Clandestine Investigation

648 33 148
                                    


"Huminto ka na lang kayang magtrabaho? Three months ka nang nagdadalang tao. Baka may mangyari sa 'yong masama at sa bata?" nag-aalalang pagkasabi ni Ethan sa kaniyang asawa.

Kararating nina Ethan at Erryn galing sa trabaho.

"Kaya ko pa naman besides, ano'ng gagawin ko rito? Tutunganga buong araw?"

Hindi na alam ni Ethan kung paano niya kukumbinsihin ang kaniyang asawa. Marahas niyang niluwagan ang kaniyang kurbata.

"Maselan ang ipinagbubuntis mo. Kung mabuburyo ka rito sa bahay ay p'wede ka namang gumawa ng ibang bagay. Do your hobbies just like before."

Umupo si Erryn sa sofa at hinawakan ang kaniyang nagsisimulang umumbok na tiyan. Sumunod na umupo si Ethan sa tabi niya at hinawakan ni Ethan ang kaniyang kamay.

"Don't worry about me, love. Hihinto rin ako."

Napabuntonghininga si Ethan. Pinilit na lang niyang ngumiti kahit na nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ng kaniyang asawa. "I'm just worried about you, love."

"I will take care of myself and our baby. Don't worry, Ethan."

***

Erryn

"You're nervous?" tanong ni Ethan. Nandito kami sa loob ng kaniyang kotse papunta sa restaurant kung saan kami makikipagkita kay Mr. Reginald Delos Reyes—ang taong nag-imbestiga sa pagkamatay ni Chyna.

"Yes, I am. Finally, parang mabubunutan ako ng tinik. Chyna deserves the justice and the truth will set her free."

Hinawakan niya ang aking kamay. Dahil sinundan ako ni Ethan noong gabing nakipagkita ako kay Julio ay napakinggan na rin niya ang pagdepensa at paghingi sa akin ng tulong ni Julio na malinis ang kaniyang pangalan. Truthfully, wala sana akong pakialam kay Julio dahil masyado siyang mapagmataas noong una kaming nagkita, pero kung hindi talaga siya ang pumatay sa kaibigan ko ay hindi niya deserve ang buhay na patago-tago. Mahigpit pa rin siyang pinaghahanap ng mga pulis dahil sa utos ng pamilya ni Chyna. Kahit sinong tao ay siya ang ituturong primary suspect dahil siya ang live-in partner na kakikilala pa lang ni Chyna. So the truth is not only for Chyna, but for Julio as well.

The punishment must be given to the one who was behind it. The killer . . . and the big question is—what is the reason? Walang kaaway si Chyna. Yes, she is fond of dating men in any walks of life, in any age, pero 'pag alam niyang off-limits ay tinutuldukan na niya agad ang getting to know process nila. She was kind, lovable and funny at siya ang ice breaker sa office because of her humorous personality.
Pero siyempre, malalaman lang kung totoo ang sinasabi ni Julio once na makausap namin si Mr. Delos Reyes.

Pinisil-pisil nang kaunti ni Ethan ang aking palad. Napatingin ako sa kaniya and he gave me a reassuring look that everything will be fine.

I hope so.

***

"Ano'ng balita, Reggie?" tanong ni Ethan kay Mr. Reginald Delos Reyes.

Walang reaksyong nagsalita si Mr. Delos Reyes. "Hindi si Julio ang salarin."

Napasandal sa kaniyang upuan si Ethan. Hindi ako nagulat sa sinabi ni Mr. Delos Reyes, pero gusto ko lang marinig sa kaniya ang katotohanan.

Tama nga ang hinala ko. Fuck.

May mga hawak na papeles si Mr. Delos Reyes na isa-isa niyang inilabas.

"Gabi nang makitang patay si Ms. Chyna Perez sa isang parking lot. Pasakay siya sa kaniyang kotse mula sa condominium na tinitirhan ni Mr. Julio Chavez."

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now