Boastful Introduction

382 14 0
                                    

Erryn

Kanina ko pa tinititigan ang oras sa aking cellphone. Halos mag-iisang oras na kaming naghihintay ni Tristan sa pagdating ni Chyna at ng kaniyang mapapangasawa na si Julio. Bakit ba wala pa sila?

Luluwas sana si Papa ngayon dito sa Manila, pero hindi natuloy dahil walang magbabantay sa kainan. Nagkaroon kasi ng emergency sina Kuya Bojie at Kuya Bonnie. Hindi na rin ako nakadalaw kay Papa dahil sa dami ng trabaho ko. Pinagsasabay ko kasi ang tatlong site na iniwan ni Engineer Gomez.

Sabado ngayon at ideya ni Chyna na magkaroon kami ng double date. Labag man sa loob ko ay kailangan kong makilala ang kaniyang mapapangasawa.

Pinayagan ko na rin manligaw sa akin si Tristan. Isang linggo mula nang pumayag ako ay hindi ko pa rin alam kung tama ang desisyon kong buksan ang puso ko para sa kaniya.

Alam kong kailangan ko na ring tumanggap ng manliligaw dahil baka mapag-iwanan ako ng panahon. Mabait at mabuti siyang kaibigan. Kung kaya ko lang turuan ang puso kong mahalin siya ay tatanggapin ko siya nang buong-buo, pero hindi iyon ang problema—ang problema ay hindi ko maintindhan ang sarili ko.

"Nandito na sila," bulong ni Tristan sa akin.

Palapit ngayon sa amin si Chyna kasama ang isang lalaking nasa edad trenta pataas. Kapareho niya ng hairstyle si Tristan na faux hawk. Ang kaniyang mukha ay biluging pahaba. Ang kaniyang kilay ay makakapal at ang mga mata ay malalaki. Pabilog naman ang kaniyang ilong at ang kaniyang labi ay makapal din. Ang kaniyang taas ay medyo may kaliitan, mas matangkad pa si Chyna sa kaniya at malaki ang kaniyang pangangatawan. Ang laki rin ng gold necklace niya. Hindi rin nakalampas sa mga mata ko ang gold watch niya.

Seriously Chyna? Sa dinami-rami ng nakarelasyon mo?

Hindi ako mapanglait na tao, higit kong tinitingnan ang pag-uugali kaysa hitsura, pero nagtataka lamang ako dahil hindi ang tulad niya ang tipo ni Chyna.

"Ikaw ba si Erryn?"

"Ako nga." Pinipilit kong maging maayos sa harapan nila para kay Chyna.

Kaya mo 'to, Erryn!

Naupo na sila sa harapan namin. Puno ng saya ang mga mata ni Chyna at parang iyon ang nagbibigay sa akin ng dahilan para pakisamahan ko si Julio. This is for you . . . my bestfriend.

"I'm Julio Chavez, I'm Chyna's fiance," confident niyang pagkasabi. Inabot niya ang kaniyang kamay sa harapan ko.

"Ako naman si Erryn Quinto and this is Tristan Castillo." Nakipagkamay rin siya kay Tristan.

Napakatipid niyang ngumiti at kahit relax lang ang mukha niya ay lumiliit ang mga mata niya kaya mukha siyang galit.

NAG-UMPISA na kaming mag-order ng pagkain. Mukha namang mabait si Julio, pero napansin kong madaldal siya at masyadong mahaba ang credentials na ipinagmamalaki niya sa 'min. Isa siyang entrepreneur sa larangan ng real state.

Natigil ang pagkukuwento ni Julio nang mapatingin kami sa isang waitress na bigla na lang napatid at naibuhos ang dala-dala nitong mga juice sa damit ni Julio. Hindi ko maiwasang mapanganga sa kinauupuan ko.

Napatayo sa inis si Julio at marahas na ibinato ang table napkin sa harapan niya. "Bobo ka ba? Napakamahal ng damit ko tapos sisirain mo lang!" Napatingin sa amin ang ibang kumakain at naging tahimik ang paligid.

Oh my god!

"S-sorry po s-sir . . . h-hindi ko po sinasadya," nanginginig na pagkasabi ng waitress. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya. Pupunasan sana niya ang suit ni Julio, kaso humakbang paatras si Julio. Tinulungan naman ni Chyna sa pagpupunas ang kaniyang fiance.

"Goddamnit! Bakit ba kasi may mga bobong tulad mo! Sa susunod ayusin mo ang trabaho mo! Baka gusto mong mawalan ng trabaho!"

Tatayo na sana ako para tulungan ang waitress, pero hinawakan ni Tristan ang kamay ko. Mabilis namang dumating ang dalawa pang waiter at tinulungan ang babae.

"I'm sorry about that, ang hirap kasi sa mga hindi nakapag-aral ay umaabot ang kabobohan nila sa trabaho nila," naiiritang pagkasabi ni Julio.

Wow ha!

"Are you okay, honey?" nag-aalalang tanong ni Chyna sa kaniya.

"Hindi. Sinira niya ang araw ko! Mahirap na nga, tanga pa!"

Nagpanting ang aking tainga sa narinig ko. Ang sama pala ng ugali nito!

"Wala kang karapatan para insultuhin siya nang gano'n. Maaaring may nagawa siyang mali kanina, pero hindi niya 'yon sinasadya!" Tumayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ko kayang makaharap ang taong ito. Muling natuon ang atensyon ng ibang taong kumakain sa amin. May nakita akong lalaking naglabas ng kanyang cellphone at kinuhanan ako ng video. Sa mga oras na ito ay hindi ako tinatablan ng hiya. Gusto kong turuan ng leksyon ang taong ito kahit ano pa ang sabihin ni Chyna. Kung ganitong klaseng tao ang mapapangasawa ni Chyna ay hindi ko matatanggap.

"Maaaring mas mababa siya sa 'yo dahil edukado ka, pero hindi 'yon dahilan para insultuhin mo siya. Minsan, kung sino pa ang mga taong may pinag-aralan ang nagmumukhang mga mangmang! Binabatay mo ang respeto mo sa kung ano ang estado o trabaho ng isang tao. Nakakahiya ka! Tandaan mo, lahat tayo ay mamamatay, pantay-pantay lamang tayo! Hindi ka mamamatay na mayaman. Mula sa abo, babalik ka rin sa abo!"

Napanganga na lamang si Julio.

"Erryn . . ." Napatingin ako kay Chyna na kasalukuyan ngayong lumuluha. Biglang nadurog ang puso ko. Shit!

"Umalis na kayo, Erryn! Wala kang kuwentang kaibigan!" Umalingawngaw ang sigaw ni Chyna sa loob ng restaurant. Hindi ko akalaing kaya niyang kampihan ang lalaking ito. Bulag na ba siya?

What the hell?

"Aalis ako pero tandaan mo . . ." buong tapang kong sabi sa kaniya ". . . kaawaan mo ang mga magiging anak mo kung ganitong klase ng tao ang magiging ama nila!"

Nagmadali na akong lumabas. Hindi ko na sila nilingon. Agad namang sumunod sa akin si Tristan. Kumawala ang aking mga luha dahil hindi ko akalaing mababalewala lamang ang pinagsamahan namin ni Chyna mula pagkabata.

Sumakay na kami ni Tristan sa kaniyang sasakyan. Alam kong iuuwi na niya ako. Hindi siya nagsasalita at hinahayaan lamang niya akong umiyak. Mabuti na lamang at naiintindihan niya ako. Sa ngayon ang kailangan ko ay katahimikan—hindi ang magpapatahan sa akin.

NANG makarating kami sa apartment ay pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay. Hindi na ako umiiyak, pero ramdam ko pa rin ang sakit.

"Erryn . . ."

"Pasensiya ka na, Tristan." Napayuko ang aking ulo.

"I admire you for saying those words to Julio."

Napatingin ako sa kaniya. "Sana ganyan din si Chyna."

"She will soon realize her mistake, Erryn."

"Sana nga."

Inilibot ni Tristan ang kaniyang paningin sa loob ng apartment ko, 'tsaka niya ako muling tiningnan.

"Aalis na ako. Okay ka lang ba rito?"

"Yeah. Thank you, Tristan."

Napangiti lamang siya. "Ayaw sana kitang iwan, pero you need to rest."

"Okay lang ako, salamat."

NANG umalis siya ay napaupo ako sa aking kama. Napahawak na lamang ako sa aking mga pisngi habang nakatingin sa pinto.

Ouch, Chyna. Paano na ang aming pagkakaibigan?

Kinuha ko ang unan at niyakap ko ito nang mahigpit. Hihiga na sana ako nang may biglang kumatok sa pintuan.

Tumayo ako para pagbuksan kung sino man ang taong ito.

"Erryn . . ."

💍

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now