Peculiar Attraction

915 34 169
                                    

Erryn

"Erryn . . ."

Inangat ko ang ulo ko nang may tumawag sa 'kin. Nakatayo ngayon sa aking harapan ang isang lalaking hindi ko inaasahang darating.

Ethan . . .

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang aking mga palad. Nahihiya ako sa hitsura ko ngayon, pero wala na akong pakialam.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Kailanman ay hindi kami nakapag-usap kaya naiilang ako sa kaniya.

Bakit niya ako sinundan?

"Hindi mo ba naisip na p'wede kang mapahamak dito? Someone will take advantage of you." Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. Instead of answering me ay nagawa pa niya akong pangaralan.

And so? "Alam ko."

Napabuntonghininga siya.

"Nag-away ba kayo ni Chyna?"

Ano naman sa 'yo? "It's none of your business." Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko nagugustuhan ang pupuntahan ng pag-uusap naming ito.

"You're so stubborn, Erryn."

Biglang sumikip ang dibdib ko. Ang boses niya . . . ang sinabi niya . . . pamilyar.

Napakuyom ang aking kamao. "Kung wala kang magandang sasabihin, can you please go away?"

Nag-uumpisa na akong mairita sa kaniya. I am struggling to maintain my composure right now.

Nagulat na lamang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at napayuko sa harapan ko. Bumilis ang pintig ng aking puso, sa sobrang lakas nito ay siguradong naririnig din niya. Ang lapit ng mukha niya sa akin at ang kaniyang mga mata ay diretso lang na nakatingin sa aking mga mata. I can already see my reflection in his eyes.

"A-anong g-ginagawa mo?" Nanginginig ako. Naaamoy ko pa ang kaniyang pabango. Nakakapanghina. Bakit ba siya nandito?

'Di ako makagalaw. Pakiramdam ko ay nakatingin ako sa aking sarili. What's happening?

"Paano kung may gawin ako sa 'yo sa mga oras na 'to? Kaya mo bang lumaban?" Naramdaman ko ang pagtayo ng aking mga balahibo. Para akong sumakay sa ferris wheel dahil ramdam ko na parang lalabas ang aking kaluluwa.

"H-hindi."

Dahan-dahan niyang inilayo ang sarili niya sa 'kin 'tsaka siya tumayo. "That's what I'm telling you, so kung ako ikaw—umuwi ka na."

Napapikit ako sa inis. Tumayo ako at tiningnan siya nang matalim. "Nakakainis ka!"

Ngumisi lang siya at tila wala lang sa kaniya ang reaksyon ko. Ang hambog! Tinalikuran ko na siya at naglakad ako pabalik ng apartment. Wala akong pakialam kung sumusunod siya o hindi basta ang alam ko ay kumukulo ang dugo ko ngayon.

Nanlaki ang mga mata ni Manong Henry nang makita ako. Binilisan niyang buksan ang gate at hindi na rin siya nagsalita. Binuksan ko agad ang pintuan ng unit namin at isinara ko nang malakas. Napasandal ako sa pintuan habang hawak ko ang aking puso.

Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pagkabog nito. What's happening to me?

I swear . . . this is the first time na naramdaman ko ito. Alam kong binibiro lamang niya ako para bumalik na rito sa apartment, but I can feel something is different . . . or baka nililinlang ako ng aking puso?

The feeling . . . seems. . . familiar.

"Erryn. . ."

Bumalik ako sa aking kamalayan nang tawagin ako ni Chyna.

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now