|39|

1.2K 45 1
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

“Bias ko si Jennie pero kay Rosé ako lagi nakatingin kanina.. Kasalanan ba yun pag ganon?”

Masayang natapos ang BlackPink concert na ginanap dito sa Mall of Asia Arena. Lahat ng Filipino fans ng nasabing K-pop group na kung tawagin ay Blinks ay paniguradong nag-enjoy nang makita ang kanilang iniidolo. At kasama na nga sa mga fans na ito si Sharlene. She attended tonight's concert together with her friends, Angel and Jenica.

Sharlene, being a celebrity, pwede niyang gamitin iyon para magkaroon ng special treatment para sa gabing ito. But she refused to do so. Mas pinili niya na makasabay sa napakahabang pila ang mga kapwa niya fan din bago makapasok sa mismong venue. Isa iyon sa bagay na kinatuwa ng mga nakakilala sa kanya sa pila kanina. According to her, when it comes to being a fan, pantay-pantay lang ang lahat.

“Ako, forever bias ko si Lisa pero I stan the OT4.” Nakangiting kwento naman ni Angel habang yakap-yakap ang kanyang light stick.

“Normal lang naman Shar ang magandahan kay Chaeng no. She's serving us visual kanina, sila ni Jisoo.” Ani Jenica na hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi.

Angel looked at her phone to check the time, it's late already, of course. Galing sila sa concert kaya natural lang na late na ito matapos.

“Shar, susunduin ka ba?” Tanong nito sa kaibigan. Nag-aalala ito dahil alam niyang sa Bulacan pa uuwi ang dalaga.

Sharlene nods in response. “Ah oo, si mama.”

Biglang napataas ang kilay naman ni Jenica tapos maya-maya lang ay pinaningkitan ng mata si Sharlene. “Mama mo ang susundo sayo?” May pangungutya sa kanyang tono.

Kumunot ang noo ni Sharlene at marahang tumango muli bilang sagot. “Oo, si mama. Bakit?”

“Baka mamanugangin ng mama mo.”

“Ha?”

Upang maintindihan ni Sharlene ang sinasabi ng kanyang kaibigan ay nilingon nito ang direksyon ng mata ni Jenica at doon ay nakita niya ang bulto ni Donny na unti-unting naglalakad papalapit sa kanila.

When he finally reached Sharlene, he kissed her on her forehead. Habang kilig na kilig na sina Angel at Jenica ay itong si Sharlene naman ay hindi pa rin makapaniwala. Palinga-linga siya sa paligid at natatakot na baka ay may makakita sa kanila na magkasama.

Bahagya siyang lumapit sa binata at pabulong na nagsalita, “Anong ginagawa mo dito?”

A smile formed on Donny's lips. “Sinusundo ka.” Simple nitong sagot. Hindi kakakitaan ng pangamba ang ekspresyon ng mukha niya na para bang hindi ito natatakot kung may makakita man sa kanilang dalawa ngayon, sa ganitong oras. “Let's go?”

“Seryoso ka ba, Donny? Nasaan ba si mama?” Naguguluhang tanong pa rin ni Sharlene.

Pasimpleng lumapit si Angel kay Sharlene at bumulong dito, “Sumama ka na girl. As if naman may gagawing masama sayo si Donny no.” May halong biro sa kanyang tono kaya napailing na lamang ang dalaga.

“Go na Shar, bago pa may makapansin sa inyo.” Pagpapaalala naman ni Jenica sa kanina pa pinoproblema ni Sharlene.

Nagpaalam na ang dalaga sa dalawang kaibigan at sumama na nga kay Donny. Nang marating nila ang sasakyan ay agad na pinagbuksan ni Donny ng pinto ang dalaga. Ang driver ng binata ang kasama nila ngayon dahil kagagaling lang din nito sa Tagaytay para sa isang event doon.

“So nasan nga si mama?” Kanina pa chini-check ni Sharlene ang kanyang cellphone pero wala namang text message ang kanyang ina kaya mas lalo siyang hindi mapalagay. “Bakit ikaw yung sumundo sakin?”

Behind the LightsWhere stories live. Discover now