CHAPTER 2

2K 63 0
                                    

Angela

Humihikab akong bumaba ng hagdan dahil kailangan kong maging maaga ngayon. Pupunta pa ako sa mansiyon namin para kumuha ng susuotin mamayang gabi. Dito parin ako mamamalagi at sasamahan ko lang si Dad at mom. Kukuha lang naman ako ng susuotin kong damit dahil wala akong dress dito.

"Good mor—"

"Tay, kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kapag hindi niya ito nalaman, alam nating magtatampo siya."

Mabilis akong humakbang paakyat para magtago nang marinig ko ang boses ni Kuya Phill na siyang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagbati ko.

Hindi ko alam kung sino ang kanilang pinag-uusapan pero sa tingin ko ako yun. Lahat sila ay nasa hapagkainan na at ako nalang ang wala.

"Pero kapag nalaman niya, mas lalo lamang siyang magtatampo." Ngayon ay narinig ko naman ang boses na Tatay na sinundan ni Kuya Loren.

"Obligasyon din naman ni bunso na i-handle ang kompanya nila Tito. Bukas daw isasagawa ang turn over ng kompanya sa kanya."

"Ang aga naman yata."

Natigilan ako sa aking narinig. Ngayon ay alam ko ng ako ang kanilang pinag-uusapan dahil nabanggit ni Kuya ang salitang bunso.

And what? Bukas ang turn over ng kompanya sa akin na mas maaga sa inaasahan ko? But Dad already said that he will give me time to think! Ano nalang yung sinabi niya kanina para malinawan ako?

"Oh siya, tumahimik muna kayo. Hangga't maaari wag niyo munang sabihin sa kanya ang tungkol dito. Mas mabuting ang mga magulang nalang niya ang makakapagsabi sa kanya para malinawan siya."

I shut my eyes close. Hindi ko na kailangang marinig pa iyon galing sa mga magulang ko dahil ngayon malinaw na sa akin. They broke there promise and I really don't like it.

They said they will give me time. Alam kong isa ito sa kondisyon na hiningi ni Dad pero ngayon nagdadalawang isip na ako kung iha-handle ko ba ang kompanya.

"Kaya mo bang mawala dito si bunso Nay?"

Napamulat ako ng mata sa tanong ni Kuya Phill. Kating-kati na ang paa ko na humakbang pababa para malaman nilang alam ko na ang lahat. Pero hindi ko kaya. As much as I want to go there, I can't. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Nanay.

"Gusto ko mang manatili si bunso dito ay hindi naman pwede. May totoo siyang mga magulang na kayang ibigay ang pangangailangan niya. May magulang siyang kayang magbantay sa kanya. Hindi siya habang buhay mananatili dito dahil may sarili siyang pamilya. Kailangan nating tanggapin na hindi na magtatagal dito si bunso."

Gusto ko ng bumaba at sabihin kay Nanay na hindi mangyayari ang kanyang sinabi. Na mananatili ako dito bilang normal na babae kasama ang normal kong pamilya na may normal na pamumuhay. Gusto kong sabihin sa kanilang lahat na mananatili ako dito kahit anong mangyari.

But at the same time, Nanay has a point. May sarili akong pamilya na kayang ibigay ang lahat ng kailangan ko. May uuwian ako at haharapin ang totoo kong mundo.

But I don't want there.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Natahimik na sila at tanging tunog nalang ng kubyertos ang naririnig ko. Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago ihanda ang ngiti. Kahit pilit, basta nakangiti lang ako para hindi nila mapansin na may alam ako sa kanilang pinag-uusapan.

"Good morning!"

Lahat yata sila napaigtad sa gulat sa biglaang pagsigaw ko. Nakatulala sa bilaang pagsulpot ko pero nakangiti parin ako.

Hinalikan ko sa pisngi si Nanay. "Good morning Nay."

Napatikhim si Tatay na unang naka recover sa pagka gulat. "Maupo kana nak. Sa tingin ko gutom kana."

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now