|29|

1.5K 70 1
                                    

|@cathcakee on twitter. This is just a product of my imagination|


A familiar scent filled nose as she opened the door to a coffee shop where her bestfriend, Miles, is waiting for her. She's just wearing a simple black shirt, jeans, sneakers and a white cap. Just a simple ordinary girl strolling in the mall.

“Beshie!” She greeted her bestfriend with a tight hug. After weeks of being busy, ngayon na lang ulit sila nagkaroon ng oras para magkita at makakain. “Kanina ka pa ba?” Galing si Sharlene sa MYX studio kaya medyo nahuli siya sa napag-usapang oras ni Miles.

“Hindi naman. Tara, order na tayo at marami kang ikukwento sakin.”

They ordered caramel macchiato, matcha lemonade, mango crunch cake and caramel almond crunch cake. They say no to diet first now.

“So beshie, pinuntahan ka ni Kisses kagabi?” Tanong ni Miles. Pagkatapos mag-usap nina Kisses at Sharlene kagabi ay tinawagan niya si Miles para sabihin nga ang nangyari. Pero dahil kalaliman na ng gabi, hindi sila gaanong nakapag-usap ng maayos kaya nag-set sila ngayon ng oras para makapag-usap. “Anong ginawa niya? Sinakatan ka ba niya, beshie? Shar, tell me!”

Agad namang pinatahimik ni Sharlene ang kaibigan. “Sshhh. Beshie, ang ingay mo.” Nilibot ni Sharlene ng tingin ang paligid. “Baka may makarinig sa'tin.”

Mile rolled her eyes and take a sip on her drink. “Okay. So ano na nga ginawa niya?”

“Beshie, ang weird lang. Kasi, kagabi, nagpunta siya sa bahay para magtanong sakin about kay Donny.”

Natigilan si Miles sa kanyang pagkain. Nagtaas siya ng kilay habang sinusuri ang kwentong narinig mula kay Sharlene. “She asked about Donny?”

Sharlene nodded in response. Hindi pa rin siya makapaniwala sa pag-uusap nila ni Kisses kagabi. That was the first time na nagkausap sila at talagang tungkol pa kay Donny. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa ganoong oras pa siya nagpunta sa bahay.

“She asked about Donny's likes and dislikes, favorites, hobbies, basta lahat.” Pagpapatuloy ni Sharlene.

Miles paused for a while. “Nangunguha siya ng mga information about kay Donny. Maybe she just wanted to know his on-screen partner, or,” nakuha ni Miles ang atensyon ni Sharlene sa mga sinasabi niya. “Or, gusto niya na may malaman about you and Donny. Baka, hinuhuli ka niya.”

Napaisip si Sharlene sa sinabi ng kaibigan. Paano nga kung tama ang mga hinala ni Miles? Paano kung may alam si Kisses sa relasyon nila ni Donny? Pero imposible. Maingat naman sila sa mga kilos nila at halos hindi na nga sila nagkakasama sa MYX dahil sa kanya-kanyang schedule.

“Shar, alam ko na alam mo yung naging issue ng fans a months ago.” Panimula ni Miles. Napahinto sa pagkain si Sharlene at sinubukang alalahanin ang gustong sabihin ni Miles sa kanya. “Remember that hand sign you and Donny used to make kapag nagpipicture kayo ganon? I heard na the fans of, alam mo na, ni ate girl claimed na hand sign nila yon.”

Hindi man nagsasalita si Sharlene sa mga issue ng fans, pero aware siya sa lahat ng 'yon. Nababasa niya ang mga tweets ng fans and even the hate tweets of some people who's trying to bring her down. Ayaw niya lang magsalita pero naiintindihan niya kung saan nagsisimula ang fans. Gusto lang naman nila na ipaalam na sa kanila nagsimula ang hand sign na iyon.

“And, may video clip din ako na napanuod wherein, Kisses called Donny as Don Donny which is, alam naman nating dalawa na ikaw lang ang tumatawag sa kanya ng ganon.”

Hindi nakatakas kay Sharlene ang issue na iyon. She even played and watched that video.

“Baka naman nagkataon lang.” Pinipilit ni Sharlene na intindihin ang mga bagay na nagyayari sa paligid niya at sinusubukang isipin na walang masama sa mga nangyayari na iyon.

Behind the LightsWhere stories live. Discover now