I love you, Oppa. - 24.

2.1K 22 6
                                    

Binabalaan ko po kayo. Baka hindi niyo magustuhan 'tong chapter. Ajujujuju. Kasi....ewan. lol. May bagong character pala, guys! Feedbacks po ah?

And sinasabi ko na po ito. Nasa twenties na sila. Well, they're matured enough para gawin yung mga scenes sa chapter na to. For short, semi-spg tong chapter, kahit yung sususnod na chapter, oki? Huhu. Peace yooooooooo :)))

Chapter 24

Sumapit ang New Year, Chinese New Year, Valentines' Day, at kung anu-ano pang event, heto pa rin ako.

Nagmamahal ng tapat kay Oppa. >3< (Ang weird nitong emoticon. Srsly. Haha.)

At ngayon? Biruin niyo, Ikakasal na si Kuya Ash at Ate Denise! Waaaaah! Beach Wedding ang peg nilang dalawa. Bridesmaid ako kasama nin Ate Ingrid at Ate Karol. Tapos sin Kuya Manong at Oppa ang groomsmen. Yung kapatid kasi ni Partner ang Best Man niya.

Ang ganda ni Ate Denise. Kahit light make-up ang inapply sa kanya, e ang ganda ganda niya pa din. Kaya nga habang nasa aisle si Ate Den ay iiyak iyak na si Partner.

Pinaka-nakakakilig na parte ng kasal yung Wedding vows nila. Ang CB nga si Ash! Haha! (Cry Baby). Joke. Masaya lang talaga siya.

Hayyy. Ang perfect nila. At sobrang masaya ako para sa partner ko. :)

*****

Reception

Third person's POV

Sa isang sea side resto ginawa ang Reception ng bagong kasal na si Ash at Denise. Mga piling tao lang ang inimbitahan nila. Syempre, ang mga imediate families at close relatives, kasama na rin ang ilan sa mga officemates at ibang kliyente ni Ashton. Mawawala ba ang mga bestfriends niya? Hindi syempre.

Nasa iisang table lang ang buong tropa, kasama ang mga kanya-kanyang loveteam. Except nalang siguro kay Ice, na yamot na yamot dahil kasama, rather, date ni Jared sa kasal ang rumored girlfriend nito na si Gracie. Kahit papano ay kaibigan ito ng mag-asawa. Wala namang magawa si Ice na may hidden hatred sa babaeng iyon.

Mas nainis pa si Ice ng mag-sayaw ang dalawa sa dancefloor. At lalo na nung ng-smirk pa sa kanya si Gracie.

"Matapilok ka sana mamaya." Sabi nito sa sarili habang kumukuha ng punch sa counter.

"Be careful of what you wish for." Napalakas pala ang bulong niya to the point na may nagsalita sa kaliwa niya.

"Noah? Oh my gosh Noah!" At niyakap niya ang binata ng napakahigpit, para bang nagkitang muli after ng isang Zombie Apocalypse.

"Marga! I miss you!" Marga ang tawag sa kanya ng binata . Hango kasi sa second name niya ito.

"Darn. Of all places, dito lang pala kita makikita! Grabe, I miss you."

Si Noah Leviste. Ang kanyang guy bestfriend noong highschool at tagapagtanggol niya sa overrly-attached ex boyfriend niyang si Art. At mahal na mahal niya ito, bilang bestfriend. Minsan niya ng naging ka-MU ang lalaking ito, but well, it didn't work out dahil narealize niya na kay Jared pa rin ang puso niya. He was a Taekwondo varsity at one hell of a playboy. Kahit ganun si Noah ay iginagalang niya talaga si Ice. Ice has a special place in her heart, at kailanman ay hindi maaalis iyon.

"Ako rin nga eh. Ikaw, pretty girl, bakit nakabusangot ka?" He asked.

"Psh. Wala to. Kamusta na ang lovey ko?"

"Gwapo pa rin Lovey! Ikaw, devoted ka pa rin diyan kay Marasigan?"

Pinalo niya ito ng mahina sa braso. "He has a name you know. Lovey talaga." Lovey kasi ang tawagan nila. Hayyy, kaya madalas na mapagkamalang sila e.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon