I love you, Oppa. - 11.

1.8K 23 1
                                    

Chapter 11

Habang kumakain kami ng dinner ay hindi talaga ako makabwelo. Halos di ko pinapatunog yung kubyertos ko at hiwa lang ako ng hiwa sa steak ko. Shit. Paano ba naman kasi, nasa harapan ko si Jared! D:

(Kuya Tristan sa kabilang dulo)-Ingrid-Ako-Ash-(MK sa dulo)-Karol-Jared-Emy

Kng nagtataka kayo kung sino ‘yang Emy...

Flashback

“Hahaha. Hindi ka pa rin nagbabago, Ice!” At ginulu ni Op—Jared yung buhok ko. Ayaw ko na ulit siyang tawagin nun. Past is past diba? Natawa naman si Ash sa reaksyon ko ay kinurot yung pisngi ko. “Cute talaga ni Partner.” NR lang yung iba dahil kaming tatlo, este APAT ang nakarinig nun. Napatingin ako doon sa kasama niyang babae—malayong malayo sa standards niya. Though, maganda yung babae, hindi ko siya type. Alam niyo yung para siyang seductress na mistress? HAY NAKAKSTRESS MUKHA NIYA!

“Karol, is that you?” Sabi nito kay Ate Karol, nagulat naman si Ate Karol ay natahimik habang kausap si Kuya Kev. “E-emerald.” Mahinang tugon nito. Lumapit ito kay Ate Karol at nakipag-beso. Sus, amplastik! Gulat pa rin si Ate Karol, pero nag-iba yung mood ng mukha niya.

“Magkakilala pala kayo?” Tanong ni Jared. AY TANGA! 5 years lang nawala, tanga na? Hay nako.

“Of course, Silly.” At pinalo niya ng mahina si Jared sa triceps nito. Of course, Silly. ARTE PUCHA!

“Wow. Small world. Ah guys, this is Emerald. These are my bestfriends—“ Isa isa niya kaming pinakilala sa kanya except kay Ate Karol.

“Of course I know Karol. Schoolmates kami dati sa Pennington. Lumapit kasi siya ng school because of Pie—“ Bago niya pa matuloy yung sasabihin niya ay ni-cut na siya ni Ate K. “Umupo na tayo.” Pero, halatang napikon ito doon kay Emerald.

End of Flashback

“Uy, you’re not eating. Nahirapan ka bang hiwain yung food?” Kinuha sa akin ni Ash yung kutsilyo at hiniwa na yung steak ko. Napangiti ako sa kanya, pero bigla akong napatingin kay Jared...na nakatingin din samin. Pero, blanko lang ang expression nito.

Aish. Ano naman? Tsss.

“Anyway, are you two guys together?” Tanong ni Kuya Tristan. Medyo nasamid nga si Jared. “Hindi noh. Pero, magandang idea yan.” Sabat nung Emerald. “Kidding!” dagdag nito. Sus. AMBISYOSA.

“Actually, friends lang kami ni Emy, and nasa getting to know each other stage palang kami. She’s really amazing and napaka-dedicated sa trabaho niya.” Pagcocompliment ni Jared sa kanya. Woooh. Kain lang, Ice! Kain! Hanep bakit ganito? Sumarap bigla yung steak?!

“Eto naman oh. Don’t butter me up, Red. Mainlove nga ako eh.” Masasamid sana ako nang biglang tumawa si Ate Karol, AWKWARDLY. Napatingin naman sa kanya si Kuya Kev. “Ayos ka lang, Babe?”

“Oo naman. Nakakatawa kasi si Emy.” Sabi nito, sarcastically. “But I wasn’t joking.” Seryosong sabi ni Emy.

“That’s the point eh.” At nagsmile si Ate Karol sa kanya, as if she’s mocking Emy. HAHAHA Beat that!

Medyo naging awkward yung place, pero nagsalita naman si Jared. “Kaya lang, medyo nagtatampo ako kay Ash e. Kahit once or twice a year kami nagkikita sa Madrid, ni hindi yan nagkwento ng lovelife niya.” Napatingin naman ng seryoso sina Kuya at Kuya Kev. “KAMI RIN NGA EH.” Napataas ng dalawang kamay si Ash. “Chill guys. Actually, wala naman akong love life ehh. Ata? Hahaha” Napatingin ito sakin at natawa kami parehas. Baliw na kasi kami ni Ash e. Lol. Hinde, kasi, ako lang ang nakakaalam ng love life niya—Si Ate Denise. Ayaw niyang sabihin kila Kuya kasi, wala lang. Wahahaha.

“Grabe! Alam ni Ice, pero, kami hindi?!” Tanong ni Kuya Kev na parang naiinis. Tawa nalang kami ng tawa.

Nang, “Ang close niyo nga e. Baka magselos na ko niyan ah.” Sabi ni Jared. A-ano daw? S-selos.

Owemji!

“Papa Ash, inggit ako.” Dagdag nito, with matching bakla-baklaan. Woooh. Uso talaga to sa tropa nila. Pero, nagseselos? Sus, asa pa ako diba? :<

“Nakakadiri kayong tatalo! Aish. Nakakawalang-gana kumain e. Nauumay ako.” At napailing-iling pa rin ito.

***

“May separate room kasi kaming kinuha ni Jared so, hindi na ata ako sasabay sa girls.” BUTI NAMAN NOH.

“Ikaw bahala, pero, I’ll be sharing rooms with my bestfriends. Ipapacheck out ko na yung room na kinuha ko for myself.” Sabi ni Jared.

Ansabeh. Hindi naman pala sila nasa iisang kwarto?! Sus, Hahahaha.

Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa mga kwarto namin. Tatlo lang kami sa kwarto: Ako, si Ate Ingrid at Ate Karol.

“Nakakinis yang hitad na ‘yan! Akala ko nilamon na yan ng dagat eh!” Padabog na sbi ni Ate Karol.

“Chillax, sister. Sino ba yung Emy na yun. She seems nice.” NICE?! SUSKO! Kahit di ko pa siya kilala, naaalibadbaran ako noh.

“Saang banda? Harujusko! Siya naman kasi ang dahilan kung bakit kami nag-break ni Pierro. Siya yung kinakalantari nung magaling kong Ex nun.” Pagpapaliwanag niya.

“Pero, pasalamatan mo nalang siya. If it wasn’t for her, hindi kayo magkikita ni Papa Kevs.” Sabi nito kay Karol. Actually, magpinsan si Kuya Kev at Ate Ingrid at close sila nito.

“Yun lang talaga ang ikinatuwa ko sa kanya, Sis. Haynako. Nagsisisi ako sa taste ni Jared. Ba’t ganyang babae pa yung natripan niya?”

“Dapat kasi, ako nalang diba?” Sabi ko. Wait, sabi ko? Ay fuck!

“Hmmm, teka nga!” Lumapit sa kama ko yung dalawa at ngumiti ng nakakaloko. “Mommy wag please.” Sabi ko sa kanila habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha kong namumula.

“Talking about freudian slip ahhh.” At tumawa yung dalawa.

“Nako, dati pa yun noh! Joke lang yun.”

“In denial. Nako, hindi basta basta nawawala ang true love!” Ganti ni Ate ingrid.

”Ate ingrid naman ehhh!”

“Okay lang ‘yan, kami lang naman nakakaalam eh!”

Napangiti nalang ng alanganin. Actually, tatlo na silang nakakaalam. -.- HAAAAA ANG TANGA KO FOREVER!

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon