I love you, Oppa. - 36

1.6K 17 1
                                    

Chapter 36

Halos sabay lang kaming dumating ni Jared. Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming haharap sa nakakatakot na si Kuya.

Gulp.

Gulp.

This is it, pansit!

"Relax, Jared." Kinakabahan kasi ito. Nanginginig ang kamay ang pinagpawisan. Parehas ko. -.-"

"Pucha, parang tutuliin lang ang feeling e." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Ulol. Ano ba yang example mo. Nakakalurkey."

"Aish. Eto na..eto na.."

Binuksan ko yung pinto at nagulat kaming parehas sa nakita namin.

Nasa sala si Ate Ingrid, na katabi ng galit na galit na si Kuya at kausap nila...si Anna?

Napatayo si Kuya at inambangan ng suntok si Jared. Natumba si Oppa sa sobrang lakas. Shit! Dumudugo yung labi niya. Tumayo ulit si Oppa at sinuntok muli ni Kuya. Natulala lang ako.

"At totoo pala?! Hayop ka! Pati kapatid ko, pinatos mo! Wala kang isang salita, Marasigan! Gago!" Inaawat naman siya ni Ate Ingrid. Inalalayan ko naman na tumayo si Jared na may sugat sa kilay at labi. Pinahid niya ng dugo gamit ang likod ng palad niya.

"Kailan pa to ha? Kailan niyo pa ako ginagago?!"

"Anim na buwan simula nung maging kami." Sinuntok muli ni Kuya si Jared. Kaya itinayo ko ulit siya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Okay lang ako, Baby ko." He murmured.

"Kung hindi ko pa nalaman kay Anna ngayon, eh di matagal-tagal niyo pa pala akong gagawing tanga?!" Galit na galit itong naktingin sakin.

"Napaka mo, Anna! You-"

"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Anna as if wala kang kasalanan dito!" Tila takot na takot si Anna na nasa likod nina Kuya.

Ngayon lang niya ako na nasigawan ng ganun ni Kuya.

"Pumunta kami dito para aminin yun. Pero, naunahan lang kami." Jared

"Ipokrito! Hindi kita kinakausap!" Singhal ni Kuya.

"At ikaw! Kailan ka pa natutong maglihim sakin?!"

Napaiyak nalang ako. Ngayon lang nagalit ng ganito sakin si Kuya. 

"K-kuya..."

"Tristan, mahal ko si Ice." Hinawakan niya ang kamay ko. Pero itinulak lang siya ni Kuya. "GAGO KA! WALA KANG KWENTA! PARANG KINALIMUTAN MO ANG PAGKAKAIBIGAN NATIN SA GINAWA MO. ICE! HALIKA DITO!" Hinigit niya ako papalayo kay jared pero nahatak ako ni Jared pabalik sa kanya.

"Mahal na mahal ko ang kapatid mo, at ayoko siyang mawala siya sakin. Hindi ko kakayanin." Kalmado lang ito sa lagay namin ngayon.

Kuya smirked. "Kaya pala kinaya mong isakripisyo ang 20 years na pagkakaibigan natin, Marasigan?!" Hindi umimik si Oppa.

"Putangina!" Naiyak ako lalo ng higitin ako muli ni Kuya. "Kuyaaaa. Kuya tama na, kuya." Pagmamakaawa ko.

"Wag mong sabihing pinipili mo tong hayop na to kesa sa kapatid mo?!"

"Kuya, mahal na mahal ko si Jared. Simula pagkabata, siya na ang gusto ko. Pero ngayon, na sinabi niyang mahal niya na ako, mawawala nalang yon, kuya? Masaya ako sa kanya, kuya."

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon