|01|

3.7K 79 3
                                    

|This is just a product of my imagination.
@cathcakee on twitter|





“And again, this is VJ Sharlene, signing off. Bye!”

Natapos na ang pag-shoot ng segment ni Sharlene para sa araw na ito. Dapat ay silang dalawa ni Jairus ang magkasama pero dahil may ibang commitment ang binata ngayong araw, hindi ito nakapunta.

Kaagad siyang dumiretso sa kanyang dressing room at doon ay nadatnan niya ang kaibigang si Miles na malapad ang ngiti sa kanya. “Hi beshie beshie!” Sinalubong pa siya nito ng mahigpit na yakap.

“Oh, di mo naman sinabi na pupunta ka pala?” Umupo si Sharlene sa upuan sa harap ng vanity mirror at pinagmasdan ang sarili sa salamin. She's really enjoying her short hair. Kinuha niya ang brush at sinuklay ang makintab at madulas niyang buhok.

Nakakunot ang noong pinapanuod siya ni Miles na kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan. “Wala ba si Jai?” Tanong niya na nagpatigil sa ginagawa ni Sharlene, o Shar para sa mga malalapit niyang kaibigan.

“May taping siya sa ano, ng Ipaglaban mo. Kaya ayun, di na siya nakapunta ngayon.” Sagot ng dalaga. She sound a bit bitter but she tries to hide that.

Pero walang kahit ano ang nakakatakas kay Miles. “Eh bakit parang ang pait non beshie?”

Hindi kaagad nakasagot si Shar sa tanong ng kaibigan. Pinipilit naman niyang ipakita na hindi siya naapektuhan sa madalas na hindi na nila pagsasama ni Jairus, pero sadyang kilalang-kilala na siya ni Miles kaya kahit anong tago niya, nakikita pa rin ito ng kanyang matalik na kaibigan.

“Napapadalas na yung hindi pag-attend ni Jai dito sa Myx.” Sinusukat ni Miles kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga pero nanatili itong nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin.

Kinuha na lamang ni Sharlene ang kanyang cellphone at agad na nagtungo sa twitter upang libangin ang sarili. Sa pag-i-scroll ay nadadaanan niya ang mga tweets ni Jairus. Sandali siyang napapahinto at pinag-iisipang mabuti kung ila-like niya ba ang mga ito o hindi na lang. Sa tuwing magdedesisyon siya na wag na lang ay para bang may kung anong nagtutulak sa kanya na balikang muli ang tweet na iyon. Hanggang sa huli ay binalik na lamang niya ang kanyang cellphone sa bag.

“Anong emote yan, Sharlene San Pedro?” Sa pagkakataong ito ay hindi na mabasa ni Miles ang kinikilos ng kaibigan.

Napayuko na lamang si Sharlene at pinipisil-pisil ang sarilng kamay. “Hindi na ko kasama sa priority niya.” Mababakas ang lungkot sa boses ng dalaga.

Alam ng lahat, lalo na ng kanilang mga taga-hanga na napakalapit nila ni Jairus sa isa't-isa. Halos lahat ng tungkol sa kanya ay alam ng binata. Sinabi pa nga nila noon sa isang interview na hindi nila makita ang sariling nagtatrabaho sa industriyang ito na hindi kasama ang isa’t-isa.

“You're not a priority na nino?” Biglang iniluwa ng pintuan si Donny, katrabaho ni Sharlene, na nagpagulat sa mag-kaibigan.

“Jusko naman, Donny! Ginulat mo kami.” Napahawak pa sa kanyang dibdib itong si Miles dahil sa gulat nang biglang pagpasok at pagsabat ng binata sa usapan nila ng kaibigan.

Napakamot sa batok si Donny at ngumiti. “Sorry, I didn't mean to intrude but I knock thrice and hindi niyo binubuksan yung door so I assumed na I can enter na lang.” Paliwanag pa nito.

Masyado ngang nalunod sa sariling pag-iisip itong si Sharlene at para bang hindi niya napapansin ang presensya ni Donny. Hanggang sa tinapik na siya ni Miles. “Huh? Ah, Donny. May kailangan ka?” Mabilis nitong tugon pero bakas ang pagkataranta.

At dahil sa galing ni Miles sa pagbabasa ng kilos ng mga tao, napansin niya na nababalot na ng pagtataka si Donny dahil sa biglang inaasta ni Sharlene. Dati kasi ay tuwing magkikita sila ay napaka-hyper nito. Di tulad ngayon na parang lantang gulay.

“Nako, pagod lang yan si Shar. Pasensyahan mo na.” Agap ni Miles upang mabura ang paghihinala ni Donny.

“Okay. But, sino yung hindi ka na priority?” Hindi pa rin natigil sa pagtatanong ang binata.

Tumayo si Sharlene at lumapit kay Miles at binigyan ito ng tingin na nagsasabing tulungan siyang humanap ng alibi. “Ah, ano kasi, hindi na siya.. hindi na siya priority ni Nash. Oo, hindi na.”

Gusto na sanang magpasalamat ni Sharlene sa pagtulong ng kaibigan pero hindi pa rin dahil mas lalo lang lumaki ang issue dahil nandamay pa siya ng iba. Mas lalo lang mag-uusisa si Donny. Wrong move, beshie. Very wrong!

“Hindi kasi ganito yan,” Sa wakas ay gumana na din ng alibi skills ni Sharlene. “Naghahanap kasi ako ng makakapartner ko sa music video ng stars and caramel bars, eh, ang choice ng producer eh si Nash daw sana. Kaso busy kasi yung tao kaya di ko makasingit sa sched niya. Yon, diba beshie?”

Miles fake a laugh. “Ah, oo, yun nga yon. Yun lang yon. Nagiging ano, nagiging sensitive lang talaga si Shar kapag gutom.”

This time ay mukhang naniwala naman na si Donny. Thank, God! Sigaw ng isip ni Sharlene.

“Gutom? I told you, stop that diet. You should eat a lot.” Payo ng binata. Kinuha niya ang paper bag na dala niya at iniabot iyon kina Sharlene.

“Hm. Ano to?” Puno ng pagtataka ang maamong mukha ng dalaga. Binuksan niya ang paper bag at nakita ang tupperware na may lamang cookies.

“Uh, mom baked a lot of cookies so I decided na magdala for the VJs.”

“Wow naman. Salamat. Pakisabi din kay tita, thank you.” Ngayon ay unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Sharlene.

Lumabas na ng dressing room si Donny dahil segment naman niya with Sunny ang isho-shoot. Kaya naiwan ng muli ang mag-bestfriend.

Siniguro na muna ni Sharlene na wala ng ibang tao bukod sa kanila. “Beshie! Beshie naman, bakit dinadamay mo si Nash?”

“Ay wow naman, beshie. Eh ikaw kaya yung nanghihingi ng tulong.” Depensa naman ni Miles.

Napapadyak na lang si Sharlene, “Eh bakit si Nash pa?”

“Siya kasi yung biglang nag-pop up sa isip ko, e. Tsaka okay naman na beshie, tapos na.” Miles’ trying to assure her best friend that everything's fine.


Nauna na sa pag-alis si Miles dahil mayroon siyang taping para sa HSS. Naiwang mag-isa si Sharlene sa kanyang dressing room. Hanggang sa nakaramdam siya ng pagkabagot kaya naisip niyang panuorin na lang anh segment ng kaibigang si Sunny kasama si Donny.

Kasalukuyang ginagawa ng tinaguriang SunDon ang speak out challenge. Ang akala niya ay makakabuti para sa kanya ang manood, pero hindi rin pala. Mas lalo niya lang naalala si Jairus. Sila kasi ang unang gumawa ng challenge na ito sa Myx.

“Hi Shar!” Buti na lamang at hindi pa gaanong okupado ang isip niya kaya napansin niya ang pagdating ni Turs, isa sa bagong VJs. “You're still here pala.”

Napangiti na lamang ang dalaga, “Mag-i-english tapos may tagalog naman.” Natatawa niyang sabi. Alam naman ng lahat na isa si Sharlene sa pala-asar na taong makikilala mo. And as of Turs case, mukhang kailangan na din nyang masanay. “Joke lang. Hinihintay ko lang si Sunny.”

Gustuhin mang dugtungan pa ni Turs ang pag-uusap nila ng dalaga ay hindi na niya magawa dahil wala naman siyang maisip na magandang topic upang tapunan siya ng atensyon ni Sharlene.

“And that's the speak out challenge. Thank you for staying with us. This is VJ Donny and of course with VJ Sunny. See you on our next Myx challenge!”

Hudyat na iyon na tapos na sila sa kanilang challenge. Agad niyang dinaluhan ang kaibigang si Sunny na ang dami na agad kwento sa kanya. Ilang oras lang silang hindi nagkausap, naipon agad ang mga kwento ng kaibigan.

Natapos ang araw na ito na wala man lang paramdam si Jairus sa kanya.



Behind the LightsWhere stories live. Discover now