CHAPTER 11

1.5K 54 0
                                    

Angela

"Sasama ka ba sa akin mamaya Angela? May pa-party si manager Ray sa bahay niya mamaya dahil birthday niya. Ano? Sama ka?"

Nandito kami sa loob ng locker room ng mini Mart at inaayos ang gamit namin. Nasabi na din kagabi ni manager na mag pa-party nga siya sa kanyang birthday at ngayon yun. Hindi ko nga lang alam kung makakasama ako sa kanya dahil ngayon din ang simula ko sa pagiging slave ni Rix.

"Hindi ko pa alam. Sasabihin ko nalang sayo mamaya." Ani ko bago isara ang locker ko.

"Okay. Siya nga pala, anong ginawa sayo ng Rix na yun kahapon? Bakit ang tagal mong nakabalik dito?"

Pinigilan kong hindi mapabuntong hininga sa harapan niya. Ayokong makita niya akong ganito. Baka prangkahin pa niya si Rix na hindi ko gustong gawin niya.

Nginitian ko siya kahit seryoso ang kanyang mukha. "Kinausap lang niya ako saglit tungkol sa trabaho ko."

"Bakit daw?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Nagtanong lang naman siya sa akin."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang pinaningkitan ako ng mata ni Celine. I make a fake smile to reassure her. Hindi naman siguro niya mahahalata.

"Okay."

Lihim akong napabuga ng hangin bago sumunod sa kanya sa loob. Alam kong pinaghihinalaan na ako ni Celine pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili na tanungin ako ng mas malalim.

Siguro mabuti na nga yun dahil hindi pa ako handa na sabihin sa kanya ang katotohanan at hindi ko alam kung kaya ko nga bang sabihin sa kanya. Napakagulo ng buhay ko ngayon simula ng makilala ko ang kolokoy na yun.

Ayos na sana ang pamumuhay ko dito. Sadyang marami lang talagang epal dito sa mundo.

Nagsimula na kaming magtrabaho kaya naging busy na din kami. Nag rest day yung isa naming kasamahan na si Lilet kaya kulang kami ngayon. Kakaunti pa naman ang mga customer kaya hindi pa kami masyadong busy.

"Asikasuhin mo yun oh." Ani Cony na tinuro ang isang customer na nakatalikod sa amin.

Napakunot ang aking noo. Parang pamilyar ang kanyang likod pero hindi ako sigurado. Hoodie kasi ang suot niya kaya hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha.

"Sige." Sang-ayon ko sa kanya dahil wala naman akong choice dahil busy din ang iba. Isa pa, wala naman akong ibang ginagawa.

"Hoy may I help you—" Naiwan sa ere ang salitang gusto ko sanang sasabihin nang makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

He smiled cheekily at me. "Hi baby."

Hindi makapaniwalang napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung may iba pa bang tao na nakarinig sa sinabi niya. Thankfully ay wala naman.

"Anong baby pinagsasasabi mo? Itikom mo na nga lang yang mahalay mong bibig." I half whispered half shouting at him. Sinamaan ko din siya ng tingin pero hindi man lang siya natinag. He even smiled at me!

"Endearment ko yun sayo. Ayaw mo ba? Sabihin mo lang kung anong gusto mong itawag ko sayo."

Napaikot ang mata ko sa kanyang sinabi. Ano bang nakain nito at parang good mood? Masaya ba siya dahil sa wakas officially slave na niya ako? O masaya siya sa ibang dahilan? Ang moody talaga ng lalaking toh.

"Wala akong gustong endearment na itatawag mo sa akin. I'm fine with Angela. At pwede ba mamaya mo nalang ako guguluhin? May trabaho pa ako." Puna ko sa kanya.

"Okay Gel."

I look at him flatly. Nakaplaster parin ang maliit na ngiti sa kanyang labi. Umangat ang kamay ko para sana sapuin ang kanyang noo kung may lagnat ba siya pero humakbang siya paatras.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now