Seeking Answers

721 31 185
                                    

Erryn

"Erryn . . ."

Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang makita ko siya. Naalala ko ang mga panahong nakilala ko siya bago ako nawalan ng memorya.

"Tristan, ano'ng ginagawa mo rito?"

Araw ng Linggo ngayon at mukhang dadalaw talaga siya rito. Nakasuot siya ng itim na v-neck T-shirt at dark blue na walking shorts. As usual, maayos sa sarili si Tristan, parang modelong pupuntang mall.

"Dinadalaw ka. Umalis na ba si Tito?"

Napatango ako. Niyaya ko siya sa loob ng aking unit at pinaupo ko siya sa aking maliit na dining table.

"Sayang naman, hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya," malungkot niyang pagkasabi.

"Okay lang naman. Hinatid siya ni Ethan."

Nakita kong naningkit ang mga mata niya nang mabanggit ko ang pangalan ni Ethan.

"Tristan, can I ask you a question?"

"About what?"

"About you and Ethan. Nag-away ba kayo?"

Napaiwas siya ng tingin. "No, we're not. Masyado lang akong busy these past few days and alam mo naman, mailap si Ethan kaya hindi kami masyadong nakapag-uusap."

Napatango na lang ulit ako.

I know you are lying.

"Can I ask you a question too?"

"Shoot."

"Do you like Ethan?"

Nanlaki ang mga mata ko. Obvious na ba ako?Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Papa.

Huwag kang magtitiwala kahit kanino.

"Hindi." Kailangan kong magsinungaling.

Napangiti siya. "You deserve someone better, Erryn."

Kakasabi ko lang na hindi. Bakit ba niya pinagpipilitan?

"I don't deserve anyone if I am not capable of knowing love. Love starts within us. So bago mo sabihing I deserve someone better, I should learn to love."

"Yeah, you're right."

There was something peculiar in the way he smiled.

"I can teach you how to love."

Bigla tuloy akong na-awkward.

"Hindi itinuturo ang pagmamahal, Tristan. Kusa natin itong nararamdaman at ito ang magtuturo mismo sa atin ng kaniyang pamamaraan."

He stared at me in silence. Makahulugan ang pagtitig niya. Para siyang mangangain ng tao. Akala ko ay hindi na siya magsasalita.

"Erryn . . ." malumanay niyang pagbigkas sa pangalan ko. Pumikit siya at nang ibuka niya ang kaniyang mga mata ay bumalik ang maamo niyang pagtitig.

"I'm sorry, Erryn."

Napakunot ang noo ko.

"Ha? Bakit?"

"Nothing . . . I just want to say sorry."

💍

BINUKSAN ko ang aking notebook at pilit kong iniisip ang mga taong konektado sa amin ni Ethan. Blanko pa rin ang unang page nito.

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now