|17|

1.7K 62 2
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

Magkakaroon ng isang special segment ang anim na MYX VJs na sina Robi, Ai, Sunny, Sharlene, Donny at Turs na handog sa mga viewers para sa nalalapit na Valentine's Day. Kanina ay nai-tape na nila ang una nilang laro na charades. Kaya ngayon ay iyong pangalawabg laro naman na talagang pinaghandaan nila.

“This second game is called The Valentine Re-enactment.” Masayang bungad ni Robi.

Sa larong ito, magkakaroon ng pair-up and re-enact a scene from a movie or TV show. The other VJs and cameraman will judge their acting by giving thumbs up or thumbs down. Ang makakakuha ng anim hanggang pitong thumbs up ay magkakaroon ng ten points, ang magkakakuha naman ng apat hanggang limang thumbs up ay mabibigyan ng eight points at six points naman sa pares na makakakuha ng three and below thumbs up mula sa judges.

“We have draw our partners that's why we're sitting next to our partners right now.” Muling paliwanag ni Robi. Isang linggo pa lang bago nila gawin ito ay nagbunutan na sila ng pangalan ng VJ na makakapareha nila para sa larong ito. “ShUrs magkasama!” Pagpapakilala ni Robi kina Sharlene at Turs na binigyan naman ng isang malakas na hiyawan at kantyaw mula sa mga kasamahan. Pero mapapansin ang reaksyon ni Donny. Hindi siya natutuwa sa naging resulta ng bunutan lalo na nang kantyawan pa sina Sharlene at Turs na talagang meant to be sila kaya sila ang naging magkapartner ngayon. Pero hindi niya pwedeng ipakita na nagseselos siya. Maraming camera, hindi siya pwedeng mahalata. So he tried his very best to act calm. Nakikipalakpak siya at nakiki-asar. Pero sa tuwing nakikita niya na masaya ang dalaga, hindi niya maiwasang mainis. “And then, SAi? SAi.” Pagpapakilala ni Robi kina Sunny at Ai. “And then we have chosen—”

“Kayong dalawa ano?” Tanong ni Ai na ang tinutukoy ay ang pangalan ng team-up nina Robi at Donny. “DoBi?” Natatawa nitong tanong kaya nagtawanan na din ang iba. “Oh gusto mo, RoNny?”

“Pwede rin.” Pag-sang ayon naman ni Robi na hindi pa rin nawawala ang pagtawa.

“DoBi na lang! DoBi!” Nakangiting sabi naman ni Sunny.

Nagasalita si Sharlene at pagkarinig palang ni Donny sa boses ng dalaga ay napalingon na siya rito. Actually, kahit hindi naman ito nagsasalita ay napapatingin siya dito. “Mas maganda yung RoDon!” Kasabay nito ay ang pagtawa nila. “Matigas,  RoDon!” Pag-uulit pa ng dalaga na umani ng mas malakas na tawanan.

“As per Shar,” panimula ni Ai na sinagot naman nang sabay-sabay ng mga VJs na “RoDon!” gayang-gaya pa nila ang pagkakabigkas ni Sharlene doon.

“Action star ah!” Natatawang komento naman ni Donny.

Nang humupa na ang tawanan ay muli nang nagsalita si Robi para simula ang kanilang laro. “So we got our specific movies at meron tayong seven judges. Uhm, yung ibang hindi mag-a-act out, the remaining four VJs plus our three cameramen.” Pagpapaliwanag nito. “Kaya we'll be giving thumbs up or thumbs down kung okay ang performance. And the one who's starting are...” sabay-sabay na itinuro ng mga VJs sina Sharlene at Turs.

“ShUrs!”

“Go, ShUrs!”

“Hala kami agad,” Tumayo na sina Sharlene at habang inaayos niya ang inupuan ay pasimple siyang binalingan ng tingin ni Donny at sinabihang good luck.

“Yes, ShUrs!”

“Wait lang, wait lang, pwedeng pahingi, pahingi ng ano, one minute lang.” Ani ng dalaga habang magkaharap na sila ni Turs sa upuan.

“Yah! We'll get into characters.”

After one minute ay tumahimik na ang lahat sa studio at pinapanuod na ang dalawa.

Behind the LightsWhere stories live. Discover now