|45|

395 18 8
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

February 14, 2020

“Hi Shar, happy Valentine's.” iyon kaagad ang bumungad kay Sharlene pagkalabas niya ng kwarto. A man greeting her with a bouquet of flowers.

Hindi man makapaniwala ay nagawa pa rin niyang magpasalamat sa binata. “Ay thank you,” she said as she accepts the flower.

Ricci and Sharlene are on their second day of taping for their first ever movie na sila ang magkapareho, Happy Times. Nasa set sila ngayon at kasalukuyang nagpapahinga nang maisipan ni Ricci na bigyan ng bulaklak ang kapareha. Kaya naman madali siyang tumawag sa kaibigan at nakisuyo dito.

“Sana all may flowers kapag Valentine's day.” pang-aasar pa nga ng isa sa mga staff nila na nakuhanan ng video ang ginawa ni Ricci. For sure fans will be happy after seeing that. At isa pa ay nakatanggap din sila ng stuff toy mula sa kanilang fan base. A cute couple stuff toy. They even took a photo together holding it.

Of course, Sharlene is happy. She misses acting. Namiss niya ang magbasa ng scripts at ang pag-arte. Namiss niya ang abutin ng gabi o di kaya ay madaling araw sa location nila. Namiss niya mapuyat. Namiss niya yung mga pagkakataon na nakakalimot siya sa script na nagiging dahilan ng pagtawa ng mga kasama.

Pero sa lahat ng iyon, may isa siyang namimiss na hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan niya.

She misses that someone who always cheer for her. Yung taong laging nasa likod niya. Hindi man nakikita ng mga tao, pero ramdam niya ang suporta nito sa kanya. He miss that one person who cheers her up on her bad days. He miss that someone who can make her smile even when she has bad mood. He miss that someone who can make her feel special kahit na sa simpleng paraan lang.

She misses that someone who she can't call hers. Sa mga ganitong oras, namimiss niya si Donny. Alam niyang weird dahil siya naman ang nagpupumilit sa binata na tigilan na muna nila ang kung ano man ang meron sila.

She closed her eyes and memories of that night came flashing on her mind.

January 01, 2020

“Shar, please naman. Let's talk.” Matapos ang tawag ni Donny sa dalaga ay agad siyang nagpunta sa bahay ng dalaga.

Puno ng pagtataka ang mga magulang ni Sharlene dahil sa biglaang pagsugod doon ni Donny. Hindi nila alam ang nangyayari, pero naramdaman nilang kailangan mag-usap ng dalawa kaya hinayaan nila si Donny na umakyat upang makausap si Sharlene.

“Shar, nandito ako. Let's talk, please.” Donny said as he knocks on Sharlene's room. “Wag naman ganito.” Frustration. Iyon ang mababakas sa boses ng binata. He has no idea sa nangyayari. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang ganito ang nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit naiisip ni Sharlene ang ganitong mga bagay. Hindi niya matanggap, hindi niya kayang tanggapin na gusto na niyang tapusin ang lahat. “Let me explain first.”

Nakahiga sa kanyang kama at yaka-yakap ang isang unan. Nakatulala sa kisame ng kanyang kwarto habang ang luha niya'y patuloy sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. She's hurt. She's confused. Gusto niyang buksan ang pinto at kausapin si Donny pero may pumipigil sa kanya na gawin 'yon, and that's her heart.

Hindi alam ni Sharlene kung kailan nagsimulang parang may nagbago sa kanya. Dati ay siya pa nga ang nagsasabi na okay lang, keep it private and lowkey. Mas okay kapag hindi alam ng maraming tao. But what happened now?

She doesn't know what gotten into her at bigla siyang nakaramdam ng sakit at selos. For the past years masaya at kuntento naman na siya sa kung anong meron sila ni Donny behind the lights of camera. Kaya hindi niya maintindihan ang sarili niya ngayon.

Behind the LightsWhere stories live. Discover now