Separated

575 21 6
                                    

He wants her full trust. She always wanted their relationship to be perfect. He wanted her back. It’s been two months, hindi nagpapapasok si Alex sa trabaho. Masyado ng nagaalala si Karl. He does not know what to do. Pinapabayaan na ng dalaga ang sarili niya, hindi siya kumakain, umiinom mag-isa, umiiyak kahit wala ng mailuha. Bumalik na siya sa apartment nilang tatlo ni Shin at Yeng. Si Yeng ay nasa Makati branch pa din pumapasok, kaya nalalaman pa din ni Karl ang mga nangyayari. Si Tristan ay sinubsob ang sarili sa trabaho. Hindi niya pinupuntahan o kinakausap ang dalaga kahit sobrang namimiss na niya ito, kahit sobrang galit siya sa mga nangyari hindi niya maitatanggi na mahal na mahal pa din niya ang kasintahan. Gusto ni Karl na mahalin siya ni Alex, pero dahil sa nakikita niyang ginagawa ni Alex sa sarili niya, minabuting hindi na niya ipilit ang sarili. Naisip na lang niyang tulungan ito ayusin ang buhay ng dalaga, ang sarili nito, pati ang relasyon nito sa kaibigan niya kay Tristan.

Karl went to her house “Yeng, si Alex?”

“Nasa taas. Bakit nandito ka? Alam mong galit na galit siya sayo.”

“Gusto ko ng itama ang lahat. Aayusin ko lahat ng gulong nagawa ko. Pangako” he raised his right hand. “Aayusin ko silang dalawa, tutal kasalanan ko lahat”

“Naku Karl, siguraduhin mo lang, kung hindi mabubugbog ka na talaga namin. Sige na, nasa taas siya”

“Salamat” he went upstairs. Kumatok siya sa kwarto ng dalaga pero hindi ito sumagot. Binuksan niya dahan dahan ang pinto at sumilip bahagya. Nakita niya na nakahandusay sa lapag ang dalaga. Magulo ang kwarto puro bote ng alak ang lapag. Pumasok siya dito.

Pilit ginising ang dalaga “Alex, wake up. Tumayo ka diyan maligo ka na. Papasok na tayo. May meeting lahat sa main branch. Kailangan nandun ka.” Pagtulong nitong tumayo sa dalaga.

“Bitawan mo nga ako.” Pagpiglas ni Alex. Susuray suray ito pagtayo. “Bakit nandito ka?” tinulak niya ang binata at sinampal ito. Hinampas ang dibdib nito sa sobrang galit, di nya ulit mapigilan umiyak.

“Alex, I’m sorry. Pero hindi tama itong ginagawa mo. Sinisira mo ang buhay mo. Bakit di ka umayos diyan, at ayusin ang nasira.”

“UNA PA LANG, IKAW NG SUMIRA SA BUHAY KO” sigaw nito. “Wala na akong aayusin dahil nasira na lahat.” Sumandal ito sa may cabinet at napaupo siya. “

Niyakap niya ito “I’m sorry Alex. Gagawin ko lahat maayos lang ito. Mabalik lang sayo lahat. Sa ngayon ang gusto ko lang makitang masaya ka.”

“UMALIS KA DITO” sinisipa siya in Alex. Pero di siya nagpatinag. Binitbit niya ang dalaga at dinala sa cr. Binuksan niya ang shower upang mahimasmasan ito sa pagkalasing. “Umalis ka na. Hindi kita kailangan. Hindi kita kayang mahalin. Bakit bumalik ka pa?”

“Kung nasira ko man buhay mo, I’m Sorry. Pero hindi ko na kasalanan kung napuno ng galit ang puso mo. Ginusto mo yan. Ngayon nasaktan ulit kita, wag mo hayaang talunin ka ulit ng galit mo, kung hindi tuluyang mawawala sayo si Tristan. Tutulungan kita, pero sana tulungan mo din ang sarili mo. I’m sorry”

Dumating sila sa main branch. Inalalayan niya si Alex pagbaba ng sasakyan. Bitbit naman ni yeng ang mga gamit ng dalaga. Hindi pa din natatanggal ang pagkalasing nito. Importante ang meeting sabi ni Tristan kaya pilit siyang pumunta kahit alam niya na galit pa din sa kanya ang kaibigan. Nakita ni Tristan ang kanilang pagdating, nanlumo ang binata ng makita niya ang itsura ni Alex ngunit wala siyang magawa, naisip na lang na pinarurusahan nito ang sarili sa mga nangyari.

“We’re here para ayusin lahat ng gulo sa business.”

Lahat ay focused at nakikinig sa kanya maliban kay Alex. Tumayo ito at pumunta sa kitchen.

Chance in Finding the Answer (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon