|28|

1.6K 65 5
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|


After the successful MYX VJ Search, it's time to celebrate! The MYX staff organized a dinner party for the newest member of the MYX Squad and of course also for the finalists.

“Oh, Shar, wala munang diet tonight ah!” Nakangiting paalala ni Sunny sa kabigan.

“Carbs.” Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Sharlene. Umiling-iling pa ito kay Sunny habang pinagmamasdan ang mga pagkain.

Nauna nang kumuha si Donny ng plato at naglagay ng maraming pagkain. “Why have to diet ba kasi?” Tanong nito. Hindi man siya direktang nakatingin kay Sharlene ay alam niyang alam nito na siya ang tinutukoy niya. “Hindi naman model ang role mo sa new movie mo.”

Pabirong hinampas ni Sunny sa braso itong si Donny at tsaka inakbayan si Sharlene. “Syempre our Sharlene is now a lady na kaya she needs to take care of her curves.”

“She's just nineteen, not even on her mid-twenties.” Muling sagot ni Donny at nakataas ang kilay pa na nakatingin kay Sunny.

Nilapitan na ni Robi ang binata at inakbayan ito. “Bro, that's girl thing.” Natatawa nitong bulong.

Hinigit na ni Sunny ang kaibigan patungo sa kanilang lamesa. “Sungit ni Donny,” Pabulong nito habang nilalaro ang kanyang kuko. “Daig pa boyfriend mo—” Napatakip si Sunny sa kanyang bibig at nanlaki pa ang mga mata nito. Muli niyang nilingon ang katabing si Sharlene at binigyan pa ito ng makahulugang tingin. “OMG! Kayo na ba?”

Sharlene eyes widen after hearing Sunny's question. “Huy Sunny, hindi ah!” Pagtanggi nito.

Naramdaman na lang niya na may humila na sa upuan sa tabi niya. And yes, it's Donny. “Whoa. Makatanggi naman.” Inilapag na niya sa lamesa ang plato niya na puno ng pagkain at mayroon din para kay Sharlene. “Going back on your question, Sunny. We're not yet in a relationship, but we will be there. In God's perfect time.”

Pabirong kinurot ni Sunny sa tagiliran si Sharlene bilang pang-aasar nito. “Hmm. SharDon!” Pangiti-ngiti pa nito habang pasalit-salit ang tingin sa dalawa. Maya-maya lang ay tumayo na ito at iniwan sina Sharlene at Donny. “Sige na, while the camera is off, mag-moment na kayo.” Bilin niya.

Pagkaalis na pagkaalis ni Sunny ay agad na hinarap ni Sharlene si Donny at pinangsinkitan pa ito ng mata.

“You're cute,” Ani Donny sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Sharlene.

“Bakit ang KJ mo?” Tanong naman ng dalaga na hindi pa rin naaalis ang paniningkit ng mga mata niya. “Diet nga ako. Diet.”

Donny licked his lower lip. “Babe,” sa simpleng salitang iyon ay pinamulahan na agad si Sharlene ng pisngi. Iba pa rin talaga kapag harapan niyang marinig kay Donny ang salitang iyon. “I'm just saving my heart from heartbreaks.” Sagot nito.

“Ano?” Kunot-noong tanong naman ni Sharlene. “Anong kinalaman non sa pagda-diet ko?”

“Marami magkakagusto sa'yo.” Simpleng sagot ni Donny. “Once boys found out how sexy you are, for sure they'll start to like you. Dadami kaagaw ko sayo.”

Hinawakan ni Sharlene ang kamay ni Donny na nakapatong sa lamesa. “Sa tingin mo naman magpapa-agaw ako?”

Donny blinked his eyes not just twice but more than a thousand times. Hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi niya. Ang ngiti niya na tanging si Sharlene lang ang nakakapagpalabas.

“Hey, hey!” Napabitaw si Sharlene sa kamay ni Donny nang dumating si Turs at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Sharlene. “So, how you guys doing?” Cool nitong tanong.

Behind the LightsWhere stories live. Discover now