I love you, Oppa. - 20.

1.7K 19 0
                                    

Chapter 20

"So, what happened?" Tanong sakin ni kuya Ash habang naglulunch kami. Syempre, ako naman 'tong si maharot at kinuwento ko sa kanya yung mga nangyari kahapon...

Flashback:

"Nagustuhan mo ba, Zen?" Tanong ni Oppa kay Baby Zen.

"Oyo. Naguytuyan ko po yung cuppykeyk. Talap!" Awwww ang cute naman ni baby Zen. Para lang siyang si Oppa kapag kumakain. Nilalantakan kasi nila yung cupcakes na ginawa namin kanina.

"Mommy Ganda! Kuha po ikaw oh." Sabi nung batang yun. Hawak niya yung box nung cupcakes tapos nasa harapan ko siya. Napatingin naman ako kay Jared na pinipilit ako na kumuha. Pagkakuha ko ng cupcake ay ngumiti naman ng pagka-lapadapad si Zen.

"Teka muna, may kukunin lang ao sa loob. Baby, wag pasaway kay Ice ah?"  Ang cute nila! Parang mag-ama lang. Haha! 

"Can I call you Mommy?" Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Masyadong nagulat ang brain cells ko dun ah!

"H-ha? Ako, mommy mo?" Napaturo pa ako sa sarili ko.

Tumango ito." Wala kasi akong mommy eh."

Mommy? "Ah. Eh. Kasi..." bago ko pa madugtungan yung sasabihin ko ay bigla itong naiyak. "UWAAAAAAAAAAAAAA AYAW MO AKO MAGING BABY UWAAAAAAAAAAA"

"Baby, uy hala. Wag kang iiyak. Di naman sa ganun--"

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAA AYAW MO KO MAGING BABY UWAAAAAAAAA GUSTO KO IKAW MOMMY KOOOOOOOOO." with matching punas uhog pa.

Ano gagagawin ko nito? Huhu. Kinarga ko nalang siya at inalo, pero di talaga tumitigil sa pag-iyak. "Baby tahan na." Pero ayaw pa rin. Hala, baka magalit sakin si Jared nito.

"Sige na nga. Mommy mo na ako. Oh, andito na si mommy. Wag ka na iyak oh." Tumigil ito sa pag-iyak. "Talaga, mommy ko na ikaw?" Nako, kung di ka lang cute eh.

"Opo. Baby ko na ikaw. Wag na kasi iyak para mana ka sa mommy. Maganda!" Aba syempre dapat turuan ng katotohanan 'tong cute na batang to. Talos,tumango ito. Waaaah!

"Syempre, ganda mommy ko. Bagay kayo daddy e."

"Sino ba daddy mo?" Tanong ko sa kanya, at bigla itong ngumuso. "Daddy oh! May dala guitar! Yehey, kakanta daddy." Pumapakpak pa ito kaya medyo magalaw galaw siya habang karga ko. Napalunok ako ng laway dahil papalapit samin si Jared na may dalang gitara. Siya pa ang daddy na sinasabi ni Zen. Haha. Perfect family talaga kami, diba? Diba? UM-OO KA KUNDI MABABAOG KA!

Umupo ito sa bench kaya umupo kami ni Zen. "Anong gusto mong kantahin ni daddy ha?"

"Yung dati, daddy! Yung ano...yung..." at bigla naman itong naiyak ulit. Nataranta kamini Jared. Hala, anyare dito?!

"Uwaaaaaaa daddy di ko maalala! Waaaaaaaaa!" Napatawa nalang kami sa kakyutan ng batang to.

"Ah.yung favorite mo. Sige,tahan na. Kakanta na si daddy." at ayan nanan yung nakatunaw na ngiti niya. Hay. Kung wala lang bata dito, kanina ko pa siya sinuggaban diya e. Ahaha. Joke lang.

(See YT link)

Habang kinakantahan niya si Zen na nakaupo sa gitna namin, hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya. Yung dating pang-tambay na boses na madalas kong marinig nung highschool siya, ngayon, gumanda ito. Hay. Ang swerte siguro ng kinalolokohan nito. Gwapo, matalino, mabait, lahat na! What more could a girl ask for.

Too bad, looks like hanggang kapatid na lang talaga ang turing nito sakin.

"Waaaah! Galing ni Daddy!" Namalayan ko nalang natapos na paa yung pagknta nia nung pumalakpak si Zen. Pumalkpak din ako. "Nuks. Improving ang boses ah." Sabi ko.  

"Gwapo ko kasi e." Luh! Anong konek teh? Hahah.

"Mommy, kiss mo naman si daddy oh." Halos mabingi ako sa sabi ni baby Zen. De joke, rinig na rinig ko nga e. XD

"H-ha? Kasi baby--" tapos, iiyak nanaman siya ng sumingit si Oppa. "Baby..." at ayan! Umiyak nanaman si Zen. "Sige na baby oh. Ikikiss ko na si daddy oh." Eh ano pa nga ba magawa ko. Eh di halikan na! Haha.

"Yehey! Sweet naman mommy ko. Wabyu mommy. Wabyu daddy." Tapos niyakap niya kaming dalawa. Sweet naman nitong batang to.

"So nanay na pala ang peg mo ngayon ha Ice?" Natawa namn ako sa 'peg' ni Ash. Parang bakla na hanep habang sinabi niya yon. "At bakit ka tumatawa diyan ha? Nagrereminisce?" Hayop at reminisce talaga! Pero,oo ganun na nga.

"Che. Hindi noh. Para ka kasing bakla girl! Haa. Nga pala, what is the agenda for today?" Tanong ko para maiba topic. Buti at di na niya pinansin. "Uuwi na si Denny next week!" Napatayo naman ako at niyakap siya. Sa wakas, matutupad na kasi yung proposal niya para kay Ate Denisse. Wooohooo! "So happy for you, partner!"

"Thanks, partner. Basta anytime this week, magsesetup na tayo. Excited na talaga kasi ako e.woooh. ngayon palang, kabado na ako."

"Iba na talaga pag in love. Grabe, kaingit naman si Ate Denny." Sabi ko. Hay, ang swerte talaga nila sa isa’t-isa e.

"Darating din yung para sayo."

"Kailan yan, pag end of the world na?"

"Ulol. Ang nega mo.kumain nalang nga tayo oh."

Pagkatapos naming kumain ay lumabas nakmi agad. May asikasuhin pa kasi si Ash kaya bueno, uuwi nalang muna ako. Wa kasi akong internship ngayong araw e.

Saktong paglabas namin ay biglang naagaw ang atensyon ko sa dalawang papasok doon sa resto.

Si Jared at Gracie?! WHAT The fact?!

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon