Precious Memory

764 32 134
                                    

Erryn

Kapag tahimik ang gabi, kung anu-ano ang aking naiisip.

Ito na siguro ang pinakamabigat na gabi para sa akin. Gusto ko lamang tumitig sa kawalan. Hindi ako makatulog dahil binabagabag ako ng mga sinabi sa akin ni Papa. Bukod do'n, natatakot ako, nangangamba ako para sa 'min ni Ethan.

Kahit papaano ay naging bahagi na ng buhay ko si Ethan. Kung ang Erryn na noon ang naririto ay marahil mas pinili ko na lang lumayo para walang mamatay sa amin, pero ngayon ay gusto kong ipaglaban ang aming pag-ibig. Tama bang ipaglaban ko ito kung alam kong buhay namin ang nakasalalay? Gusto kong manindigan sa aming relasyon, pero kaakibat ng paninindigan ko ay ang katatagan ko . . . ang manalo sa laban namin kay Deyanira.

Bakit kami pinaghiwalay ni Deyanira? Wala nga bang kapalit ang ginawa niya?

Mahimbing na natutulog si Papa sa katapat kong kama. Hindi ko mawari kung malalim ba ang tulog niya dahil nakakunot ang kaniyang noo. Mas lalo akong napakapit sa aking kumot.

I'm afraid . . .

Ang mga rebelasyong sinabi ni Papa ay tila mga tusok na sabay-sabay na tumama sa likuran ko. Napapikit na lamang ako habang muling naglalaro sa isipan ko ang mga rebelasyon na sinabi niya.

"Papa, paano n'yo po nalaman ang lahat ng ito?"

Napatingin siya sa bintana. Nakikita ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Muli siyang napatingin sa akin.

"Dahil biktima rin kami ng mama mo ng kapangyarihan ni Deyanira," malungkot niyang pagkasabi, sabay yuko ng kaniyang ulo habang nakatitig sa kaniyang mga kamay.

Napahawak ako sa aking bibig.

"Ano?"

"Pinaghiwalay rin kami ni Deyanira dahil nagkakalabuan ang aming relasyon noon, pero hindi nagtagal ay nagtagpo ang aming landas at nabuntis ko ang iyong ina."

What the fuck! Hindi ko maiwasang maging emosyonal sa mga nangyayari.

Damn you, Deyanira!

"Paano n'yo po nalaman ang tungkol kay Deyanira?"

Muli siyang napatingin sa 'kin, namumula ang kaniyang mga mata. "Noong namatay ang mama mo ay bumalik ang ala-ala ko. Bumalik din ang sa kaniya, ngunit huli na ang lahat. Bigla na lang siyang nanghina at namatay. Naghanap ako ng makatutulong sa akin para malaman kung sino si Deyanira. Hanggang sa may nahanap akong isang magaling na manggagamot na nakakakilala kay Deyanira . . . Si Elena. Hindi lang siya manggagamot, kilala niya ang mga espiritong naghahasik ng lagim. Bihasa siya sa mga bagay na tungkol sa espiritwal lalo sa mga may masasamang hangarin. Siya ang naglahad ng mga nalalaman ko ngayon tungkol sa kaniya."

Pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang dalhin lahat sa puso ko. For how many years ay itinago niya ito. "Kung gano'n, Papa, ibig sabihin ay hindi namatay si Mama sa panganganak sa akin, kundi pinatay siya ni Deyanira?"

Napatango lamang siya.

Oh my god!

Nakaramdam ako ng galit sa puso ko. Napakuyom ang aking kamao. Nawalan ako ng ina dahil sa babaeng 'yon. Hayop siya! She's so stupid on her mistakes in the past, tapos gusto niyang mag-suffer ang mga nag-aaway na mag-asawa. Ang tanga niya! Bullshit!

"Oo, anak, kaya mag-iingat ka. Hindi mo dapat sabihin kahit kanino ang sinabi ko, kahit sa sarili mong asawa. Kailangan mong mahanap ang taong humiling kay Deyanira at makuha ang dasal na kaniyang ginamit. Kapag napasa 'yo ang dasal para kay Deyanira ay dalhin mo ito sa simbahan at ipasunog sa isang pari. Kapag ginawa mo iyon ay tuluyang mapupunta sa impyerno ang espirito ni Deyanira at matatapos na ang kaniyang mga sumpa . . . sa 'yo at sa mga mag-asawang naging biktima niya."

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now