I love you, Oppa. - 40.

1.7K 17 1
                                    

Chapter 40.

"Relax, Ice." Kahit pinapakalma na ako ni Ate Ingrid, ay hindi ako matahimik sa kinauupuan ko. Asan ka na ba Jared?!

Saktong pumasok si kuya sa bahay, at nagtaka. "Oh Ice, bakit anong nangyari?" Agad akong napayakap kay kuya. "S-si Jared. Biglang naputol yung linya niya. Tapos tinawagan ko ulit, pero unattended na. Kuyaaaa."

“Calm down, Ice. Calm down.” Pinaupo muna ako sa couch at pinarelax ng kaunti. Darn! How can I relax?!

"Relax, tatawag din yun. " ayoko mang mag-isip ng masama pero, hindi ko maiwasang hindi mag alala sa kanya.

Kring kring. Kring kring. (sound effect daw. Haha.) Wag kang tumawa Author, walang joke time ngayon.

(Sorry ho. Huhu)

Napatingin kaming tatlo nina Kuya Tan at Ate Ingrid sa telepono. "Ako na." Sabi ni kuya. Kinuha niya yung telepono. "Hello. Alvarez' residence."

Tinitingnan ko lang si kuya hanggang sa biglang nagbago ang expresyon niya. Hindi ko napigilang mas kabahan. Para akong sasabog sa kaba.

"Ano daw yun, tan?" Tanong ni Ingrid, na pawang kinakabahan din.

Hindi muna nagsalita si kuya, pero napaiyak nalang ako ng yakapin niya ako.  "Kuya! Sabihin mo! Asan si Jared?" Garalgal na sabi ko.

"N-nasa ospital si Jared. Naaksidente daw siya. And he's on critical condition." Napayuko nalang si kuya.

Napaupo muli ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Parang nanigas ako sa kinauupuan ko, at parang pinagbagsakan ako ng sako-sakong sakit. Gusto kong sumigaw na umiyak ng grabe. Si Jared.

Yung mahal ko, no.

*

Agad kaming sumugod sa ospital. Naiiyak ako habang naglalakad kami sa puting hallway ng building. Ayoko pa man din ng ospital. Kapag nandito ako, naaalala ko lang yung nangyari ng dalhin dito sina Mama at Papa. Tinawagan naman ni Kuya sina Kuya Kevin at Kuya Ash, pati na rin ang parents ni Jared. Nakaabang lang kami sa pinto ng emergency room; Naghihintay sa pagdating doktor at para malaman ang kalagayan ng mahal ko.

Jared, wag mo akong iiwan, please.

After a while ay dumating na din sila Kuya Kevin at Ate Karol, pati na sina Kuya Ash at Ate denise. Bakas sa kanila ang lugkot, gulat, pero mas nangingibabaw ang pangamba.

 Agad akong niyakap ni Kuya Kevin, dahilan para mas lalo akong mapaiyak. Nakakainis. Alam mo yung kapag may nagcocomfort sayo para tumigil ka sa pagiiyak pero mas naiiyak ka pa rin? Aish. Ganun ang nararamdaman ko ngayon. 

"Sino ba ang kaanak ng pasyente?" Napatayo sina kuya na nakaupo sa sahig ng ospital. "Wala pa yung magulang niya, ah closest friends kami ni Jared." Lumapit ako sa doktor. "Ako po yung fianceé. Doc, kamusta na si Jared?"

"Kasalukuyan pa siyang ginagamot at ineexamine. As of now, maraming dugo ang nawala sa kanya at marami siyang natamong sugat sa braso at sa ulo. And he's still unconscious. We are trying our best para maging stable ang lagay ng pasyente. Ang immediate action na iuundergo niya ay operation para matigil ang internal bleeding." Napaiyak ako sa narinig ko. Kritikal pa rin siya.

"Doc, gawan niyo ng paraan please. Nagmamakaawa ako." Lumapit naman sa’kin si Kuya Tistan at humawak sa braso ko. “Tahan na, Princess.”

"We will try our very best, miss. Excuse me." Tapos pumasok ulit ito sa room.

"Wag kang mag-alala, may awa ang diyos, princess." Sabi ni kuya kevin habang yakap niya ako. Sana nga. Lord, nagmamakaawa ako. Iligtas niyo po si Jared sa kapahamakan. Hindi pa siya pwedeng mawala.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon