|25|

1.6K 68 9
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

“Aaahh!” A huge sigh escaped from Donny's lips as he finally smell the scent of his own room. He just arrived from his short trip in Thailand with his cousins.

Kaagad niyang inihagis ang kanyang jacket sa couch sa loob ng kanyang kwarto at tsaka sumalampak ng higa sa malambot niyang kama. Niyaka niya ang kanyang unan at ipinikit ang mga mata. Ang akala niya kapag nakapag-bakasyon siya ay magignhawan siya at mababawasan ang kanyang stress at pagod na dala ng trabaho. Pero hindi rin pala. While he was in Thailand, Sharlene occupied his thoughts. Sa bawat gagawin niya ay lagi niyang naiisip ang dalaga. And then he promised himself na sa susunod na pagpunta niya sa Thailand or even sa kahit anong lugar, sisiguraduhin niyang si Sharlene ang kasama niya. The thought of it makes him smile. And then he remembered, the grandest MYX music award is coming.

He checked his social media accounts. He opened his Instagram and went straight to Sharlene's IG stories. Ipinakikita ng dalaga na naghahanda na siya sa isusuot niya para sa malaking event na iyon. The theme will be Ultraviolet. “SharDon...” Bulong niya sa sarili nang maalala na ganito ang kulay ng kanilang ship.

Pilit niyang inaalis ang ngiti sa kanyang mga labi ngunit para itong nakatahi na sa kanyang mukha. Hindi na rin niya maalis sa isip ang excitement para sa nasabing awards night.

Simula nang dumating siya mula Thailand ay hindi pa siya nakikipagkita kay Sharlene. Hindi rin siya nagpaparamdam. And he's doing it for a purpose.

He has a plan.

-

Fifteenth day of May, 2018 the grandest Awards Night will happen.

Napupuno ng sigawan at masasayang mga ngiti ang buong Smart Araneta Coliseum. Hindi pa man nagsisimula ang mismong event ay kitang-kita na ang excitement sa bawat isa na nagpunta at nagbigay ng oras para sa gabing ito. Weeks before this event, samu't-saring tweets na ang mababasa sa twitter at pinaparating nila kung gaano sila naeexcite para sa gabing ito. Iba't-ibang fandom ang naghahanda para suportahan ang kanilang mga iniidolo na nominated para sa iba-ibang categories.

But, there's this fandom na kapansin-pansin din ang hiyawan, excitement at saya sa mga mukha, the SharDons. They are the supporters of MYX VJs Donny and Sharlene. What made them different from the other fandoms is that, hindi naman official na love team ang kanilang sinusuportahan. Pero hindi iyon naging hadlang upang ipakita nila ang kanilang pagmamahal sa kanilang iniidolo.

Habang napupuno ng hiyawan ang buong Araneta Coliseum, sa backstage ay naroon ang tahimik na mga VJs. Hindi sila kumpleto sa gabing ito dahil si Turs ay nasa Canada pa. Pero sa kakulitan na dala ni Robi at Iñigo ay parang hindi naman sila kulang ngayon.

Kabado. Hindi man sila ang performers o nominees, kinakabahan pa rin sila. Even Ai and Robi na matagal na sa MYX ay may kaba pa ring nararamdaman ngayon. Pero ang kabang iyon ang ginagamit nila upang mas gawin nila ang kanilang best sa paghohost.

Lumabas si VJ Ai upang tuluyan nang simulan ang gabing ito. And then, what happened next was a surprise. Mula sa likod ng stage ay lumabas sina VJ Donny and VJ Sharlene na ikinagulat ng lahat. Naka-angkla ang kamay ng dalaga sa braso ng binata habang nakangiting naglalakad patungo sa gitna ng stage, hawak-hawak ang kanilang cue card. Malalakas na hiyawan mula sa kanilang mga supporters ang tanging ingay na naririnig nila sa mga sandaling iyon. They may be few in numbers, but they have brought the hearts of ever fans na hindi nakapunta sa gabing ito. They represented the whole SharDon family. At ramdam na ramdam nina Donny at Sharlene ang pagmamahal nilang iyon.

They greeted everyone, noticed every fandoms na may mga hawak na banners.

“Uy, McLisse!” Sharlene pointed the fans of Hashtag McCoy and his loveteam Elisse Joson. Hiyawan muli ang umalingasaw sa buong lugar. “SharDon!” Pagpuna ni Sharlene sa kanilang fansclub na iwinawagayway ang hawak na banner.

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon