Informal Invitation

705 20 2
                                    

---

2 days ng hindi nagpaparamdam si Kris sa kanya. Nag-aalala siya pero hindi niya ito tinetext o tinatawagan. Hinahayaan muna niya na lumamig ang ulo nito at siya rin. Naalala niya na ngayon ang first day ni Alex. Maaga siyang pumasok sa restaurant at inabangan niya ito. Hindi siya nagpahalata kaya ng dumating ito sabay pasok nya sa kanyang opisina.

“Hi. I’m Azil. Ikaw yung bagong waiter di ba? Halika i-brief kita dito sa Restaurant. Then punta tayo sa office ni Sir Tristan. Bibigay ko na din yung uniform mo.” Yaya ni Azil sa kanya.

“Ok. Dami na kaagad ng tao. 24hrs ba ito? Hiring pa ba kayo? May mga kaibigan kasi ako. Baka pwede pa mag-apply. Azil, di ba? Sa tingin mo?” tanong ni Alex.

“Ganito lang talaga dito. Mga kilalang tao ang mga nagpupunta dito para mag-breakfast, lunch or dinner, may reservation pa. You can ask Sir Tristan regarding hiring new applicants. Alam ko kasi hindi na nga muna siya tatanggap, kaya nagalit siya last time, kaya nagulat ako natanggap ka kaagad.” Azil explained.

After the briefing Azil informed Tristan that Alex is now available for a talk. Alex went inside his office. He let her seat in the sofa near his table.

“Alexandra, right?” ask Tristan

“Yes, sir, but you can call me Alex. I prefer that.” Alex answered him.

“Na-brief ka na ni Azil regarding sa restaurant. Hope you understand everything. Ayoko kasi madalas na may magkamali. It will reflect on us. Tulad nung nangyari last time.” Tristan explained

“Yes, Sir. Pwede po magtanong?”

“Pwede, wag lang mahirap sagutin. Baka mapanganga ako.” She laughed at him.

“Hiring pa po ba kayo? Meron pa po kasi ako mga kaibigan kailangan ng trabaho. Baka lang po open pa kayo, at pwede po sila?”

Napaisip si Tristan sa tanong nito. Naisip niya na kapag tinanggihan niya si Alex maaaring pumangit ulit ang image niya sa dalaga. Kapag pumayag siya mag-apply ang mga ito magtataka ang mga empleyado niya. Pero bahala na.

“Sige Alex, papuntahin mo sila. Tignan natin kung meron pang pwedeng ibigay sa kanilang pwesto sa Restaurant.”

“Talaga, Sir. sige po, isasama ko sila dito bukas.” Natutuwang sagot ni Alex. “Sir lalabas na po ako. Balik na po ako sa trabaho.”

“Sige Alex. Make it good. Good luck on your first day, you may go now.”

I can’t explain why I feel this way for her. I can’t say NO. I am mesmerized by her smile, the way she talks, the way she looked at me. I feel complete whenever she is around. This is not happening. Natutuwa lang ako sa kanya. TAMA, natutuwa lang ako.

---

It is closing time, she waved goodbye to her workmates and started to walk. Napansin niyang may SUV na sumusunod sa kanya.

“Alex, get in.” Tristan invited her.

“Hindi na po. Ok lang po. Sa kanto lang po sasakay na ako.” Sagot niya dito

“Kung maka PO ka naman parang ang tanda ko na. magka-edad lang tayo. Sige na kahit sa kanto lang ihatid na kita. Sayang din pagod mo”

“Hindi na ok lang ako.”

Tinigil niya ang kanyang sasakyan. Bumaba siya dito at sinabayan siya sa paglakad. Nagtaka naman si Alex sa ginawa ng boss

“Anong ginagawa mo? Bakit ka bumaba sa sasakyan mo? Sumakay ka na dun. Ok lang ako. Wala na tayo sa Resto mo, kaya hindi kita boss ngayon. Hindi ako susunod sayo.”

“Ganyan ka ba talaga? Once pa lang kita naririnig na nagpapasalamat sa akin. Ako naman sorry ng sorry. May problema ka ba sa akin? O natatakot ka na makita ka ng boyfriend mo may kausap na lalaki?”

“Nagpapasalamat ako kapag talagang malaki utang na loob ko, tulad nung pagtanggap mo sa akin sa trabaho. Kasi kelangan ko talaga un. Hindi ko naman sinabi na mag-sorry ka diba. Wala akong problema sayo, at wala akong boyfriend.”

“Ok, ok. Relax, alam ko na walang boyfriend kasi may asawa na.”

“Ano ba talaga gusto mo, ihatid ako o alamin ang buhay at love life ko? Di ba may girlfriend ka, hindi ka ba natatakot na makita ka niya na may kausap na ibang babae”

“Gusto ko pareho. Hindi pa pwede? Ikaw na nagsabi wala ka pareho sa dalawa. Bakit naman ako matatakot sa girlfriend ko, hindi naman ako nakikipaghalikan sa iba, hindi ko naman siya niloloko.”

“Hindi nga ba? Sa ngayon oo, hindi pa. baka kapag tumagal mangyari na. Tristan, nandito na ako sa kanto. Sasakay na ako. Iiwanan kita dito.”

“Gusto ko lang sana ng kausap. Nung isang araw kung naaalala mo, dumating yung gf ko. Nag-away kami…”

“Sabi ko na nga ba e, ano isisisi mo sa akin un..”

“Teka Alex, wala ako sinasabing ganyan. Gusto ko lang ng kausap.” Mahinang sabi nito. “sa totoo lang gusto kita makasama, mas makilala. Hindi ko alam bakit. Pero gusto ko lang sundin kung ano ung nararamdaman ko. Ngayon ko lang ginawa ito” sabi ni Tristan sa sarili niya.

Huminto si Alex sa paglalakad, nakunsensya siya sa narinig. Hindi niya alam kung bakit, pero alam niya sa sarili niya, papayag siya.

“Oo na sige na, sasama na ako. Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na masama, kung hindi lagot ka sa akin.” Iritang sagot niya “ In fairness he’s really handsome. Para siyang batang inagawan ng candy. Who can resist that look” bulong nito sa sarili.

“Talaga?!?!?!” napayakap siya bigla sa dalaga. “Sorry, sorry. Nasobrahan lang ako sa tuwa. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya. I mean…”

“Oo na, napagaan ko loob mo. Sige na kunin mo na yung sasakyan mo, ng makaalis na tayo dito. Dali bago pa magbago isip ko” ngiti ni Alex.

“Sige sige teka lang.” tumakbo si Tristan sa kanyang sasakyan. Ini-start niya ito at tinungo ang kinatatayuan ni Alex. “Get in.” at sumakay si Alex. At tuluyan silang umalis.

Chance in Finding the Answer (completed)Where stories live. Discover now