I love you, Oppa. - 29

1.8K 18 3
                                    

Bitin nanaman ‘to. May Writer’s Block, este Brain block kasi hindi naman ako writer talaga hahaha ansabeeeh. :)) at magiging busy nanaman akooo :< Anyway, namimiss niyo na ang kilig vibes ni Jared! Brace yourselves! Malapit na yuuuuun! xD

Dedic? pm me! :)

***

Chapter 29

Daming pangyayari ngayong araw. Birthday ni Manong Kevin, alis nina Kuya at Ate Ingrid, yung exhibit ko...at yun lang.

Meron pa bang iba?

Bumaba ako at mag-aalmusal. Napansin kong may pagkain naman pero pang isang tao lang yung inihanda ni Manang Els. Hay finally! Hindi na ‘yung nakakainis na katulong ang nandito.

"Si Kuya Jared?" Tanong ko. Kasi, wala lang. Conversation starter kay Manang Els. Yun nalang kasi isipin niyo no!

"Ay umalis na si Hijo. May mga dalang nakarolyong papel tapos hard hat tsaka camera. Nagmamadali nga at hindi na nag-almusal. Yung batang yun oo." Saad pa nito at napa-iling iling pa. Ay wow, talagang detailed much si Manang ah?

"Ay manang, yaan niyo siya. Osiya! Alis na rin po ako. Ngayon kasi yung Exhibit. Ahehe." Kumuha lang rin ako ng sandwich at nag-sip sa kape na tinimpla niya.

“Kayo talaga! Naku, hindi na kayo nag-aalmusal ng maayos.” Sabi ni Manang. Ngumiti nalang ako sa kanya at nag-sorry. “Dibale manang, mag-aalmusal na ako ng maayos kapag tapos na itong main project ko.”

"Sige na nga. Aba sana mapili yung exhibit mo, Nak." Hay, sana talagaaaaa. Magdilang anghel sana si Manang.

"Hoooo. Sana talaga, Manang. Umm, nga pala, hindi na po ako magdidinner dito. Birthday kasi ni Manong."

"Ah ganun ba? Pakisabi kamo, Happy Bertday. Hehe. Ingat sa pagmamaneho, ne." Tumango ako at lumarga. Ariba ariba!

****

Convention center

Gravity! Kinakabahan ako! Woooh. Andaming nandito. Sana magustuhan nila yung gawa ko! Please please please!

"Teh. Tatlo daw ang pipiliing design. Tapos yung mapipili, ipapadala sa NY yung designs. Tapos, may chance na magtrabaho as a regular designer sa Jessie James couture or sa Segovia!" Sabi ng co-designer ko na si Zyra.

"Segovia? Eh diba puros lingerie at undergarments ang products nila?" Ako.

"Yeah. But Sheryl Segovia is expanding her clothing line. At magiging main fashion trend yung exhibits sa said C.L. te, talk about lots of datung!" Natawa ako sa bakla mode nitong si Zyra.

"Ay bet ko yan!" Kaya ginaya ko na rin, at nag-apir kaming dalawa!

Tapos may pinagkukumpulan doon malapit sa may exhibit ko. "Teh, may commotion dun. Tingnan natin!" Hinablot ni Zy yung kamay ko. Makahablot eh =.=

Napansin namin na may nagkakagulo sa bandang part kung saan naka-display yung designs ko, well, scratch that.

Pinagkakaguluhan nila yung designs ko?

"Kyaaaaah. Ang hot naman ng photographer!" Hot? Hala asan?! O.O

"Tapos, pinagpupuri niya tong work ni Ms. Alvarez! In fairness, ganda ng designs niya!" Sabi naman nung isang babae na nakikiusyoso rin. Nako naman, I’m so flattered.

"Pero nadala ni poging photogapher. Pinagpupuri niya talaga siya yung gawa ni Ms. Alvarez. But the heck girl,  ang gwapo niya! Single pa kaya sya?" Ayyy? Mahaharot lang?! Sino ba ‘yang gwapo na ‘yan at mai-date nga! Haha joooke!

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon