I love you, Oppa. - 1.

3K 39 9
                                    

CHAPTER ONE:

“And you may now kiss the bride.” Ayan na! Ayan na! Hahalikan na niya ako! WAAAAAAH this is it! Eto na!

Mag-iimpact na!

“ARAAAAAY!” Nahulog pala ako sa kama. Nakakainis! Magkikiss na kami ni---

At ano ba ‘yang ingay sa baba?!

Ano ba ‘yan! Alas nuebe palang sa umaga, parang palengke na sa baba. Andyan nanaman siguro yung mga ulupong na kaibigan ni Kuya Tristan.

Teka…

Anakngputcha! Napabangon ako AGAD-AGAD sa sobrang excitement. Naligo ako ng super bilis at nagbihis ng pinakamagandang pambahay dito. Oo, ako na ang OA. Kasi naman eh.:”>

I’m so excited! And I just can’t hide it! Bumaba na ako agad kahit at nag-huhum pa ako. Aba! Ganda kaya ng araw ko.

“Good Morning, Ate Elsa!” Bati ko doon sa kasambahay namin ni Kuya na si Ate Els. Aba, magka-vibes kami niyan! “Gising ka na pala,Ice!”

“Ay hinde teh. Tulog pa ako. Tingnan mo. Tingnan mo.” At pumikit ako at nagkunwaring tulog. Ayan, nasapok tuloy ako ni ate Els.

“Manang mana ka talaga kay Kuya Tristan mo.” Bata palang ami ni Kuya Tristan, andyan na siya para alagaan kami. Kahit na nung namatay ang Mom at Dad sa aksidente noon, akala ko, iiwan na rin kami ni Ate Els pero, nag-stay pa rin ito. Kaya, grabe ang pagtitiwala namin sa kanya. “Andyan yung mga kaklase ng kuya mo.” Sabi niya.

“Talaga? Yung pinaka-gwapo, andyan ba?” Nag-isip muna ito bago sumagot. “Lahat naman sila, gwapo eh.” Eeeeeeh! May pinakagwapo talaga!

Imbis na dumiretso ako sa dining area ay pupunta nalang ako sa sala! Wait...

Paganda ng kaunti. Hmmm, ayan! Maganda na ako! Kabog si Anne Curtis at Andi Eigenmann!

This is really is it is it!

“Hi mga kuya!” sigaw ko doon sa apat na lalaking nakaupo at nagkakape sa sala. May mga nakatambak na libro at notebooks sa center table namin at lahat busy sa pag-review. Napatingin silang lahat sa’kin...

Lalo na siya.

“Kauma-umaga, ang ingay ng kapatid mo.” Buwiset na Ash ‘to! Nakatakip ang mga tenga nila ni Kevin gamit ang mga kamay nila. Si Kuya Tristan naman ay parang wala lang sa kanya ang existence ko sa salang ito. Duh, sanay na siya sa beauty ko. At si Jared?

Si Jared Raimund S. Marasigan, BS Architecture, Dean’s Lister,  na matagal ko ng pinapangarap kahit fetus palang ako sa tiyan ni Mommy. Yung lalaking nagligtas ng buhay ko mula sa mga uhugin kong kaklase at ang lalaking pagaalayan ko ng aking pagkatao! Ang pinakagwapong nilalang na nakita ng aking mga mata!

“HOY! Tsk tsk. Kawawa ka naman pare, may bungol ka atang kapatid eh.” Sabay tawa ni Kevin at Ash. Buwiset!

“Anong bungol ha?! Hoy Ash at Kevin, panira kayo. Labas! Psh.” Sabay irap ko sa kanila. Nakakabanas ang mga mukha nila! Ugh!

“Mag-kuya ka nga sa kanila!” Napagalitan tuloy ako ni Kuya! Aish. Tapos itong dalwang unggoy na ‘to, nagmamake-face pa! Hay! Mabuti nalang at andito si Oppa Jared.

“Sorry kuya. Umm, goodmorning Kuya Tristan!” Lumapit ako ka kuya at nagkiss sa cheeks nito. “Goodmorning KUYA ASH at KUYA KEVIN.” At syempre...” Hi, Kuya Jared!”

“Hahaha. Lagi mo talaga akong nilalast. Hi Shobe!” bati sa akin ni Jared. Kapag ako nagkukwento, walang kuya sa kanya. Ano ba ‘yan! Ang sagwa kasi, yung crush ko, kinukuya ko?! Ew.

Tumabi ako kay Kuya Tristan na naka-upo sa mahabang sofa. Nakaupo naman doon sa love seat yung dalawang pangit. Bagay talaga sila doon sa love seat, kasi mukha silang couple. Well, couple nga. Ma-COU-COUPLE ang MUKHA. At sI Papa Jared, nakaupo doon sa isa pang mas maliit na sofa.

“Nag-aaral kami para dun sa decathlon. Aba, kaming apat na pogi na representative.” Pagmamalaki ni Kuya Tristan.

“Si Kevin ang team leader namin kasi—“

“Ako ang pinakapogi!” Ang yabang!

“Seryoso ‘yan? Mawalan man ng scholarship? Mawalan man ng varsity position sa Basketball?” Ginaya ko lang si Vice ganda nung tinanong niya sina Melai at Jason kung nagkabalkan na sila. Wahahah!

“Kutusan kitang kutong lupa ka eh.” Mabuti nalang at nung bago pa makatayo si Kevin sa inuupuan niya ay hinarang na siya ni Ash. Nagtawanan nalang sina Kuya sa bangayan namin ni Kuya Kev. Eh, ganito kasi kami ‘magmahalan’. HAHAHAHA.

“Kayo talaga, di na natigil!” Patawa-tawang sabi ni Ash sa amin. Mas okay pa nga itong si Kuya Ash kesa kay Kuya Kevin.Tolerable ang pang-aasar kumbaga.

**

Bumalik ako ulit sa taas at naisipang mag-blog nalang. Oho, blogger ako! Eto yung madalas kong gawin bukod sa pagdedaydream kay Jared. Hehehe.

Icealvarez.tumblr.com

Naglagay muna ako ng image ni Jared. Syempre, hindi kumpleto ang Loveposts ko kung walang picture niya. “Gwapo mo talaga.” Nakakabaliw ka, Oppa. Kitams, pati picture mo nalang kinakausap ko pa?

Yung paggising mo sa umaga, at yung mukha ng taong mahal mo yung una mong masisilayan? Hay, ang sarap sa paikiramdam. Pero, teka. Iba siguro ang iniisip niyo. Hindi ko siya nakasama o nakatabi sa pagtulog. Sayang nga e =((. Pero, siya yung una kong nakita sa bahay. Hahahay. Buo agad ang araw ko anak ng patola naman eh! Sana ganito nalang araw-araw.

Konting araw nalang, at sasabihin ko na yung nararamdaman ko para sa kanya! 2 months nalang, at college na rin ako! Yahooo! Bagay na kami ni Jared my labs <3

-Ice.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon