Strange Vacation

1.3K 53 162
                                    

Erryn

"Erryn?"

"Tristan?"

"Magkakilala kayo?" Kitang-kita ko sa mukha ni Ethan ang labis na pagtataka. Nakatingin siya kay Tristan 'tsaka bumaling ang mga mata niya sa 'kin. Ang dami namang restaurant, pero dito pa talaga sila pumunta.

"Yes, bro. She's Architect Salazar at sa kaniya ko pinapa-design ang bahay ko," pormal na pagkasabi ni Tristan.

"Okay, tapos na ba kayo?" seryosong tanong ni Ethan. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at parang uling na madilim ang kanyang mga mata na anumang oras ay parang aapoy.

"Yeah, we're almost done. Why?" Magaling pala mag-pretend itong si Tristan dahil parang normal lang sa kaniya ang lahat.

"Iuuwi ko na ang asawa ko," madiing pagkasabi ni Ethan.

What!

Namilog ang mga mata ko. Galit ba siya? Sumimangot naman ang mukha ng kasama niya.

"How about me?" pasinghal na tanong ni Belle at nagpadyak siya ng kaniyang paa sa sahig.

"I can call a taxi for you."

"Sabay tayong pumunta tapos hindi mo ako ihahatid?" Kulang na lang ay dumapa siya sa sahig at umiyak.

"Ihahatid na lang kita, Belle." Tumayo na si Tristan.

"Thank you, Mrs. Salazar," parang diniinan niya ang pagkakasabi niya ng 'Misis'. "It's my pleasure to be with a beautiful lady tonight. Just call me kapag tapos na 'yong plano so we can go to Cavite."

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya. Hindi na ako nakaimik at hinila na niya si Belle na umaangal pa palabas ng restaurant. Naiwan akong nakaupo kasama si Ethan na hindi pa rin gumagalaw mula sa kinatatayuan niya.

"Let's go home."

💍

"Ano'ng pinag-usapan n'yo ni Tristan?" Bigla na lang nagsalita si Ethan na kanina pa tahimik habang nagda-drive.

"About work." Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. Mapapadalas ba ang ganitong sitwasyon namin?

"I didn't see it in that way. Parang matagal na kayong magkakilala." May inis akong nararamdaman sa boses niya.

Dapat nga tayo ang magkasama kasi anniversary natin. I mentally scolded myself. Hindi na lang dapat ako sumasagot sa isip ko.

"Erryn . . ."

"What?"

"Bukas na ang outing natin. Sa beach ang destination at tatlong araw tayo, so we should pack our bags later."

"Okay."

Hindi talaga ako excited sa outing na 'yan. I love to swim but frankly, kung makikita ko rin lang si Belle ay napupuno na ng inis ang sarili ko. Pakiramdam ko ay umuusok na ang ilong ko.

"Happy Anniversary."

Tama ba ang naririnig ko? Napatingin na ako sa kaniya.

"What are you doing, Ethan? I don't want to play games with you." Ramdam ko ang garalgal kong boses.

"Erryn . . ." malambot niyang pagkasabi sa pangalan ko.

"'Di ba, matagal mo nang sinarado ang pinto mo para sa 'kin. Naging busy ka sa trabaho mo at umuuwi ka ng gabing-gabi kapag tulog na ako. Paggising ko, wala ka na dahil nakaalis ka na at pinalampas mo ang third anniversary natin. You don't care about me! I tried to reach out for you kahit pakiramdam ko ay nilalayuan mo 'ko, tapos sinisi ko ang sarili ko. Then all of a sudden, nagpapaka-asawa ka sa akin. What do you want!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now