Is this their end?

596 11 0
                                    

When he got home, he sent a message to Alex

“Hey, just got home. Thanks for the dinner. Thanks for a wonderful night. Thank you, I’m looking forward sa mga susunod pang O.T.  and about the kiss”

Beep. She read the message and made a reply

“Wala yun. I don’t want to talk about. Good night”

“Good night. : )” he replied. He did not receive any reply. He thought of her getting to sleep.

---

She woke up early and cook breakfast for the staff. Bago pa siya matapos nakaligo na ang kanyang mga kaibigan at papasok na ito sa restaurant.

“Alex, gising ka na pala. Ano oras ka nakauwi kagabi? Ano sinabi sayo ni Sir Tristan at pinaiwan ka nya?”

Sunod sunod na tanong ni Shin

“Lex, nagluto ka? Ano meron?” sabi ni Yeng

“Mga 1am na ako nakauwi. Nagpatulong lang sa gagawin na inventory and audit. Yeng, kelangan ba may dahilan o okasyon para magluto ako? Sagot nito

“Hindi naman, naninibago lang. Tara kain na tayo” sabi ni Yeng

“Pumasok na kayo. Sunod  na ako sa restaurant ito. Dun tayo magbe-breakfast.” Ngiti nito sa mga kaibigan.

“Huh?! Bakit, ano ba ngayon? July 20. Oh my, Lex, 5 days na lang birthday mo na.” tuwang sabi ni Shin

“Oo nga noh” sang ayon ni Yeng

“Hoy, magtigil nga kayo. Gusto ko lang magluto. Tsaka quiet kayo na birthday ko sa 25, naku naku pektusan ko kayo.” Diin nyang sabi.

“Oo na sige na. Ikaw talaga, malihim. Mauna na kami kita kita na lang tayo sa restaurant. Sarapan mo yan ng mabighani mo si Migs” tukso ni Shin

“Naku tumigil ka Shin” sabay tawa ng magkakaibigan.

“If I know gustong gusto ka nung lalaking yun, si tangkad.” Sabi ni Yeng.

“I don’t care. Alam niyo naman.” Sabay pigil na sa bibig ng mga kaibigan para irecite ang side niya about love, doubts and trust. Nagkatawanan muli silang tatlo.

Pagkaalis ng mga kaibigan nagmadali na siya maligo at magayos ng sarili. Pagkababa sa kwarto binalot niya ang mga pagkain at pumasok na sa trabaho. 6:30am na ng umaga, panigurado male-late siya.

Dumating siya sa restaurant ng saktong 8am. Pinagmalaki ng mga kaibigan ang pagkain na dala niya.

“Ayan na pala si Alex. Andyan na pagkain natin.” Sabi ni Yeng

“Di ka din excited Yenggay. Di mo man lang hinintay na si Lex ang magsabi.” Sagot ni Shin.

“Lex, totoo nagluto ka?” tanong ni Azil

“Oo, kain muna tayo. Tutal konti lang tao. Para sa atin lahat ito.” Sabi ni Alex. Dumating si Tristan nagtataka sa kagulihan sa may dulong lamesa.

“Anong meron dito? bakit lahat kayo nandito sa dulo?” tanong ng binata. Sabay tumingin kay Alex, at nginitian niya ito. Napayuko na lang si Alex at lihim na ngumiti.

“Sir, nagluto po si Alex, tara kain po” aya ni Shin

“Talaga, sige nga ng makasabay din kumain. Di pa naman ako nag-almusal.” Sabi ng binata. Tinignan ang pagkain. Inabutan siya ni Alex ng plato at tuluyang umupo. Habang sumasandok hindi maalis ang tingin niya sa dalaga. At sabay kindat dito.

“Sir, kamay kamay tayo dito ha.” Sabi ni Shin. Napatingin ulit si Alex sa kanya sya naman ang ngumiti at tinaas taas ang dalawng kilay.

“Teka nasan si Miguel? Naku mauubusan yun.” Sabi ni Alex. Napatingin si Tristan sa dalaga, nagtataka sa sinabi at paghanap nito kay Migs.

“Naku, padating na yun. May pinaghahandaan lang yun.” Sabi ni Azil.

“Yung pag-amin niya sayo na gusto ka nya, yung ang pinaghahandaan nun” sabi ni Yeng. Halos masamid naman si Tristan sa narinig. Pero deadma sa kanya ito. Marahil nasanay na siya na tinutukso ni Yeng si Alex kay Migs.

“Oh ayan na pala e” turo ng nguso ni Yeng.

“Alex” nanginginig na tawag ni Migs sa dalaga. Nilingon siya ni Alex, sabay nilabas ng binata ang bulaklak sa likod nito. Nagulat at napatayo ang dalaga sa kinauupuan. Nakakaramdam ng init mula sa tenga niya si Tristan. Nararamdaman niya din na namumula na siya. Tahimik siyang pinapanood ang reaction ni Alex at mga gagawin pa ni Migs. Lumapit na si Alex kay Migs

“Miguel, ano yan? Ano ginagawa mo?” tinanggap niya pa din ang bulaklak para hindi mapahiya ang binata.

“Alex, gusto kong malaman mo, na una pa lang may nararamdaman na ako sayo. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob sabihin sayo ito. Sa harap nila, Sir Tristan, Azil, Yeng, Shin, yung cook natin sa loob, at lahat ng waiters, gusto ko malaman nila kung gaano kita kagusto, kamahal. Sana payagan mo ako, pumasok sa buhay mo?” speech si Migs

“Miguel, pwede mamaya na natin pag-usapan yan. Nasa trabaho tayo. Thank you dito.” pagtukoy niya sa bulaklak.

“Mahal kita, Alex. Please payagan mo ako ligawan ka, patunayan sayo na mahal kita” sigaw ni Migs. Napatingin lahat ng mga tao sa kaniya.

“Miguel!!! Tama na. Oo na sige na , bahala ka kung gusto mo patunayan. Pwede pa natin pagusapan yan mamaya. Ok, maupo ka na. kumain na tayo. Para diretso na sa trabaho” napailing siya na natatawa na naaasar.

Napatingin siya sa direksyon ni Tristan, nakita niya na may sakit sa mga mata nito. May pagtutol. Pero walang magawa ang binata. Hindi naman sila. Naupo si Migs sa tabi ni Alex, todo kilig naman ang mga kaibigan nito. Tumayo si Tristan

“Tuloy niyo lang yang pagkain. May kailangan pa ako tapusin sa loob. Congrats Miguel” sabi niya

“Sir, pasensya na po naabala ko pagkain niyo pero Salamat po” tugon ni Migs. Tumango lamang si Tristan at dumiretso sa opisina niya. Muli niyang nilingom si Alex, nakatingin din ito sa kanya. Tinanguan na lang niya ito, sabay sinarado ang pinto.

Chance in Finding the Answer (completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora