinabi ni Rix o hindi. Alam ko naman hindi pasaway itong si baby Rix pero sadyang nag-aalala lang ako. Kalaunan ay napagdesisyonan kong ibaba na lamang siya.

Nagising siya at agad na tumakbo palayo at natulog. Napangiti ako. Tulog mantika talaga ang aso na 'to.

"So, are you ready?"

Napabaling ang atensyon ko kay Rix nang magsalita siya. I eagerly nod to him. Kanina pa talaga ako handa na mag snorkeling. Kasama siya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang walang sabi-sabing hinubad niya ang kanyang t-shirt sa harapan ko. I heard him chuckle. Pinilit kong hindi mapatingin sa kanyang katawan pero sadyang pasaway talaga ang aking mga mata.

Napaawang ang bibig ko nang mapagmasdan ko ang perpekto niyang katawan. His broad shoulders down to his eight pack abs to his perfect v-line. I swallowed hard. May ganitong klase pa palang katawan ang nag e-exist sa mundo?

Nung nagpasabog siguro ang diyos ng perpekrtong katawan, sinalo lahat yun ni Rix.

"Eyes up here baby."

Pakiramdam ko umabot hanggang talampakan ang pamumula ko nang makita niyang nakatitig ako sa kanya. I heard him chuckled again. Mabilis akong tumalikod sa kanya para hindi niya makita ang pamumula ng aking pisngi.

I look at the snorkeling gear in front of me and wonder. Hindi naman siguro masamang mag two piece lang habang suot ito 'no? After all, kaming dalawa lang naman ang nandito at hindi ko naman ikinakahiya ang katawan ko. Way back in states, halos makita na nga ang kaluluwa nila sa kanilang swimsuit na binabalandra sa kalalakihan.

Nagkibit balikat ako at walang sabi-sabing hinubad ang aking t-shirt. I heard a muttered of cusses in my back causing me to smirk. Akala mo ikaw lang ang magaling manukso?

Nang mahubad ko na ng tuluyan ang damit ko ay sinunod ko naman ang aking leggings. Dahan-dahan ko itong ibinababa at hindi nakatakas sa pandinig ko ang sunod-sunod niyang mura.

I left only my red two piece. Sa Isla ko ito nabili dahil natipuhan ko ang kanyang design. Pinulot ko ang mga hinubad kong damit at nilagay ito sa pinakamalapit na upuan. Napalingon naman ako kay Rix na nakatitig din pala sa akin.

I arched my brow. "What?"

I saw how his jaw move. His eyes were dark and I don't know the emotion inside of it.

"Damn, woman. You will be the death of me."

Ilang saglit akong hindi nakasagot sa kanya kapagkuwan ay napangisi. "Magtiis ka. Mas sanay akong mag snorkeling ng nakaganito."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nilapitan ang gear ko. Narinig ko lamang siyang tumawa kaya lihim din akong natawa.

I wear the oxygen, mask, goggles and fin. Nauna akong tumalon sa kanya sa dagat at duon lang siya hinintay.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now