I love you, Oppa. -12.

1.8K 19 0
                                    

Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Boses iyon ni Kuya Tristan, at basta,boses ng isang babae. Sige, tulog ulit.

Tapos biglang may nanghila ng kumot ko. Peste! Sarap ng tulog ko. “Gising naa!” Nakakarindi! Kanino bang boses yan?! Nag-inat ako ng konti tapos pagdilat ko ng mata, nakita ko si Ate K na nakaupo sa kama niya at may hawak na unan niya, nakapikit pa ito. Tapos nakita ko si Ate Ingrid na bagong ligo at nagsusuklay ng buhok niya. Huh? Bakit ang aga magising? Tiningnan ko yung orasan, 7:15 am palang!

“Good Morning, Labs.” Nag-kiss naman si Kuya Tristan kay Ate Ingrid. Aww. Sweet naman. Nagsmile ako kina kuya tapos nung babalik ako sa pagtulogay biglang may nagsalita. “Oh, Baby girl! Stop sleeping na! You’ll get fat, baka matulad ka kay K noh.” At humagikhik ito. Nakita ko naman na biglang napamulat si Ate Karol sa sinabi nung babae...na si Emy. A-anong ginagawa niyan rito sa kwarto namin?

Tumingin ako kay ate Ingrid na nagtatanong, pero nagkibit balikat lang ito. “Get your swimsuits na! Let’s go swimming!” Tapos umacting pa ito na lalangoy. Psh. Ang aga e.”Labas nga! Ingay mo!” Sigaw ni Ate K sa kanya. Hahaha. Buti nga.

Pagkalabas nina Kuya Tristan, naiwan kaming tatlo sa kwarto. “Nag-jogging daw kasi sila nung mga lalaki kanina. Di na daw tayo ginising, pero magswimming raw. Oh, bihis na kayo after breakfast.”

***

Pagkatapos naming mag-almusal ay bumalik kami sa kwarto para magbihis. Patay, wala pala akong swimsit. “Ate Grid, wala akong isusuot.” Sabi ko.

“Ako rin nga. Isang swimsuit lang dala ko, tapos, mukhang ampangit. Nahiya naman ‘yung swimsuit ko dun sa suot ni Emerald.” Kasi, isipin mo, nakared na two-piece yung babaeng yun. Yung pang no other woman ba! AISH!

“Problema ba yan?” Napatingin kami kay Ate Ingird na may hawak na isang medium size na bag...na puno ng swimsuit.

Napatayo si Ate Karol at niyakap si Ate Ingrid. “God, you’re a lifesaver.”

***

“Kanina pa nila tayo hinihintay, so girls! Move it. Move it.” Tinutulak na kami ni Ate Ingrid palabas ng cottage namin. Waaah. Nakakahiya!

Tanaw na namin yung apat na unggoy plus yung chihuahua sa dagat, nagbabasaan. Mga tanga, basa na nga sila, magbabasaan pa! Utak uso gamitin!

“Hi Guys!” Sigaw ni Ate Ingrid kaya napantingin sila. Sumunod rin kami ni Ate Karol huhu nakakahiya talaga.

Basta, naka striped two-piece si Ate Ingrid, naka floral one-piece naman si Ate K at ako? Ano, yung black na two-piece tapos may ribbon siya sa likod basta ganun. Pero, sinuotan ko muna ng tangerine na sando tapos maong shorts. Pero, medyo halata na kasi yung swimsuit eh.

Lumapit samin si Kuya Kev tapos nagulat siya sa suot ni Ate K. “What do you think?” Umikot pa si si Ate K habang si Kuya Kev? Nga-nga. Eh sa maganda kasi si Ate Karol noh! Ang puti nito at bagay sa kanya yung suot niya.He took a peck on her lips at nagsalita, “Wala ng ibang gaganda pa sayo, Babe.”Sweet naman!

Napatingin sakin si Kuya Kevin. “Oh, kanina ka pa nila hinihintay! Punta na dun.” Himala, mabait sakin.

“Mamaya na Manong, magsusunblock muna ako.” Tapos umalis na silang dalawa, bale, ako nalang naiwan dun sa tent.

Actually, whole day swimming lang daw kami. Kaya, mamayang hapon na ako maliligo. Naghanda kaming apat na girls ng Lunch habang bumibili ng drinks yung apat. Hindi nalang namin pinapakita ni Ate K na medyo naiilang kami kay Emy. Pero, minsan, mabait siya, kadalasan, sarap niyang sabunutan.

***

“Guys, let’s eat!” Yaya ni Emy sa amin. Hinanda ko na yung barbeque kaya nahuli ako sa pagpunta dun sa table na sinetup namin.Pagdating ko dun, parang gusto kong bumalik ulit.

Kasi, yung vacant chair na nag-iisa...nasa tabi ni Jared.

Dahan-dahan akong lumapit doon tapos umupo. Whew. Bakit parang lumamig bigla? Hahahaha

“Ayan! Food!” Kinuha ni Ash yung inihaw ko tapos kinain. “Sarap ah! Hindi ka na pala ngayon baking ah!” Compliment niya. Kinuhaan naman ni Emy ng food si Jared tapos may mga pinagsasabi-sabi pang malandi. Aish. Kaya ayaw kong umupo dito eh. Could this day get any worse?

***

Habang kinocollect ko yung kinainan namin, ay nilapitan ako ni Emy. ‘Hi, Ice.” Sabi nito, ngumiti lang ako sa kanya, dahil busy ako. MAHAL ANG ORAS KO.

“You must be very close to those guys, especially kay Ash. And you know, I’ve heard stories about you.” Himala. Kinukwento ako?

“Talaga? Wow.” Sabi ko. Wala, para may masabi lang.

“You are madly in love with my my guy, right? Kaya pala naging obsessed ka sa kanya. Worse, pinilit mo pa siyang magkagusto sayo.” Aba’t.

“Excuse me?”

“Sad to say dear, hindi ka niya gusto. Look at you, you’re not pretty enough for him, hindi gaya ko na well, modesty aside, maganda. Tsaka, mabuti naman at hindi mo nilalapitan si Jared. Thanks ah, keep it up.” At umalis na ito. Napaka! NAPAKA! The fact talaga!

Dahil badtrip ako, hindi ako nagswimming, Mga two na siguro, pero hindi naman gaano kainit, kaya nagswimming ulit sila. Maya-maya, nagyaya yung Emy na mag-Volleyball.

“Kaya lang, wala ng ibang player. Girls, gusto niyo maglaro?” Tanong niya kina Ate Ingrid at Karol. Umiling yung dalwa kasi di naman sila gaano marunong. Sus, si Ate Karol pa. Hahahaha.

“Hindi niyo natatanong, varisty sa Volleyball nung college yang baby sister ko.” Kuya Tristan naman eh!

“C’mon Baby Girl. Sali ka na. Kampi kayo ni Ash and Tristan, tapos kami ni Jared at Kev sa kabilang team.” Bago pa ako makatanggi, ay pinatayo na ako ni Ash. “Dali na Baby Girl.” At siniko ko siya. Yucks! Baby Girl! UGH.

“Stop calling me Baby girl okay?” Iritableng sabi ko. Ginulo niya yung buhok ko. “Kasi naman, busangot face ka e.”

“Matakot na kayo samin, Hahaha.” Pagmamayabang ni Emy.

Tingnan nalang natin.

------------------x

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon