Strong Affection

745 32 184
                                    


"Ethan, ikaw ba 'yan?" Naalimpungatan si Erryn sa pagbukas ng pintuan.

"Oo," malamig na tugon ni Ethan, iwas na iwas sa matalim na tingin ni Erryn. Napatingin si Erryn sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas dose na ng madaling araw.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?"

Tinanggal ni Ethan ang kaniyang suot na puting polo at pinalitan ito ng T-shirt. Pinakiramdaman ni Erryn kung nakainom ba si Ethan, pero maayos ang galaw nito at hindi amoy alak.

"Matulog na tayo," matipid na sabi ni Ethan. Tumalikod siya sa kaniyang asawa. Labis ang kalungkutan na nararamdaman ni Erryn dahil sa ipinapakita ni Ethan. Gabing-gabi na kung umuwi ang asawa. Inisip niyang dahil hindi sila makabuo ng bata kaya nagbago ang trato ni Ethan sa kaniya.

Lingid sa kaniyang kaalaman ay napagod si Ethan na intindihin ang katigasan ng ulo niya. Hindi sila makabuo ng bata dahil ayaw niyang sundin ang utos ng doktor na mamalagi muna sa bahay at umiwas sa problema upang mabigyan ng oras ang ninanais nilang pagkakaroon ng supling. Subsob siya sa trabaho. Ginagabi rin siya ng uwi at hanggang sa bahay ay ginagawa niya ang kaniyang trabaho. Isang beses na silang nawalan ng anak at masakit iyon para kay Ethan . . . ngunit hindi nakikinig ang kaniyang asawa.

***

Erryn

"P-paanong?"

"Paano mo nalaman ang pangalan ni Mama?"

"Nabanggit sa 'kin ng Papa mo," diretsong niyang sagot.

Napatango na lang ako. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Inakala kong nakakaalala na si Ethan.

"Are you okay, Erryn?"

"Oo." Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay naguguluhan ang isipan ko.

Inilapit ni Ethan ang kaniyang mukha. I could hear the thud of my own heartbeat sounding heavily in my ears. Hinalikan niya ang aking pisngi, hanggang sa hinalikan niya ako sa aking labi. Malambot at mabagal ang kaniyang paghalik. Sinabayan ko na rin ito. Punong-puno ng pagmamahal ang bawat pagdampi ng aming mga labi. Bumitiw siya at tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata.

"Ano ba tayo, Erryn?"

Huh?

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Tayo na, 'di ba?"

Napatango ako nang dahan-dahan.

Napangiti siya sa tinuran ko. "Oo."

Muli niyang inilapit ang kaniyang mukha at naglapat ang aming mga labi. At first it was gentle, then he dived deeper. Pareho pa rin kaming nakaupo, pero sa tingin ko ay hindi magtatagal ang posisyon namin. Hinawakan niya ang aking leeg . . . it was a long warm kiss. The kiss became hungry. Dito na ipinapakita ni Ethan ang kaniyang mabangis na pagkatao. I felt the desire inside my body, oh fuck. Unti-unting bumagal ang kaniyang paghalik. It became light and sweet. Pareho naming hinabol ang aming hininga nang inilayo niya ang mukha niya.

He smiled sweetly.

Ilang sandali ay may inilabas siya sa bulsa ng kaniyang shorts. Isang red jewelry box. Katulad na katulad nito ang jewelry box na palagyanan ng engagement ring na ibinigay niya sa 'kin noon. Binuksan niya ito at hindi nga ako nagkamali . . . ito ang kaparehong engagement ring na hawak niya noon. Nabalot ng kaba ang dibdib ko kasabay ng pagkirot ng tiyan ko.

"Will you marry me, Erryn?"

Natulala ako sa tinanong niya.

Kahit pala mabura ang ala-ala namin sa isa't isa ay patuloy pa rin akong mamahalin ni Ethan. Ako pa rin ang pipiliin niya . . . ako ang nais niyang pakasalan.

The Lost MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon