I love you, Oppa. - 3.

1.9K 29 5
                                    

Chapter 3

Nag-yaya sina Kuya Ash na mag-dinner sa bahay nila. At talagang nanadya pa sila ha. Kasama kasi ni Jared si Gracie, yung nililigawan niya. Nakakaasar! Haynako, hindi naman talaga kasi ako magagalit diyan sa gracie na ‘yan. Akala ko kasi, mabait eh! Hanggang sa kapag kaming dalawa nalang, nag-iinarte pa siya! Napaka! Sarap imudmod ang mukha sa papel de liha!

Kaya eto ako, naglalaptop sa kwarto ni Kuya Ash. Gusto kong mapagisa. Ayoko silang makitang nagsusweetan.

Nasa baba sila kasama ang mga love team nila, except kay Kuya Ash dahil kakabreak lang nila nung Girlfriend niyang di ko kilala. Pero, ang cool kasi hindi halata sa kanaya na hindi siya nasasaktan hanggang ngayon. Fresh palang yung break-up nila eh. Or baka, hindi niya naman minahal yung girl? Aw saklap naman eh. :<

Speaking of, ay biglang pumasok si Kuya Ash sa kwarto. Nakahiga lang ako sa kama niya, wapakels naman siya eh. Tsaka, parang kapatid na rin namin ‘yan si Kuya Ash. Tumabi siya sa akin at sinisilip yung ginagawa ko sa laptop niya.

“Anong ginagawa mo ha?”

“Nanonood ng porn, angal ka?” Natawa ito at ginulo ang buhok ko.

“Tara, nood tayo.” I grimcaed at him. Sa kanilang magkakaibigan, siya na siguro ang pinaka-green.

“Uy joke lang ah. Haha. Teka nga, bakit ba ayaw mong maki-jam sa baba? Andun naman si Ate Karol mo, si Ate Ingrid mo at si Ate Gra—“

“Ate Gracie? Ugh. Ne-ver-mind.” Natigilan ito pero biglang nakabawi at nagsalita ulit.

“Nagseselos nga ‘tong kabuteng ‘to.” Bulong niya. Hay nako! Bumulong pa, eh rinig na rinig naman!

“Asa ka.” Tss. Ako? Magselos? Oh come on! Oo.

“Sus. Anong akala mo sa’kin, tanga? Psh. Alam kong nagseselos ka.”

“Hindi nga sabi.”

“Oo kaya. Halatang-halata sa mukha mo oh.”

“Ano naman sa mukha ko?!” Nakakainis na ah! Kung anu-ano nalang napapansn.

“Tingnan mo yan. Nakakunot yung noo mo tapos you…you scrunch your nose.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“P-pano mo nasabi ah?!” Grabe. Was he too observant?!

“Psh. Hindi na importante yun. Alam mo, Ice. Okay lang na wag magsinungaling sa’kin. Your secret’s safe with me, okay?” At nag-panatang makabayan hand sign ito. Nu ba kayo, di ko alam term dun eh.

“Pramis?”

“Oo. Pramis ‘yan.” Umayos ako ng pakakaupo ko at ipinakita sa kanya yung blog ko. Pinabasa ko sa kanya iyon, at napamsile naman siya sa mga pinaglalagay ko don.

“Ganito ka kaadik sa tropa ko? Sus, lapad naman ng noo nun!”

“Wag ka ngang ganyan! Kahit malapad pa noo nun, o taghiyawatin pa ng grabe, mahal ko siya.” Para bang, na-disappoint ito. It was too evident in his face.

“Oh, Kuya Ash, ayos ka lang ba?” Ngumiti ito at gunlo ang buhok ko.

“Hehe. O-oo naman. Bakit hindi diba?”

“Suuuuuuuuus. Inggit ka lang sa kanila kasi wala kang girlfriend!”

“Nagsalita ang may lovelife!” Ganti niya.

“Meron kaya! Si Jared!”

“Mahal ka ba?” Natigilan ako muli. Nalungkot ako bigla. Tae. Ganito ba yun? Y-yung one-sided love ba?

“Uy, joke lang. Sorry.” Ngumiti nalang ako kay Kuya Ash. “Okay lang yun. Tsaka, totoo naman diba?” Ginulo niya yung buhok ko at inakbayan ako. Kanina pa nito ginugulo buhok ko eh. Tssss.

“Tara! Ikaw muna partner ko ngayong gabi! Gusto mo mag-bake ng cookies?” Yaya nito.

Cookies?! I love cookies! Napatayo ako agad at isinara yung laptop at sabay kaming bumaba.

**

ASH’S POV

“Oy, Ice! Bakit ang gulo ng buhok mo?” Tanong ni Tristan sa kapatid niya. Paano ba naman, kanina ko pa ginugulo. “Eto kasi si Kuya Ash! Ginugulo buhay ko.” Hala, anong buhay?

“Makabintang. Buhok mo lang ginulo ko. Ano, gusto mo pati buhay mo guluhin ko talaga ah?” Tapos tinusok-tusok ko yung tagiliran niya. Haha. Ang cute niya talaga tumawa. “Hoy, Mendez!” Sabi ko na, the over-protective brother.

“Chill! Haha. Punta muna kami sa kusina ni Partner. May gagawin kami.” With matching taas baba ng kilay. Hahaha! Nakita kong nag-dirty finger pa si Tristan sakin. Ganyan talaga yan kapag lumalapit ako kay Ice, para namang sasakmalin ko utol niya.

Patingin-tingin si Ice sa sala habang nagprepreapre kami ng ingredients para sa cookies niya. Alam kong mahilig itong mag-bake ng cookies kahit elementary palang ito. Ito siguro ang namana niya Ninang. And I reaally find her attractive kapag nagbibake ito. Lalo na sa updo niya at nakasuot pa ito ng apron. Para itong koreana.

Ano ba yan, kung anu-ano nalang naiisip ko.

“Oh, mamaya ka na tumingin diyan sa labas. Dukutin ko yang mata mo eh.” Napabuntong hininga nalang siya at nalungkot ito.

I cheered her up. “Magluto muna tayo! Baka maging BITTER yung cookies, sige ka!” At least napangti ko siya kahit papano.

Nagsimula na kaming gumawa ng cookies. Since di naman ako magaling dito, ay assistant niya lang ako. Napaka-organized niyang babae. At halatang napakametikuloso nito sa mga ginagamit niya.

After ilang minutes ay natapos niya na ang mixture. Habang inaayos niya yung oven, ay nilalagay ko naman sa flat pan yung cookie mixture.

“Ang galing talaga ng assistant ko oh.” Napangiti naman ako sa compliment niya.

“Syempre, magaling ang chef ko. Hehe.” Napansin kong pasulyap-sulyap pa rin ito sa sala. Aish, Jared! Kung alam mo lang, nako!

“Sabing mamaya ka na tumingin tingin diyan. Can you just be with your partner kahit ngayon lang?” Kunware ay nagseselos ako sa ginagawa niya. Well in fact...

Medyo lang. Swerte kasi ni Jared oh. Sa kanya pa may gusto yung babaeng gusto ko.

Hindi naman siguro masamang magkagusto sa younger sister ng bestfriend ko, diba?

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon