Ridiculous Jealousy

866 34 199
                                    

Erryn

"What the hell are you doing, Belle?" pagalit na pagkasabi ni Ethan. Itinulak niya si Belle kaya napaatras ito nang kaunti at muntik nang mawalan ng balanse.

"S-sorry Ethan, nadala lang ako."

"Don't kiss me like that! Wala tayong relasyon," iritadong pagkasabi ni Ethan. Halos magdikit na ang kaniyang dalawang kilay.

Kasalukuyan pa rin kaming nakatayo ni Tristan sa bungad ng gate. Dumidilim na at mukhang hindi nila kami napansin ni Tristan. Ilang beses nag-flashback sa utak ko 'yong magkadikit nilang labi.
Mabuti na lang at agad akong nakabangon sa aking pagkabigla.

"Tristan, papasok na ako sa loob. Thanks for the ride."

Gusto ko nang pumasok sa loob para matanggal ang bagong sinding apoy na nararamdaman ko sa puso ko.

"Wala 'yon. Basta alalahanin mo sana ang sinabi ko."

Napatango lang ako. Biglang napatingin sa amin sina Ethan at Belle.

Dati, gustong-gusto ko ang apartment na ito dahil kahit nasa siyudad ako ay tahimik ang paligid. Bukod sa malapit sa aking pinagtatrabahuan ay nagustuhan ko rin dito dahil malawak at may parking lot. Ngunit ngayon ay nakakawala na ng gana tumira dito. Kung itong dalawa ang parati kong makikita ay dapat ko na yatang umpisahang maghanap ng panibagong tirahan.

Lumapit si Tristan kina Ethan at Belle. "Bro," bungad niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Ethan.

"Hinatid ko lang si Erryn."

Napatingin sa akin si Ethan habang ang kasama naman niya ay hindi na naman maipinta ang mukha. Umiwas agad ako ng paningin. Naiinis ako sa nakita ko kanina. Mabuti na lamang at hindi ito ginusto ni Ethan.

Bakit ba kung ginusto niya o hindi? Buhay nila 'yon. Wala ka na dapat pakialam. What's wrong with you, Erryn? Para talaga akong tanga.

"Mauuna na ako sa loob. Salamat, Tristan." Hindi ko na tiningnan pa ang dalawang taong sumira ng gabi ko. Sa totoo lang ay kating-kati ang mga kamay kong manampal. Bakit masyado naman akong affected? Bakit ang bigat sa dibdib?

"Goodnight, Erryn. Tatawagan kita mamaya." Napatango na lang ako bilang tugon. Bago ako pumasok ay nahagip ng aking mga mata ang titig ni Ethan.

Please, don't stare at me like that. Damn.

Nang maisara ko ang pinto ay muli akong napahawak sa aking dibdib. Ang sakit sa pakiramdam na halos nararamdaman ko na ang kirot sa buong katawan ko.

Ano ba'ng nangyayari sa akin?

"Okay ka lang, beh?" tanong ni Chyna. Kalalabas lang niya ng banyo. Nakaimpake na rin siya ng kaniyang mga gamit. Bigla akong nalungkot dahil maiiwan akong mag-isa rito.

Lumapit siya sa 'kin. "I'm sorry, Erryn."

Tumango lang ako. Wala rin akong magagawa dahil buo na ang kaniyang desisyon.

"Ipakikilala ko sa 'yo si Julio."

"Okay, pero hindi ibig sabihin na gusto ko na siya para sa 'yo. Basta panindigan mo 'yang desisyon mo. Baka mamaya, dahil sa padalos-dalos mong desisyon ay magsisi ka at madamay ang mga magiging anak ninyo. Dapat munang maging matatag ang mag-asawa para maibigay sa anak ang dapat na pag-aaruga."

Napangiti siya kahit na alam niyang nakasimangot ako. Nakikita kong napakasaya niya. "Oo, Erryn. Tatandaan ko ang sinabi mo. Kung magkakamali man ako ay tatanggapin ko. Pipilitin kong maging mabuting ina sa aking mga magiging anak." Napayakap siya sa akin nang mahigpit.

Masakit man ay kailangan kong mag-let go. Mahal na mahal ko siya kaya kailangan kong magtiwala sa desisyon niya.

"Hindi ka pa ba aalis?" Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko. Alam kong anumang oras ay muli na naman akong luluha.

"Aalis na ako, pero hinihintay kita. Mag-iingat ka rito, Erryn."

Ang hirap magpaalam sa taong bumubuo ng araw ko, ang taong palaging nakikinig sa mga saloobin ko at higit sa lahat ay iniintindi ako.

"Ikaw rin."

Nang bumitiw siya ay napasilip siya sa bintana. "Sino ang lalaking 'yon?"

Tiningnan ko ang taong tinutukoy niya. "Si Tristan Castillo, client natin na nagpapagawa ng bahay."

Namilog ang mga mata niya.

"Siya ba ang tinutukoy ni Engineer Gomez? Totoo nga ang sabi niya—ang guwapo!" Napatakip pa siya ng kaniyang bibig na parang nanalo sa isang beauty contest.

Hay, Chyna, malapit ka na ngang ikasal.

"Alam mo, beh, kanina pa nand'yan 'yang babaeng kasama ni Ethan. Sinungitan nga niya ako kanina no'ng binigyan ko ng ulam si Ethan."

Ang pangit pala talaga ng ugali ng babaeng 'yon. "Ano'ng sabi ni Belle sa 'yo?"

"Belle ba ang pangalan niya? 'Di niya bagay lalo magaspang ang ugali niya."

Napahawak ako sa aking tiyan dahil bigla akong natawa.

"Ang sabi niya ay 'wag ko raw hatiran si Ethan ng ulam."

"Hayaan mo na lang," sambit ko.

Hindi ko rin alam kung sa'n humuhugot ng kakapalan ng mukha si Belle para angkinin si Ethan.

ILANG sandali ay nakita kong umalis na sina Tristan at Belle. Pumasok na rin sa kaniyang unit si Ethan.

"Nagpaalam pala ako kay Ethan kanina at sinabi kong aalis na ako para magpakasal. Sabi ko bantayan ka niya rito."

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya nang napakatalim.

"Chyna! Bakit mo naman sinabi 'yon!"

Napangiti siya—isang ngiting mapang-asar.

"Alam mo ang sagot niya?"

"Ano?"

"O, bakit gusto mong malaman?" Mas lalong lumawak ang kaniyang nakangising labi.

"Bahala ka na nga." Naglakad ako papunta sa aking desk. Umupo ako habang s-in-i-switch ko ang aking laptop.

Napatigil ako sa aking ginagawa nang muli siyang nagsalita, kumakanta ang mapang-asar na tawa niya sa tainga ko.

"Sabi niya . . . siya na raw ang bahala sa 'yo."

💍

The Lost MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon