|42|

1.2K 28 0
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

Sunday morning and blessings are overflowing for Sharlene. Ngayong araw kasi ay naimbitahan siya upang maging guest host sa iWant ASAP at mayroon din siyang plug na gagawin para sa nalalapit na ABS-CBN Ball. At bukas namay ay mayroon siyang taping para sa kanyang MMK episode.

“Hey guys, good morning!” Isang matamis na ngiti ang binungad ni Sharlene sa kanyang camera. She decided na gawing vlog ang araw niya ngayon. Bigla niya lang naisipan na magandang concept ito para na rin malaman ng kanyang fans ang ginagawa niya kapag araw ng linggo.

“Hey guys, good morning!” Gaya naman ng kanyang ina sa kanyang bati kanina.

“Good morning sa inyo guys, so ngayon ay Sunday at meron akong iWant ASAP. Ipapakita ko sa inyo kung paano ako nagpeprepare. Pero pupunta muna kami sa simbahan.”

Habang naglalakad siya sa loob ng bahay ay natigilan siya nang makarinig ng napaka-pamilyar na boses sa kanya.

“Hey babe, good morning..” pag-gaya ng binata sa pagabati ni Sharlene sa kanyang ginagawang vlog.

Sa sobrang pagkagulat ay pinatay agad ni Sharlene ang kanyang camera at hinarap si Donny na ngiting-ngiting nakatayo sa harapan niya.

“Donny?” Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan ng binata. Nanlaki pa ang mga mata niya habang sinisipat ang taong nasa harap. “Nandito ka. A-ano.. bakit?”

“Anong bakit? It's Sunday, gusto ko magsimba kasama ka.” he causally said. Sa tono ng pagkakasabi niya ay para bang napaka-normal lang ng lahat. Na parang ayos lang kung sakaling may makakita sa kanila na magkasamang nagsisimba. “Pwede naman diba?”

Sharlene looked at her mom. Nakangiti lang ito sabay nagkibit-balikat. Alam naman niya na pupunta si Donny ngayon pero tinago niya iyon sa anak na si Sharlene.

“Ma!” May pagtatampo at bahagyang pagkaasar sa boses ni Sharlene. Pakiramdam niya ay lagi na lang siyang pinagkakaisahan ng ina at ni Donny. Lagi na lang siyang nagugulat sa presensya ni Donny. “Kayo ah, nag-secret na naman kayo sakin. Siya na ba anak mo, Ma?”

“Huy Sharlene, para kang bata. Umayos ka nga.” Natatawang sagot ng ina ni Sharlene at tsaka ito tuluyang naglakad palayo sa dalawa.

Binalik ni Sharlene ang kanyang atensyon kay Donny na kanina pa din nakatitig lang sa kanya. Pinaningkita niya ito ng mata, “Bakit di mo sinabi sakin na pupunta ka ngayon?” tanong niya na parang bata.

“Aysus,” Donny opened his arm at naglakad palapit sa dalaga. “Nagtatampo naman ang baby ko, halika nga dito.” Hinila niya ang kamay ni Sharlene palapit sa kanya para mayakap niya ito. “Hmm. Yakapin na lang kita para mawala yung tampo mo.”

Lihim na napangiti si Sharlene dahil sa ginawang iyon ni Donny sa kanya. Natural naman ang pagiging malambing nito sa kanya, but this time, it's different.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito kalaya siyang makaramdam ng kilig sa taong gusto niya. Habang nakakulong sa bisig ng binata ay bahagyang nawala ang takot at pangamba sa kanyang puso't isipan.

Five seconds pa. Ani ng maliit na bahagi ng kanyang isipan. Nag-play pa sa kanyang utak ang eksenang iyon sa isa mga pelikula ni Maja Salvador at Paulo Avelino. That moment where she wishes to stay in that position knowing that there will be no assurance that it will happen again.

“You know what, buti na lang nagpabango ako.” Natatawang wika ni Donny kaya naman napahiwalay na sa pagkakayakap si Sharlene sa kanya. “Cute mo talaga.” dagdag pa nito nang makitang inirapan siya ng dalaga.

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon