Friends

710 21 1
                                    

Tahimik silang dalawa na bumabyahe. Pero si Tristan hindi mapigilan ang pagtingin kay Alex kahit nagda-drive.  

“Sa daanan ka tumigin. Wala dito ang daan. :) Buksan ko ha.” Pagtukoy sa radio ng sasakyan. Hindi na nakasagot si Tristan, binuksan na niya ito kaagad. Jazz Music ang tumugtog, sabay tawa ng dalaga “Nakaka-up lift ng energy ung tugtog mo ha. Ang saya saya pakinggan, patayin ko na lang ha.”

“Ahh.. ehh.. Hindi akin iyan sa girlfriend ko yan. Ayaw niya kasi ng maingay, gusto niya yung relaxing.” Sagot ng binata. “Makatawa ka naman, maganda naman ah”

“Sige sabi mo e, nga pala tutal pinilit mo ako sumakay dito, kain tayo, gutom na ako. Imbes kasi na nasa bahay na ako, kumakain…”

“Sige ba, san mo gusto, may alam ako sa fine dining. Dun na lang tayo, masarap dun, dun kami last nag-dinner ng family ko kasama..”

“Fine Dining!!!” putol nito sa binata. “Ayoko dun, hindi ako makakakain ng maayos. Kelangan pa dun maayos itsura, tignan mo nga haggardness ako.”

“You look good naman” sagot ni Tristan.

“Ayoko dun, tigil mo itong sasakyan.” Tinigil ni Tristan, bumaba sa Alex at pumwesto sa driver seat. Lumipat naman si Tristan sa passenger’s side. “sa…… Seaside tayo” yaya ni Alex.

“Seaside?!?!” tanong ni Tristan.

Alex continue driving until they reach Seaside. Madaming tao, fresh lahat ng seafoods. Namalengke sila ng mga gusto nilang kainin at pinaluto na lamang nila ito sa gusto nilang putahe. Bakas ang tuwa sa mukha ng binata. Ngayon lamang siya nakapunta dito, nakita rin niya ang pagka cowboy ng dalaga. Pumasok sila sa isang restaurant at naupo sa may terrace nito overlooking ang Manila Bay.

“Wow!!! How did you know this place? Ang ganda. Teka masarap ba dito? Baka mamaya mas masarap pa yung niluluto ng chef ko sa niluluto nila dito?”

“Alam mo, tikman mo na lang” hamon ni Alex kay Tristan.

Mabilis na dumating ang kanilang order. Kumain muna sila bago sila nagkwentuhan, dala na din ng kanilang gutom kaya hindi muna sila nagsasalita. Hindi maalis alis ang tingin ni Tristan sa dalaga. Tuwang tuwa siya sa sarap ng pagkain nito. Lasap na lasap ang lasa ng bawat order nila, sugpo, pusit, alimango.

“Grabe! Busog na busog ako. Hindi ko akalain na kakain ako ng ganito sa buong buhay ko. Ang sarap” sabi ni Tristan habang hawak ang tiyan.

“See, I told you. Basta kainan, ako maaasahan mo.” Sabi ng dalaga, habang pinagtatawanan ang itsura ng binata na hirap na hirap huminga. “Teka ok ka lang?” tanong ng pagaalala

“Oo, hirap lang huminga, lumaki na ata tiyan ko.” Sabay taas ng polo. Di naman naiwasan ni Alex na makita ang hubog ng kanyang tiyan. 6pack abs. kumpleto. Muscle kung muscle.

“Lord, ilayo mo ako sa tukso. Sa mahabang panahon ngayon na lang ako nakakita ulit nun, after Kar… erase erase erase.” Sabi niya sa isip niya. “Ano sabi mo, lumaki tiyan mo, yang tiyan na tiyan lumaki” sabay turo sa tiyan ni Tristan “Hiyang hiyang naman ako sa tiyan ko, ano buntis?” sabay turo sa tiyan niya. Sabay tawa nilang dalawa.

Chance in Finding the Answer (completed)Where stories live. Discover now