Affectionate Kiss

754 31 208
                                    

Warning: Slight Mature Content

Erryn

"Ethan, ano'ng ginagawa mo?"

Hindi na ako nakagalaw nang bigla niya akong hinalikan sa labi.

What the hell?

The unexpected kiss is very passionate. Tila bihasa siya sa paghalik. Sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang ganitong bagay na akala ko ay hanggang sa panonood ko lang ng mga pelikula makikita. The feeling is overwhelming and it excites me in a way na para akong lumilipad sa alapaap. Sa una ay parang mabagal hanggang sa bumibilis. Naramdaman ko na lang ang labi ko na sinasabayan ang sa kaniya.

Oh gosh . . . this feeling seems familiar.

This is my first kiss yet it's like living in a memory.

Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay sa aking likuran. Ang kaniyang paghawak sa akin ay parang iniingatan niya ako na tulad ng isang mamahaling babasaging bagay, pero may diin ang kaniyang paghalik. Bawat pagtama ng kaniyang dila sa loob ng aking bibig ay nagpapahiwatig ng isang mabangis na pagkatao ni Ethan. I am lost in the ecstacy of this sudden kiss. Fucking shit!

I like the taste of his soft lips. He's biting and sucking my lips gently. Para siyang uhaw na uhaw sa isang halik. Sa mga sandaling ito ay tila huminto ang oras para sa aming dalawa. Lalo ko pang naramdaman ang pagkabog ng dibdib ko na tila gusto nang makawala sa aking katawan. Nararamdaman ko ang aking mga tuhod na nanghihina. He invaded all of my senses.

Naramdaman ko na lang na dahan-dahan niya akong itinutulak, pero hindi niya binibitiwan ang labi ko. Oh god . . . this is insane! The kiss became more and more intense! The smell of him was hypnotic beyond reason.

Naramdaman ko na lang ang malambot kong kama, nakahiga na ako at nakaibabaw siya sa akin. Oh shit! I am so turned on right now. Instead of ending the kiss, he skillfully caressed my body and increased its intensity and desperation.

"Ma'am Erryn . . . Ma'am Erryn . . ." May kumakatok sa aking pintuan.

"Oh fuck!" sambit ni Ethan.

Tumayo siya at napatitig sa akin. Nanlaki ang aking mga mata sa aming ginawa.

"I'm sorry, Erryn." Yumuko siya sa harapan ko. Bumangon ako at umupo. Namumuo ang mga luha sa aking mga mata, hindi dahil sa kalapastanganan niyang ginawa kundi sa pakiramdam na hindi ko maintindihan.

I felt alive.

Ito ba 'yong sinasabi nilang nabuhay ang katawang lupa?

"I'm sorry, Erryn," muling pagkasabi ni Ethan. Nakikita ko sa mga mata niya ang . . . pagsisisi?

Napayuko ang ulo niya.

No please no.

"Gusto kita, Ethan."

Oh my god, sinabi ko ba 'yon?

Napatakip ako ng bibig. Noong nakaraan ay halos tawanan ko si Belle for making the first move, tapos ngayon ay ako rin pala ang magsasabi? Erryn!

Napangiti siya, isang ngiting nagdala sa akin ng matinding saya. I've never felt so good. Magsasalita sana siya, pero muling may tumawag sa pangalan ko mula sa labas ng pintuan.

Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad si Manong Henry.

"Ma'am, nand'yan po ba si Sir Ethan? May naghahanap sa kaniya."

Biglang nag-init ang aking mga pisngi. Baka nakita niya kanina si Ethan na pumasok dito.

"Sino po?" tanong ko.

Nasa likuran ko na si Ethan kaya lumabas na kami sa pintuan.

Tumambad sa aking harapan ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ng leather jacket at may maangas na mukha. Kapansin-pansin din ang malaking scar sa gilid ng mata niya.

"Mr. Delos Reyes," bati ni Ethan sa kaniya.

Mukhang siya ang detective na sinasabi ni Ethan—si Mr. Reginald Delos Reyes.

💍

"I will pay you once na mahanap mo ang kasagutan behind the mysterious death of Chyna," sabi ni Ethan kay Mr. Delos Reyes.

Nandito kami ngayon sa unit ni Ethan. Mukhang nagtataka si Mr. Delos Reyes, ang criminal investigator na hahawak sa kaso ni Chyna nang makita niya kaming magkasama kanina.

Mayroon naman talagang nakahawak sa kaso ng bestfriend ko, kaso ayaw kong masyadong makialam sa parents niya dahil tila sinara na nila ang kaso dahil lahat ng ebidensiya ay itinuturo ang kanyang live-in parter na si Julio.

Masakit man sa akin na maungkat ang tungkol kay Chyna ay tila ito ang paraan para mabigyan ko siya ng katahimikan. I don't believe in spirits na hindi pa nakatatawid sa kabilang buhay dahil may mga unfinished business pa sila rito sa lupa, but my gut feeling tells me that I should open my eyes into something na magtuturo sa akin sa katotohanan. I can't pinpoint kung ano man ang gusto kong mangyari kaya I asked Ethan to help me. Maaaring may ibang anggulo ang kaso ni Chyna.

"Yes, asahan niyo Mr. Salazar and Ms. Quinto na maibibigay ko sa inyo ang kasagutan."

Nag-usap muna sila ni Ethan habang tahimik lamang akong nakikinig. Napayuko ako at ngumiti dahil hindi ko akalaing matutulungan ako ni Ethan.

MATAPOS ibigay ni Ethan ang lahat ng papeles tungkol kay Chyna ay nagpaalam na si Mr. Delos Reyes.

Naiwan kami na tulala sa pintuan. Alam kong namumula ang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag-akyat ng init sa mukha ko.

Ang naudlot naming kapusukan ang nagpapaalala sa akin kung gaano ako karupok.

Lakas loob akong humarap sa kaniya.

"Erryn, I'm really sorry. Hindi ko dapat ginawa 'yon."

Ethan is like a gem I want to keep, pero sa sobrang mahal ay hindi ko kayang makuha. Kahit na pareho kaming single ay ramdam kong may pader sa pagitan naming dalawa. Handa na ba akong magmahal? Should I take the risk?

"Okay lang, pareho lang tayo." Ano ba'ng dapat kong isagot?

Dapat ba akong magalit dahil ginawa niya iyon na labag sa loob ko? Labag nga ba sa loob ko? Hindi man lang ako tumanggi at ang nakakahiya ay pinanindigan ko pa!

"Gusto kita, Erryn."

Napanganga ako. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pero ang pinakanangingibabaw ay ang saya na hatid ng kaniyang pag-amin.

Napatitig kami sa mata ng isa't isa at sabay na napangiti. Umiwas ako ng tingin dahil bigla akong na-awkward. Hindi man kami magsalita ay alam kong pareho naming nararamdaman ang isang koneksyong hindi namin maipaliwanag.

Siguro nga ay ito ang simula ang bawat relasyon. Sa umpisa ay masaya at maganda.
Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng aming pag-amin, pero isa lang ang masasabi ko.

Masaya ako ngayon.

💍

The Lost MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon