I love you, Oppa. - 9.

1.7K 22 1
                                    

Chapter 9

Few years later…

“Happy Birthday, Manong Kevin!” andito kami nina Kuya Tristan sa bahay ni MK (Manong Kevin) dahil 29th birthday niya ngayon! Apat lang kaming nakikicelebrate sa kanya: ako, si Kuya Tristan, si Ate Ingrid, at syempre, ang labs niya na si Ate Karol. Kahit konti lang kami, okay na yun!

“Malapit ka na ring mawala sa kalendayo Kevin! Hahaha! Kailan ka ba kasi magpapakasal?” Namula naman si Ate Karol sa tanong ni Ate ingrid. Kasal na kasi si Kuya At Ate Ingrid, pero civil wedding lang. Pinaghahandaan pa kasi nila yung bonggang wedding nila, siguro kapag 32 years old na sila. Syempre, kailangang mag-ipon no.

“Salamat talaga Yelo, tsaka pare! Magugulat nalang kayo kapag magpoprose na ako kay Karol ko, diba Baby?” Sabay yakap nito kay Ate Karol. Haha. Sweet naman nila. Grabe, kahit 5 years na sila ay napakasweet pa rin nila.

“Sayang nga kasi wala sina Jared dito.”

“Tss nakalimot na porke’t palikero na! Hahaha!” At talagang sa harap ko pa nagkukentuhan na mga to tungkol kay Jared. Pero, wag kayo, nakamove-on ako! :p

“Uy, Ashton Mendez calling sa skype!”  Binuksan ni Kuya yung skype at lumabas sa screen s Ash! “HI ASYONG! WE MISS YOU!” Sabay sabay naming sabi sa kanya. Napatawa naman ito at nag-wave. Pumuti ang gago oh. At gumwapo ito. Pero walang talo-talo ha!

“Kamusta na kayo guys? Uy happy Birthday tukmol! Miss na kita baby boy, kiss oh!” At nagbakla-baklaan silang dalawa sa harapan namin. Hahaha! Same old, same old.

“Buti ka pa, naalala birthday ko, eh si Jared! Hanggang text lang! Nakakatampo.” Sabi naman ni Kuya Kevin sa kausap.

Tumawa naman si Ash.”Sus, wag kayong mag-alala. Pero may sasabihin pala ako sa inyo.”

“Ano yun?”

“Uuwi kami ni Jared sa pilipinas this week!” Halos nanlaki yung mata nung dalawa ta nagtatalon-talon. “WOOOOH! NICE NICE!”

“Oo nga pala, asan si Red?” Tanong ni Kuya Kevin. Ano ba ‘yan, bakit kapag naririnig ko ang pangalan ni Jared, parang naninikip dibdib ko? >.<

“OTW sa Pilipinas.” At tumawa ito. O.O

“Seryoso?!” Pati ako ay napasigaw din.

“Bahala kayo kung ayaw niyo maniwala. Kaya hindi ko nga siya macontact ngayon eh. Kakaalis niya lang two hours ago.” Tapos nag-thumbs up ito samin. Hindi pa rin ako makapaniwala, uuwi na talaga siya?!

Hindi ko alam kung naeexcite ako o natatakot ako. Pero Ice, kakasabi mo lang kanina diba? NAKAMOVE-ON KA NA. Yun na yun.

“Basta, kita-kita nalang in three days! Sa Laiya! Doon namin kayo hihintayin ni Jared!” At bigla niyang ni-disconnect yung tawag. “Bastusan pala to ehhh.” Natatawang sabi ni Kuya Tristan. Pero, masaya pa rin sila dahil babalik na ang tropa, five years na ang nakakalipas simula ng magkakasama pa sila.

After ng party ay umuwi na rin kami nina Kuya at dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. Then, binuksan ko yung laptop ko para makapag-blog.

Icealvarez.tumblr.com (hindi pa rin nagbabago ang tumblr url ko.)

Hindi ako makapaniwalang uuwi na si Ash, at lalo na si Jared. Hindi ko alam kung naeexcite nga ba ako, o natatakot somehow. Siguro, mas pinangungunahan ako ng takot ko. Basta ang gulo! Pero, excited ako sa pag-uwi ni Ash partner.

Basta ang labo!

Sorry I am so messy right now. –Ice.

****

Ni-shut down ko na yung lappy at nahiga. Naalala ko tuloy yung nangyari noong umalis si Jared sa Pilipinas. Lahat sila nasa Airport, samantalang nag-alibi ako na may Final Exams kami at hindi ko ito pwedeng ipagliban. Pero, hindi lang ako pumasok sa Airport. I can’t bear seeing him leave the country. Hindi na kami nakapag-usap ng maayos dahil masyado na siyang naging busy sa pag-alis niya, pati na rin sa girlfrend nya. Hay, Jared. Minsan, hindi ko maiwasang isipin ka, lalo na sa tuwing nag-iisa. Ano na kayang balita sa iyo? Naiisip mo rin kaya ako?

Kitams, napakanta na ang lola niyo.

Nung nakalipad na yung eroplano, napatingin nalang ako sa langit. “In five years time, I know we’ll be seeing each other again, at sa limang taon na iyon, nagbago na ako.” I said to myself.

And I am confident na nagbago na nga ako.

Not until I saw him in that place. The place where I first fell in love with him.

------------------------x

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon