Perplexing Question

658 34 187
                                    

Erryn

"Anak, ano'ng nangyari sa inyo ng asawa mo?"

Ano? Sa tagal ba naming hindi nagkita ay akala niyang nag-asawa na ako? Magsasalita sana ako nang may biglang may kumatok sa pinto. Napatingin kami ni Papa sa isa't isa. Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan.

Pumasok ang isang taong tanging nakapagpatibok ng puso ko.

Ethan.

Parang ang tagal na naming hindi nagkita. Napakaguwapo talaga niya. Nakasuot siya ng suit and tie na ginagamit niya sa pagpasok sa opisina.

Napatango lamang si Papa kay Ethan at saka siya lumabas. Naiwan lamang kami ni Ethan. Pag-aalala ang makikita sa kaniyang napakaguwapong mukha. Inilapag niya ang dala niyang malaking paper bag sa sofa 'tsaka lumapit sa akin para yakapin ako.

Oh Ethan . . .

Pinilit kong ngumiti kahit ramdam kong nais ng aking mga mata na lumuha dahil muli ko siyang nakita. Nang matapos niya akong yakapin ay umupo siya sa tabi ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Na-miss ko ang boses niya. Kahit malalim ay magaan sa pandinig.

"Masakit pa rin ang ulo at likod ko, pero okay naman ako."

Napatango siya 'tsaka ngumiti. Kinuha niya ang brown paper bag na dala niya at inilabas niya ang dalawang pares ng medyas.

"I brought you a pair of socks." Isinuot niya sa mga paa ko ang medyas. Ngayon ko lang din napansin na hindi gamit ng ospital ang kumot ko at pati ang unan.

"Gusto kitang maging komportable. Dinalhan kita ng kumot at unan. Dinalhan ko na rin sina papa mo at si Kuya Bonnie ng mga unan nila at kumot. Nagdala na rin ako ng vacuum flask para may paglagyan sila ng mainit na tubig at mga pagkain para hindi sila mahirapan dito. Nasa repair shop na rin ang kotse mo. Nasira 'yong buong harapan, pero may insurance naman. If you want, I'll get you a brand-new car."

Hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya. Tumayo siya at kinuha sa gilid ng table ang remote ng aircon. "Masyado ka bang nilalamig? I-a-adjust ko lang."

"Ethan . . ."

Napatingin siya sa akin.

"Yes?"

"Salamat."

Napangiti siya nang napakatamis at lumapit sa tabi ko. "You're welcome, Erryn. No worries, okay? Isipin mo na lang na magiging maayos ka na." Hinaplos niya nang marahan ang aking noo.

Napatango ako. Kahit hindi naging maganda ang first impression ko sa kaniya dahil sa kaniyang malamig na pagkatao ay lagi naman niyang napapagaan ang loob ko.

"Ethan, about sa sumusunod sa akin, nalaman n'yo ba kung sino?"

Umupo siya sa gilid ng aking kama. Parang dismayado ang mukha niya. "Wala kaming nakuhang lead." Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry, Erryn, nakipagtulungan na ako sa mga pulis."

"Salamat, Ethan."

"I will protect you. . . I promise."

💍

"Ethan, busog na ako."

Ang dami ko nang nakaing prutas. Kanina pa ako ipinagbabalat ni Ethan ng apples at oranges. Iniligpit niya ang mga prutas, 'tsaka siya lumapit sa akin.

"P'wede ka na raw umuwi bukas. Sasamahan ko kayo."

Ang sweet niya. Ganito pala 'pag na-inlove siya.

"Salamat sa lahat-lahat."

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now