First Heartbeat

893 34 200
                                    

Flash from the past . . .

"Wow! Ang lamig ng tubig!"
"Ang ganda rito! Ang linis."
"I love this outing!"

Nakaupo lamang si Erryn sa silong ng puno ng niyog. Tinatanaw niya ang mga masasayang tawanan ng kaniyang mga kaklase. Sa sobrang tuwa nila ay lumalakas ang kanilang mga boses. Hindi siya sanay makihalubilo sa mga tao lalo't ito ang kauna-unahang pagkakataon na malalayo siya sa kaniyang ama.

Nasa unang taon pa lamang sa kolehiyo si Erryn at nagkaroon ng excursion ang College of Engineering and Architecture sa naturang beach resort.

Lahat ng mga estudyante ay masayang lumalangoy sa dagat habang dinarama naman ni Erryn ang masarap na simoy ng hanging hatid ng malinis na dalampasigan.

"Balita ko, hindi lang ang Department natin ang nandito, pati rin ang College of Humanities at College of Accountancy and Finance," sambit ng isang estudyante habang dumaraan sila sa harap ni Erryn.

"Humanities?" pag-uulit naman ng isa. "Ibig sabihin, ang daming guwapo ang narito ngayon."

Sabay na tumawa ang dalawang babaeng napadaan sa harapan niya.

Hindi na niya sinundan pa ng tingin ang dalawang babae. Nakatitig lamang siya sa malawak na karagatan.

"Kay ganda ng dagat," sambit niya sa kaniyang sarili.

"Tama ka. Napakaganda ng dagat . . . tulad mo."

Nagulat na lamang siya sa nagsalita. Isang lalaki ang nakatayo sa harapan niya at naupo sa tabi niya. Napa-usog siya nang kaunti dahil hindi siya sanay na tinatabihan ng isang taong hindi niya kilala.

Buong buhay niya ay ngayon lamang tumibok nang ganito kabilis ang kaniyang puso. Hindi niya mawari ang ganitong pakiramdam dahil lamang sa presensiya ng isang tao. Nakatitig lamang siya sa mukha ng lalaking nakasuot ng puting T-shirt.

Mahilig manood si Erryn ng mga pelikula sa telebisyon at masasabi niyang 'tila isang artista ang lalaking ito.'

"Bakit ka nag-iisa?" tanong ng lalaki.

Napatingin na lamang si Erryn sa malawak na karagatan. Sa sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso ay siguradong naririnig din ito ng lalaking katabi niya.

"Gusto ko lang mapag-isa."

Napatitig sa kaniya ang lalaki. Ang pagsayaw ng buhok ng babae sa hangin ay nakapagbibigay ng matinding paghanga sa kaniya. Para siyang nakakita ng isang diyosang may napakaamo at napakagandang mukha. Ngunit, ramdam niya ang lungkot ng babaeng katabi niya ngayon.

"May I ask you what your name is?" tanong ng lalaki.

Napatingin sa kaniya si Erryn. Natulala na lamang ang lalaki sa biglang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Tila sa unang pagkakataon ay may nakabighani sa kaniyang matigas na puso.

"Erryn."

Paulit-ulit niyang naririnig ang pangalan ni Erryn sa kanyang utak. Ang boses ng babae ay napakaganda, parang agos ng ilog na nakakakalma.

"Ikaw, ano'ng pangalan mo?" tanong naman ni Erryn sa lalaki.

"Ethan."

💍

Erryn

"Erryn . . ."

"Ethan, a-anong ginagawa mo rito?" Ilang beses na kaming nakapag-usap, pero nabibigla pa rin ako sa t'wing bumubungad siya sa pintuan ko. Pinapasok ko siya at pinaupo sa upuan ng dining table.

The Lost MarriageWhere stories live. Discover now