I love you, Oppa. - 39.

1.7K 18 6
                                    

Chapter 39

"Hindi mo ba papapasukin ang bisita mo?" Nakangiti ito habang nakatayo sa pintuan ng condo. Hindi ko inaasahan ang presensya niya sa lugar na ito, at sa araw na ito.

"Sorry. Ano, pasok ka." Nagmasid masid siya sa loob ng condo ni Jared. H-hindi ako makapaniwala. Pero, anong ginagawa niya dito?

Si Kuya.

"Upo ka muna kuya, kukuha lang ako ng coffee." Nataranta akong nagpaikot-ikot sa sala bago pa ako makapunta sa kusina. 

Pagkaraan ng ilang minuto ay pumunta ako sa sala at umupo sa harap niya.

"Kuya." Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya, pero sobrang masaya ako at nakita ko siya. Pagkatapos ng ilang buwan, na parang taon lang ang nakalipas para sakin, andito siya at kinakausap ako. 

"Nangangayayat ka ata Ice. Tsk. Yung gagong yun, hindi ka ba inaalagaan ng maayos?" he became a little worried. Oh God, I miss this man. Pero syempre, I defended myself. 

"Hindi naman sa ganun kuya. Busy lang kasi ako sa trabaho. Ikaw kuya, kamusta na kayo?" He took a sip from his coffee I made him.

Bakas ang saya at excitement sa mata niya. "Well, excited na ako maging tatay. Tssss. 6 months pa si Timothy sa tyan ni Ingrid. Tagal tagal pa." Nangiti ako. Nakakapanibagong tingnan si Kuya. Gumagamit na ulit siya ng eyeglasses niya at naka clean cut ito. Medyo tumutubo na nga yung balbas niya.

"Hoy kuya, di ka nagshashave a." Pansin ko sa kanya, na agad naman siyang napahawak sa baba niya.

"Si Ingrid kasi, gusto niya raw na may onting balbas ako. Weird ng paglilihi e. Tss." Hindi ko naiwasang mapangiting muli. Excited na nga talagang maging tatay si Kuya. At excited na rin ako maging nanay, este, Tita pala. Anong nanay ba ‘yung pinagsasabi ko? =.=

"Baka maging chupacabra si Timmy ah." Natawa kami parehas.

"Ganda ng nickname, Timmy.” Sabi ni Kuya.

At natahimik kami ulit. Ayos na ata kami...ewan ko. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. He’s very difficult to read.

"Kuya..."

"Naalala ko nung nagkaroon ako ng business meeting sa Bicol. Sa isang seminar doon, pumunta kami sa isang beach sa Catanduanes." He paused. Na-curious ako sa sinabi niya. 

"Tapos, may nakita akong magkuya. Umiiyak yung batang babae, tapos pinapatahan siya nung kuya niya. Namumulot daw sila ng shells nang biglang nalingat yung batang lalaki at nahiwalay sa kanya yung kapatid niyang babae." He said.

"Tinulungan ko siyang maghanap sa kapatid niya. Halos maiyak na yung batang lalaki habang naghahanap kami. Nagpapadamihan daw kasi sila ng shells na mahahanap. Pero, bigla niyang binitawan yung mga shells na inipon at inilagay niya sa damit niya. Nagtaka ako. Kaya, hindi ko naiwasang magtanong."

Nakangiti siya habang nagkukwento. "Sabi ko, 'bakit mo binitawan yung mga shells?' Kasi, sobrang dami na nung hawak niya. Tapos, alam mo kung anong sagot niya?" Umiling ako, pero naluluha na rin.

"Sabi niya, mawala na ang lahat ng shells na nakuha niya, wag lang ang kapatid niya. Aanhin niya ang mga iyon, kung ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay niya, wala. And it struck me." Tumulo yung luha sa mata niya at pinunas niya agad. Kuya hates crying. I know him very well. Tumayo ako at niyakap siya. Ng napakahigpit.

"Kuya, namiss kita. As in." I said in between sobs. Halos mga hikbi nalang namin ang naririnig sa condo.

"Lalo na ako, princess. Hinding hindi ko kayang talikuran ka. Sorry."

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon